Allan's pov
Dumating na ang oras na pinag-usapan namin ni Neil. Sa tingin ko, kakaripas nanaman ng takbo itong Jiee na ito. Hindi nga ata ako naririnig kahit na ilang ulit ko nang tinawag. Naka-focus lang talaga siya sa door. Tumakbo ako agad kasi nakalabas na siya. Nakapangako na ako kay Bhebhe Neil kaya hindi ko dapat hayaang makatakas si Jiee.
Boom! Huli ka ngayon Jiee! Nyehehehe! Tiyak matutuwa si Bhebhe Neil neto sa akin. Masama ba akong kaibigan kay Jiee? I don't think so. Para sa ikakabuti niya rin naman ito. Well, may konting benefit din naman ako.
Inilakad ko na siya papunta kay Neil at pagdating namin dun eh nagdis-appear na ako. Sumisenyas na kasi si Neil eh.Sorry angel Jiee ha. Kailangan kitang iwan. Goodluck na lang! Wag kang maga-alala, pasasalamatan mo ako after this.
Nagtago ako dun sa may malapit na poste at pinanood kung anong gagawin ni Neil. Na-curious lang kasi ako bigla. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin ang buong plano niya. Inutusan niya lang ako kidnappin si Jiee. Waaah! Isa akong chismosang froglet. Sneaky froggy!
Habang patuloy yung mga happenings, parang nakakaramdam ako ng lungkot. Unti-unting tumatamlay ang buong emosyon ko. Ewan ko kung bakit. Dahil ba yun sa sobrang swerte ni Jiee kasi nasa kanya ang man of my dreams ko? Dahil ba nagmumukhang nagpropropose si Neil sa kanya ngayon at naiinggit ako?
Pero bakit parang hindi naman yung ang rasong isinisigaw ng puso ko? Nagtatalo nanaman sila. Nakakaasar talaga ang dalawang ito. Heart kasi manahimik ka, at ikaw naman brain tatagan mo yang loob mo,huwag kang papakabog kay heart. Pinarlor ko kayong dalawa nang mahabang panahon tapos gaganyanin niyo ako ngayon? Wag kang traydor brain. Isa ka pa heart! Magpakawinner nga kayong dalawa.
Habang hinahawakan ni Neil ang mga kamay ni Jiee parang gusto ko iyong tanggalin. Parang sinasabi ng utak ko na, "Ano ba naman Allan, ikaw dapat ang humahawak sa kamay ni Jiee!" tapos biglang sisingit si heart na nagsasabing, "Magselos ka! Magselos ka!". Habang pumapatak yung mga luha niya, parang gusto ko na lang siyang itakbo sa hindi ko talaga malamang dahilan. Konting konti na lang, nangangati na ang mga paa kong puntahan si Jiee. Oo si Jiee, at bakit hindi si Neil? Ewan ko! Jusme!
Ano bang nangyayari sa akin? Totoo ba itong nararamdaman ko? Is it real? Is it real? Oh dalandan, is it really real? Kung kaharap ko si Neil, parang ako si Allyssa. Pero kung si Jiee naman yung nakikita ko parang nagiging Allan naman ako. Kelan pa naging dalawa ang personality ko? Am I sick or something? Well my only answer is, "I really don't know."
Waaaah! Jiee ano bang dulot mo sa akin? Bakit simula nung nakita ko yung mga ngiti mo parang mas naadik ako kesa sa mga ngiti ni Neil? Mas charming yung mga ngiti ni Neil pero parang mas may appeal sa akin yung mga ngiti ni Jiee. WTF! Am I crazy?
Sobrang bilis nang pagtibok ng puso ko habang pinagmamasdan kong nakaluhod si Neil sa harap ni Jiee at magkahawak kamay sila.
A-ano ba! Maka-babush na nga dito! Ano bang mga nangyayari sa akin? Sabi na nga na ba hindi ako titigilan ng kaluluwa ni Confucious. Masyado na akong nadadala ng emosyon ko. Ang lakas naman kasing makaeksena netong si Jiee. Kinabog mo ako Bhe! Ingatan mo na lang yang panyo ko Jiee.
*sigh* This is really a big joke! Identity crisis? For pete's sake Allyssa, does it even exist to you? I hate you! Kasalanan mong lahat ng ito! Kasalanan mong lahat kung bakit ako nagkakaganito Joana.
I thought I have already parlored everything in my life. I thought that I would never ever feel the same feeling I had before. I thought I would forever hate women but what's happening now? Am I being Allan Ramirez again? The real Allan Ramirez and the past Allan Ramirez?
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Teen FictionIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
