Chapter 15: Inhale Exhale

82 3 2
                                        

Neil's pov

Psssh! Ang sungit. Ngayon na nga lang ako tatawag, masusungitan pa ako. Hindi na nga ako tinext nang ilang araw tapos susungitan pa ako. May kasama na ngang ibang tao at hindi ako tapos masusungitan pa ako. Late akong natulog kasi kanina ko pa siya kinokontact kaso unattended phone niya tapos nung nacontact ko na, sinungitan lang ako.

Nakakatampo na! >.<

Oo nagdadrama talaga ako. Kasi naman eh, namimiss ko na siya tapos masusungitan pa ako. Tapos ang sagot niya lang ay "thank you"? So hindi niya ako namimiss? Malamang, masaya siguro siya ngayon sa mga bago niyang mga kaibigan o dun sa manliligaw niya na nakita kong kasama niya nung isang araw. Isa pa nga 'yun sa pinagtatampuhan ko kasi wala pa siyang sinasabi sa akin. Baka naman nakakalimutan niyang nag-eexist pa ang best friend niya.

Pero kasalanan ko rin naman 'di ba? Sino bang naunang nakalimot, ako naman 'di ba? Kaya nga kami nag-away nung nakaraan kasi mas pinagbigyan ko mga kaibigan ko kesa sa kanya. Pero sa sitwasyon ngayon, may karapatan din naman akong magtampo 'di ba?

I love you...

I love you...

And I know you love me too...

And I know you love me too...

Baduy ba ng ringtone ko? Para kay Jiee lang 'yan. Gusto kasi niya pareha raw kami ng ringtone para cute. Oo, ang cute nga kasi may bff ringtone kami. Minsan na nga 'yang narinig ng classmates ko kaya ilang araw nila akong pinagtawanan. Tapos nung nalaman ni Jiee 'yun bigla ba naman niyang pinagalitan 'yung mga classmates ko pero tawa na lang sila ng tawa kasi naman kung magalit 'yun eh parang batang nagmamaktol. Imbes na mainis eh na-cute-tan pa 'yung mga classmates ko sa kanya at kinurot kurot 'yung pisngi niya kaya pikon na pikon talaga si Jiee nun.

'Yun din 'yung reason kung bakit nakilala siya ng mga classmates ko at ngayon hindi lang sila friends close friends pa sila sa fb. Ilang araw pa lang, matapos kaming nag-away ni Jiee at nakilala siya ng mga classmates ko ay naging close na sila kay Jiee kahit papano kaso ako, wala pa akong kilala sa mga kaibigan niya ngayong college.

Ewan ko rin pero hindi naman friendly si Jiee, cute lang talaga siguro at mabait kasi kaya gustong-gusto siya ng mga classmates ko ngayong college. Kaya welcome na welcome rin 'yan sa room namin kaso ako nahihiya akong pumunta sa room niya. Hindi ko pa siya sinamahan doon kapag napapaaga kami ng pasok kaya minsan mag-isa siyang tumatambay sa room niya kasi raw nagsasawa rin siya sa loob ng room ko. Hindi kasi siya makarelate sa usapan minsan dahil na rin sa hindi nga namin siya kaklase.

Ay! Ay! Kahit na napapangiti mo na ako ngayon habang iniisip kita, magtatampo pa rin muna ako. Hmmpf! Kaso ayaw tumigil sa kakatawag ang isang ito. Masagot na nga. Hindi ko siya matiis.

"Oh helow? Bakit?" Medyo pataray ko ring sinagot 'yung phone. Bawian lang ito best. Alam mo rin namang tampururot ako kagaya mo.

"Dinadramahan mo nanaman ako butchog ka ha! Buksan mo na 'yung gate niyo dali, baka lapain ako ng mga tambay dito." At may narinig na nga akong mga katok mula sa gate namin. Hindi ba 'yun marunong magdoorbell?

"Ha? Anong..." Hindi niya ako pinatapos magsalita pero dali-dali na rin akong bumaba dahil malapit nang mag alas-dose tapos nagpunta pa siya dito. Paano 'yan nakatakas kay Lola Vien. Lagot ako kapag napano siya.

"Ay naku! Dalian na Neil, makidnap ako dito eh." Binaba ko na agad 'yung phone at dali-daling nagtakbo papuntang gate at binuksan ito. Grabe talaga ang isang ito. Kaya natatakot akong magtampo sa kanya kasi kung ano-anong ginagawa. 'Wag niyang sabihing tinakbo niya papunta dito sa amin.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon