Chapter 1: Welcome back!

218 9 0
                                    

Jiee's Pov

I'm back! College? Seriously? Opo! Ito na ang time para ilabas ang aking hidden talents sa:

PAGSISIPAG-SIPAGAN!

PAGKUKUSANG-LOOB!

PAGSESERYOSO- kapag may time!

PAGPUPUYAT- kasi may kachat?

PAGPAPAGANDA AT PAGBUBUKAS NG MGA MATA- baka may dumaang gwapo 'di ba?

Hahaha! Joke lang po. PROMISE! Gusto ko namang makagraduate sa college na nasa Dean's List. Pffft! Napakataas naman ng aking pangarap. Mamaya hindi ko pa maabot. Pero gagawin ko ang lahat, maabot lang iyan. Grabe, ganadong ganado talaga akong pumasok. Kung yung ibang mga bata, kapag unang araw ng pasukan, puro pagmamaktol ang ginagawa, ako hindi.

Eh 'di ba? Ikaw ba namang may increase in allowance, new set of friends(but be sure to keep my best friend), at mga nag-gagandahan at nag-gwagwapuhang nilalang na makikita sa araw-araw, sino ba namang hindi gaganahang pumasok? College na ito mga pare. Lahat bago. Bagong environment, bagong mga guro na tinatawag daw nilang instructor at professor, bagong mga classmates, bagong canteen, bagong ruta ng jeep, bago talaga lahat kasi sa university na ako papasok.

BRING IT ON! Haaay, nasaniban nanaman ako ng kampon ni kaligayahan kaya ganito ako kasaya ngayong unang araw ko sa mundo ng kolehiyo! Maliban sa unang araw ngayon ng pagpasok eh makikita ko na rin sa wakas ang aking one and only super giga mega best friend after 4 months dahil lagi akong nagbabaksyon sa probinsya namin and since na-move ang pasukan ng August instead of June, naging apat na buwan ang bakasyon namin. Hindi ako umuwi agad. Nilubos ko na dahil balita ko kapag college na may summer classes eh. Baka hindi na ako makabalik ng probinsya. Ang saya pa man din doon lalo na kung fiesta.

Miss na miss na miss ko na yang best friend kong 'yan. Kaya nga nandito na agad ako sa paradahan ng jeep at atat na atat ng makita siya. Inagahan ko talagang magising para lamang maunahan siya,

Wait! May natatanaw akong gwapong nilalang na papalapit na sa akin. Dahan-dahan siyang naglalakad habang ang magkabilang dulo ng mga labi niya ay umaangat. Nakakatunaw ang kanyang mga ngiti na para bang isa siyang male model ng toothpaste. Yung buhok naman niya, hinahawi ng hangin na parang model naman ng male shampoo. Tapos nagslow-mo na ang paligid ko at napokus na lang sa kanya ang paningin ko. Magkahawak ngayon ang mga palad ko na para bang nagdadasal ako sa isang santo.

20 more steps to go...

15! Still getting closer...

10! Hayan na siya!...

and a 3,2,1 >.<

"Best friend! I miss you so much! Ang taba taba mo na! Yiiee! Pasok na tayo,dali! Ihahatid pa kita." Todo beautiful eyes pa ako sa kanya habang amaze na amaze na pinagmamasdan siya. Wala naman talagang nagbago sa kanya pero namiss ko lang talaga siya.

"Hahaha! Ikaw talaga, ang ingay mo ang aga-aga. Baka hindi tayo pasakayin. Pero namiss din kita. Halika nga dito. Hahaha!" Patuloy lang ang paghalakhak niya sabay hatak niyang bigla sa akin at kinurot ang magkabilang pisngi ko na para bang sobrang gigil talaga siya sa siopao. Waaaah!

"Aray! Child abuse ka nanaman eh, ang hapdi mong mangurot!" Takam na takam yung mga palad niya sa pisngi ko. Nang bitiwan niya ito ay agad kong hinimas ang magkabilang pisngi kong pakiramdam ko ay naiwan pa rin ang mga daliri niyang nakakurot dito. Huhubels! Na-child abuse nanaman sila ng damulag na ito. T_T

'Yan si best friend kong macho man sa inyong paningin , tabatchoy pa din para sa akin. Namiss ko talaga yang kasakiman niya. Hahaha! Joke lang, mabait yan. Mas bumait pa ngayon kasi miss niya ako. Ganyan naman yan eh, malambing kapag namimiss ako pero kung hindi, hmmm? Malambing pa rin naman. Sobrang makulit nga lang. Bully-frog pa minsan, pero okay lang, mahal na mahal ko yan! Ikwekwento ko pa ba? Naku! Aabutin tayo ng forever niyan.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon