a/n: Oh eto na. Baka nababaliw na kayo kakaisip kung napano na si Jiee at kung sino yung babaeng natagpuan sa damuhan sa oval
Jiee's pov
Sa sobrang pagtataka ko, kahit na alam kong gulo ito eh sumunod ako sa sinabi ni Angel at pumunta sa avr. Medyo madilim ang paligid. Nagtago ako sa isang poste kasi nakarinig ako ng mga yapak. Maya-maya nagsimula na silang mag-usap.
Nung una hindi ko sila namukhaan pero nung narinig ko mga boses nila ay alam ko na.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila hanggang sa hindi ko na ata kakayanin pa ang mga naririnig ko.
Si ... Si Neil. Si ... Si.... Angel.
Papaanong? Hindi ko inaasahan to kaso hindi ako makaimik. Baka sabihin ni Neil na sinusundan ko sila at nakikinig ako sa pinag-uusapan nila kaya mas pinili kong tumahimik.
Yung batang lalaking iyon. Yung batang yumakap sa akin noon. Yung unang batang nagtangkang lapitan ako at kausapin ako. Yung unang taong nagbigay ng comfort sa akin. At yung unang taong nagpangiti sa akin ng ganoon. Si Neil! Kahit na bata pa kami noon, alam ko ng pahalagahan at i-appreciate yung mga simpleng bagay lang kasi para sa akin yun ang pinanghuhugutan ko ng konting lakas para lumaban sa pagiging pagka-mahina ko.
Sabi ko na nga ba eh, hindi ako nawawalan ng pag-asang makikita ko pa siya pero ngayong nahanap ko na siya bakit sa ganitong pagkakataon pa? Bakit kailangang may mauna pa sa akin?
Matagal ko na pala siyang kasama. Minahal ko na pala talaga ang batang iyon pero ngayon may ibang mahal na siya at hindi ako iyon.
Tumuloy na sa pag-agos ang mga luha ko habang pinapanood silang mag-usap. Feeling ko ang hina hina ko nanaman. At sa dinami-rami ng tao bakit si Angel pa. Paano niya nalaman to? Siguro nga hindi na siya ang Angel na kaibigan ko.
Ngayon naiintindihan ko na. Pinapunta niya ako dito para lang may maipamukha nanaman. As always!
Maya-maya bigla niyang hinalikan si Neil. Nagulat ako at hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang magtagal dito kaya tumakbo na lang ako paalis.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta tumatakbo na lang ako habang patuloy pa din ang pag-agos ng luha ko.
Nasasaktan ako! Oo inaamin kong nasasaktan ako sa mga nakita at mga narinig. Ang hina hina ko naman kasi talaga. Ngayong nariyan na ang batang matagal ko ng hinahanap eh maipapamukha naman sa aking siya ay pagmamay-ari na ng iba. Na kung kelan naisip kong may isang tao pang pwedeng magparamdam sa akin na hindi ako mahina eh siya palang magiging dahilan pa kung bakit ako masasaktan nanaman. At mas nadarama ko ang pagsisisi na hinayaan ko siya noon. Na hindi ko siya pinaglaban. At mas pinili ko lang na maging kaibigan niya, maging second choice niya beside the fact na mahal ko na siya.
At mas naipamukha nanaman sa akin na wala na akong dapat asahan pa nung hinalikan ni Angel si Neil. Hindi sa gusto ko ang halik ni Neil pero kung dati eh pinaglaban ko siya edi sana hindi ako nagtitiis ng ganito. Edi sana hindi na ako sinaktan pa ni Angel noon kung ako din ang minahal ni Neil. Grabe! Ang babaw ng mga rason pero hindi ko mapigilang hindi masaktan. Ngayon kailangan ko nanamang magtiis kasi kahit na gustuhin kong lapitan siya, yakapin siya kasi sa wakas nahanap ko na siya, sabihing ako naman talaga ang batang babaeng iyon eh hindi ko maaaring gawin dahil magiging komplikado nanaman ang lahat. At ayoko ng lumaban pa kung alam ko namang si Angel naman talaga ang laman ng puso niya.
Ayoko ng masira ang college life ko. Kung maaari mas gusto ko maging tahimik sa lahat ng bagay na nalalaman ko para mas mapanindigan kong hindi kompetisyon ang tingin ko kay Angel. Ayokong maapektuhan ang pag-aaral ko pero naiiyak talaga ako.
Huhuhuhu! Tadhana bakit ka ba ganito sa akin? Bakit hinayaan mo pang maging malapit kaming magkaibigan saka mo ipapamukha na isa lang akong hamak na best friend niya? Bakit mo pa ako binigyan ng dahilan para umasa? Akala ko tapos na pero binigyan mo nanaman ako ng dahilan para umasa sa iba tapos yun naman pala ganoon din ang kalalabasan. At ikaw nanam Jiee bakit ka nagpadala sa pag-asa?
Nahihirapan akong kontrolin ang mga dapat kong maramdaman. Sobrang kalungkutan. Wala akong makapitan. Huhuhu!
Bakit kasi pinanganak akong mahina? Bakit hindi ko kayang lumaban? Bakit hindi ko kayang ipaintindi sa sarili ko na pwede ko naman silang layuan na lang di ba?
Sa sobrang layo na ng tinakbo ko, nakaramdam na rin ako ng pagod. Ang paghinga ko, hirap ko ng maabot. Napaluhod ako at pilit kong inaabot ang mga gamot ko sa bag ko pero hindi ko mahanap. Nanghihina na ako. Medyo umiikot na din ang paningin ko.
Hindi ko na alam kung nasaan man ako.
Hanggang sa isang malabong lalaki na lamang ang nakita ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.

BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Fiksi RemajaIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...