chapter 73: The meet-up

42 1 4
                                    

A/N: Sorry po sa napakabagal na update ng story ko! At para sa isang reader na nakasalubong ko sa tapat ng school, thankx at naconvince mo akong mag-update! Yieeee! Hahahaha!

Medyo busy po kasi nanaman! Pero sana wag kayong magsawang mag-antay! Tatapusin ko to! promise! matino ang ending neto kaya wag kayo mawala mga readers. Till end, samahan nyo ako! tnx!

Neil's pov

The way she smile, the way she walk, the way those hands sway and wave, I think I knew her already. But is it really her?

My heart is beating too fast. I think any minute it's going to blast. It's like I'm on a race well in fact I am just sitting. Drops of sweat starts forming on my nose. My hands are shaking. Is it really her?

I watch her every move, I watch the way her lips move along each side, those wide smile, hindi ako pwedeng magkamali, si Jiee ang babae sa likod ng maskarang iyon.

Hindi ito isang ilusyon pero tama bang isiping katotohanan ang mga nangyayari ngayon? Bakit ayaw niyang magpakilala? Bakit nagtatago siya sa likod ng maskara? Isa lang ba itong huling sulyap bago siya tuluyang umalis? Jiee sana wag, wag mo na akong iwan muli. Andito ka na pero bakit natatakot akong lapitan ka. I'm longing for your presence but I can't move my feet closer to you. I want to grab your hands and walk you outside, kneel in front of you, beg for your forgiveness, hug you as if I don't want to let you go but there's that something. Blocking me to face you. Is it the crowd? Is it the anxiety I'm feeling? Am I happy? I guess not really. What? I can't explain.

And for the last but definitely not the least, may we call on Mr. Neil Salvador to come to the stage and be the last rose to complete the night.

Me? Really? Sabi nila 18th rose ang pinaka-importante sa lahat. Tulad ng sabi, last but definitely not the least. Pero bakit ako Jiee? Bakit ako? Patama ba to? Ginagantihan mo ba ako? O talagang ganon ako kahalaga sa iyo na kahit na hindi naging maganda ang pag-alis mo eh napatawad mo na ako ngayong bumalik ka na. Nagsisimula nanaman akong masaktan kasi feeling ko isa lang itong malaking patama. Again, I'm given a title that I'm not deserving of. I'm thinking too much already. All I want are answers but this is not the right time to ruin this moment.

Umakyat ako ng stage hawak ang isang bulaklak. Nanginginig pa din ako, pinagpapawisan at hindi mapakali.

Blue... Tama! Bakit hindi ko agad naisip yon? All blue. Favorite ni Jiee ang blue. So dapat nung umpisa pa lang nalaman kong siya na agad ito. Pero bakit pati ang identity niya eh tinago niya sa amin? Pati ang real identity niya eh tinago niya sa akin. :(

Bawat hakbang ko, padagdag ng padagdag ang bigat na nararamdaman ko. Hindi ba dapat masaya ako kasi nandito na siya? Pero bakit parang bumabalik ang lahat ng mga sinabi sa akin ni Angel. Lahat ng sakripisyo't pasakit ni Jiee eh nararamdaman ko ngayon.

Sinalubong niya ako ng may malaking ngiti. Bakit Jiee? Bakit hindi ka nagagalit sa akin? Pinapakita mo lang ba nanamang masaya ka pero deep inside masakit na? Stop pretending Jiee kasi ngayon mas naiintindihan na kita and besides I don't want to hurt you anymore.

I want to understand you more Jiee. But I can't. Best friend kita pero bakit hanggang ngayon parang hindi pa kita lubusang kilala. All I know is your name itself. The name not the person and story behind that name.

Nang malapit na ako sa kanya eh biglang nahulog ang maskara niya. Nagulat siya at agad na tumalikod. Wala namang nakapansin kasi medyo dim ang lights sa center stage ngayon.

Tama! Tama ako ng hinala! Si Jiee nga! Si Jiee! Andito na siya. Jiee! Hindi mo na ako iiwan ulit right? Binalikan mo ako di ba? Good sign ba ang pagbalik mo o hindi? Aasa ba ako o magdadoubt nanaman?

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon