chapter 32: CURSE YOU!

65 5 4
                                    

Angel's pov

Niyaya ako ni Neil na sumabay pumasok sa kanya ngayong araw. Tatanggi pa ba ako?

HMMMMM!

Syempre hindi!

Madali ko pa ding nakuha ang tiwala niya sa akin at ngayon siguradong nagdududa na siya kay Jiee. Mapapadali na lang sa akin na palabasing si Jiee talaga ang masama.

Hindi naman sana ako magiging ganito kay Jiee kung hindi siya supalpal eh. Minsan sa sobrang pagkainosente niya, ang alam ng lahat siya yung mabait at tama.

Laging mas madali sa kanyang makuha ang loob ng mga kaklase namin sa sobrang kabaitan niya kaya natatalo niya ako sa ibang bagay. Or sa lahat ng bagay na gusto ko sana eh ako ang nangunguna.

Nagsimula ang galit ko sa kanya nung siya ang na-elect na president ng LK(leader ng mga kabataan) sa school namin nung high school kami.

2years kong inalagaan yung posisyon ko pero naagaw niya agad dahil nga sa sobrang kabaitan niya. Pati pagiging president ng filipiniana club siya na din. Tapos ako vice lang! WTF!

Tapos lagi na lang siyang nauuna sa lahat. Oo, alam ko na nung una na naging kaklase niya si Neil nung first year tapos sabi niya hindi daw niya alam na naging magkaklase sila. Saka lang niya nalaman nung second year na kami nila Neil.

Eish! Painosente! Ang sabihin niya ang gusto niya sa kanya lang mga lalaking gwapo. Kaya hindi na ako nakatiis na plastikin pa siya nun.

To cut the story short, naghiganti ako. Pero grabe lang na yung taong mahal ko at mahal din ako eh magiging best friend pa niya.

Sh*t! Sa lahat ba naman ng bagay Jiee, kailangan maging kahati pa kita? Impakta ka talaga! Ganda mong kalbuhin. Mahaba pa naman ang buhok niya.

Ewan ko kung may lahing mangkukulam yan. Tignan niyo nga pati si Allan naakit niya.

Gwapo din yang si Allan eh. Aakitin ko din sana pero saka na kapag nagsawa ako dito kay Neil. Hahaha!

Isa sa mga plano ko ang agawin lahat kay Jiee. Pero dahan -dahan lang baka mapatay ko siya ng de oras.

Nakakainis kasi eh! Bakit ang bilis niyang makuha lahat di naman siya maganda. Mas maputi pa ako sa kanya. Tapos ang hinhin pa niya. Di na uso yan noh. Masyado pang pabait. Eish lang talaga!

Samantalang ako nung una kong kinausap si Allan dati sa states eh binasag lang niya ako. I even followed him to all the bars he went into pero binasag lang talaga ako.

Bwisit talaga! Tapos ngayon makikita kong close na close na sila ni Allan.

At kahit na binabalak ko ding akitin si Allan eh kukunin ko muna si Neil sa kanya. Hanggang sa masira ang friendship nila.

Medyo mahal ko pa naman si Neil eh tsaka gusto ko pang maranasan na maging girl friend niya. For fun? Hahaha! Gwapo kaya niya. As in ideal boy friend talaga siya. Kaya hindi ko na sasayangin ang swerte na napunta sa akin ngayon.

Gusto ko maramdaman din ni Jiee na maging pangalawa sa lahat ng bagay. Hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya.

Mangkukulam ka, well I'm a witch para mas sosyal pakinggan. Magkulaman tayong dalawa.

At tignan mo nga naman ang swerte at nandito nanaman. Mukhang sa akin panig si tadhana ngayong college eh. Promise! Di ko talaga sasayangin to.

Habang papunta kami ni Neil sa room eh nagpaalam muna ako sa kanya. Sinabi kong wag na niya akong ihatid sa room ko kasi may kailangan pa akong puntahang group mate ko sa may 7th floor.

Pero sa totoo lang eh nakita ko si Jiee sa may tabi ng Chapel at gusto ko lang siyang kamustahin ulit (evil smile)

Agad akong tumakbo para abutan pa siya at boom! Magkakasalubong kami ngayon. Nakatingin lang siya sa sahig habang naglalakad kaya hindi niya napansing nasa harap na niya ako.

Binunggo ko siya kaya napaupo siya sa sahig at medyo tumilapon ung notebook na hawak niya.

Well, hello there Jiee? Anong ginagawa mo sa sahig? Napaka-warm naman ng welcome mo sa second day ko dito at umupo ka pa talaga sa sahig na mukhang nakaluhod sa harap ko.

Angel please lang, auko na ng gulo.

Oh please! Acting innosent again Jiee? Lumaban ka naman.

Angel, kahit anong gawin mo hindi ko kailangan makipaglaban sa'yo kasi hindi kaaway at kompetisyon tingin ko sa'yo kaya tigilan mo na ako.

Di tigilan mo din si Neil!

Pero Angel hindi ko pwedeng ibigay na lang sa'yo ang best friend ko.

Edi ako mismo ang kukuha sa kanya!

Haaaay!

Yun lang ang naisagot niya? Bakit ba lagi na lang siyang ganyan. Nagpapatalo agad. Ang hirap tuloy niyang gantihan kasi naman sa sobrang martir niya hindi ako makontento sa pag ganti ko sa kanya.

Hindi ko mafeel ang success! Pero hindi pa din kita titigilan.

Ah! Notebook mo ba to? Parang may naaalala akong ginawa ko sa mga gamit mo dati, ganito oh!

Pupunitin ko na sana yung notebook niya ng biglang may humawak sa kamay ko at hinila yung notebook. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa isang kamay ko. Bwisit!

Hey! masakit na Allan. Let go of me!

Sa susunod na sasaktan mo ulit si Jiee physically at babanggain mo siya ng ganito, hindi lang mga buto sa kamay mo babaliin ko pati yang bungo mo sisiguraduhin kong mababasag din.

At sino ka para sabihin yan sa akin?

Ako si Allan, Tanga ka ba?  Kababanggit mo lang ng pangalan ko kanina. Binabalaan kita Angel, wag mo ng tangkain pang saktan si Jiee ulit kung ayaw mong sa sementeryo tayo maglandian.

Yuck! Manahimik ka nga Allan. Don't worry hindi ko sasaktan yang alaga mo physically pero sinisigurado kong mas malala pa dun ang mararamdaman niyang sakit.

Yuck your face! Tignan mo nga yang lipstick mo lampas na!

What? Eish!

Nag walk-out na ako at dumiretso sa cr. Bwisit! So ano ngayon kung andyan si Allan sa tabi mo?

Akala mo matatakot na ako sa inyo?

Hindi physically Jiee, pero emotionally at si Neil ang isa sa mga magpaparamdam sa'yo nun!

Arrrrggggghhh! Panira kayo ng araw!

Bwisit talaga!!!!!!!!!!!!!!!

Humanda ka Jiee! Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto kong mangyari! Die ! Die ! Die you stuli

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon