a/n: Alam ko, matagal akong nawala. Sorry naman. Hell week eh. Pero I'm back. I guess? Medyo lost si author ngayon. Kailangan ko po ng kausap. Pm nyo ako. Or mas maganda pm nyo numbers nyo, mas active ang aking cp life. I badly need someone to talk to. Umuunti ang readers. Nakakasad :(
Jiee's pov
Mamaya magsisimula na ang grand closing ceremony ng christmas fair. Ito na din ang magiging huling araw namin ni Allan dito sa Pilipinas. Hindi namin alam kung makakabalik pa nga ba kami pero pinapangako kong kakayanin ko ang operasyon at babalik kami.
Kagabi, sinimulan na namin ang pag-iimpake ng mga gamit. Inayos na din ni Lola Vien ang mga dapat ayusin para hindi talaga nila kami mahagilap. Ayoko na kasing lagi silang naaawa sa akin eh. Ayokong maging mahina pa at mas dumepend sa kanila.
Facebooks deactivated at mamaya tuluyan na naming sisirain mga sim namin.
Ayokong sabihin sa kanilang mawawala ako kasi ayokong magpaalam. Hindi pa ito ang panahon para magpaalam. Lahat ng mga ibang gamit eh iiwan namin sa isang bahay pa namin kung saan wala ni isa sa kanila ang nakakaalam.
Iiwan ko din dito ang lahat ng mga gamit na natanggap ko kay Neil. Kasabay ng pag-alis ko ay ang tuluyang pagmomove-on. Nakapagdesisyon na akong isuko na ang laban. Tama na kasi kapag ipagpapatuloy ko pa ito baka tuluyan na akong mamatay.
Si Manong Bernard ang susundo sa akin. Bawal muna kaming magkita ni Allan. Gusto ko kasi hindi niya alam kung anong costume ko at hindi ko din alam yung sa kanya. Paunahan kaming hanapin ang isa't-isa.
Manong Bernard, mamimiss ko po kayo sobra!
Wag mo naman akong paiyakin Ma'am.
Manong talaga. Ahy bago ko nga pala makalimutan, ito po oh!
Sabay abot sa kanya ng isang keychain na sasakyan.
Remembrance ko po yan sa inyo. Gusto ko pagkabalik ko, kayo ulit ang susundo sa akin ha!
Syempre naman Ma'am!
Nagkwentuhan kami ni Manong Bernard at dinaanan sila Haley at Ria. Kasabay ko silang pupunta sa school.
Habang papalapit kami sa school, mas nadarama ko na ang kaba at lungkot. Ito na ang last day ko kasama kayo. Hindi ko kayo makakasama next sem, kakayanin ko kaya? Or makakapag-aral kaya ako agad matapos ang operasyon?
Sorry kasi aalis na lang kami bigla. Sorry kasi mang-iiwan ako pero sana balang araw maintindihan niyo.
Pagkababa ng kotse, hindi ko na binitiwan pa sina Haley at Ria.
Hinanap namin si Ray at Marvin at sama-samang inenjoy ang fair. Wala si Allan kasi kasama niya si Mikko. May inaayos daw.
Nagsimula ang party sa isang opening prayer at sumunod ay mga bonggang performance sa stage. Nagkaroon ng mini concert ang mga banda ng school at syempre hindi paaawat ang dance troupe ng school namin.
Pagkatapos manood eh bawat booth pinuntahan namin. Sumakay din kami sa marry-go-round, roller coaster, ferris wheel at pumasok sa horror house. Halos mapaos na nga kami kasisigaw.
Napakadami ding mascots sa fair. Meron si santa kasama syempre si Reindeer niya at mga elves. Nandun din si Elsa at Olaf. Hindi din nawala si Jack frost at napakadami pang christmas characters.
May fake snow din kaya damang-dama talaga namin ang christmas dito.
Naglalakad kaming lahat ng biglang may humatak sa aking mga naka-itim na lalaki at piniringan ako. Nakamask na nga pipiringan pa. Ang sunod na narinig ko eh....
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Teen FictionIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
