chapter 29: Bonding with Bading

66 2 0
                                    

Neil's pov

Buti naman at pinayagan ako ni Jiee. Gusto ko lang talagang malaman kung ok lang sa kanya para naman hindi gaanong maging awkward.

Tsaka sa pagkakaalam ko, dating magkaibigan yung dalawa kaya ngayong college masaya siguro kung magsasama ulit sila at kaming tatlo. para may bonding.

Pero feeling ko may something kay Jiee at Angel na hindi maayos. Though wala namang nababanggit si Jiee sa akin dati na mga issue kaso kasi minsan o madalas na kapag kasama ko si Angel eh nawawala sa paligid si Jiee. Minsan ding niyaya ko si Jiee na mamasyal kasama ni Angel kaso tumanggi siya.

Hindi ko alam kung may issue ba si Jiee kay Angel pero hinahayaan ko na lang. One time may nabanggit si Jiee sa akin na may hindi sila pagkakaintindihan ni Angel pero nung tinanong ko kay Angel sinabi niya na nagtatampo daw si Jiee sa kanya kasi laging si Angel yung sinasabayan kong umuwi. Eh akala ko walang issue sabi ni Jiee.

Tinanong ko yun kay Jiee pero ang tanging naisagot lang niya ay siguro nga sobrang mahal na mahal ko na si Angel. Walang koneksyon yung sagot niya kaya hindi ko naintindihan.

Ilang araw naging malungkutin si Jiee nun kaya si Angel ang lagi kong kasama. Sinubukan kong pasayahin at kulitin si Jiee pero sa bahay lang nila siya nagiging maingay at parang free gumalaw. Kapag nasa school na minsan wala sa sarili. May time pang nalalate siyang pumasok, ewan ko kung bakit. Tapos bigla na lang siyang nagpaalam sa teacher namin na masakit daw ulo niya kaya gusto na niyang umuwi. Agad naman siyang sinundo ni lola Vien. Paguwi ko nadaanan ko ang locker ni Jiee. Wala na yung lock kaya nagtaka ako. Wala namang tao sa paligid kaya binuksan ko ito at nagulat ako sa mga nakita ko.

Yung mga gamit ni Jiee wala na. Tapos ang daming kalat at parang may mga ibang gamit siyang andun pa kaso sira na.

Agad kong tinawag yung janitor para ipaayos ito. Sobrang nagtataka na ako nun. May nakaaway ba si Jiee sa school namin kaya nagkaganon? Nagtanong tanong ako pero ni isa sa kanila hindi alam ang sagot. Tinanong ko din si Jiee pero wala din siyang maisagot.

Meron pa isang araw pumasok siyang may band-aid sa ulo. Agad ko siyang tinanong kaso hindi ulit siya makaimik. Kinulit ko pa siya at sabi niya nauntog daw siya sa may gate kanina kaya dumiretso siya sa clinic at late nanamang nakapasok.

Mga lampas isang buwan na nagkakaganon si Jiee. Kung hindi late papasok eh makikita ko na lang siyang andun sa sulok, un pala may sugat na. Tinatanong ko kung may nang-aaway ba sa kanya,bakit hindi niya sabihin sa akin eh best friend niya naman ako. Ang sagot niya? Wala siyang kaaway kasi mabait siya. Tapos tumawa pa. Minsan may pagka-topak din talaga yung ulo niya eh.

Nung biglang nawala si Angel sa hindi namin malamang dahilan eh dun ko mas nakakasama na ulit si Jiee. Nagbago na din yung pag-uugali niyang weird at bumalik na sa dating siya. Minsan tinotopak pero okay pa din naman.

Marami akong hindi naintindihan sa kanila dati na inaasahan kong maintindihan ngayon. At sana hindi masayang ang pagkakataong ito.

Pero ngayon pa lang aaminin ko na, gusto kong maibalik yung dating pagsasama namin ni Angel.

papunta ako ngayon sa kanya para sabihing tinatanggap ko na ang hinihingi niyang second chance.

Neil! I'm glad you are here na. So ano na?

My answer is Yes Angel. I am giving you another chance but please be reminded that this is your last chance so don't waste it.

I promise I won't! :)

Haaaaay!!! Yung mga simpleng ngiti niyang nakakainlove. Hahaha! Feeling ko buo na ulit ang araw ko.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon