chapter 25: The real past

76 4 0
                                    

continuation of Jiee's pov

Nalampasan ko ang isang taon ng pagtitiis na wag maamin kay Neil na inlove na ako sa kanya.

Sa sumunod na school year hindi ko nanaman naging kaklase si Angel pero kitang-kita ko yung pagbabago niya. Yung dating kasing hinhin ko eh nawala na. Wala ako sa right na sabihan siya kaya simula nun hindi na ako naki-alam sa kung ano man ang  nakikita kong pagbabago niya.

One day kasama ko si Neil na namamasyal ng bigla siyang nagpaalam kasi may pupuntahan daw siya. Kaklase ko si Neil nun at siya pa lang yung taong nakakakilala sa akin kaya halos lagi din kaming magkasama.

Uuwi na sana ako kaso mas pinili ko munang maglibot sa park hanggang sa nakita ko sila ni Angel na magkasama.

Nung time na yun hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Selos na nga ba ang tawag don?

Pilit kong pinasinungalingan ang sarili ko kasi that time alam kong ako pa din ang crush ni Allan.

Pero nagkamali ako.

Unti-unting nawalan ng time sa akin si Allan. Minsan hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Kapag niyayaya ko siyang lumabas, ang dami niyang palusot, may mga times na hindi na siya ganoon ka-sweet sa akin until I found out na Neil and Angel were dating already.

Halos gumuho ang mundo ko nun kay Neil. Hindi ko alam kung kasalanan ko ba kasi hindi ako umamin at nainip si Neil o sadyang crush nga lang talaga niya ako at love ang naramdaman niya kay Angel nun.

Dun ko nadetermine na talagang magkaiba ang love sa crush lang.

One day, kinausap ako ni Neil at nagrequest na can I be his best friend.

Hindi pa ako handang pakawalan si Neil nun kaya tinanggap ko ang alok niya kasi inisip kong atleast kahit papano eh may part pa din ako sa buhay niya at mas mahalaga ang best friend kesa sa puppy love na yan.

Akala ko mas magiging madali para sa akin na kalimutan ang feelings ko para kay Neil kasi maipapamukha sa aking hanggang friends na lang talaga kami pero ang hirap pala.

Close pa din kami ni Neil kaso wala na yung dating sweetness. Inamin na din niya sa akin na mahal na niya si Angel at handa na siyang ligawan ito ng pormal. Sa sobrang bilis ng mga nangyayari, wala akong magawa kundi manahimik at sumang-ayon sa lahat. Sinimulan kong itatak ulit sa isip ko na aral muna bago love. High school pa lang ako at madami pang dapat mangyari.

Araw-araw pinagsisisihan kong nagpadala ako sa poison ni love kaya unti-unti kong inangat ulit ang sarili ko. Ang sakit lang kasi nung akala mo naiintindihan ka niya yun pala eh naiinip na siya at ngayon hindi  na kayo magkaintindihan. At yung masabihan kang ikaw yung crush niya ngayon pero kinabukasan may mahal na pala siya. Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga.

Dahil sa best friend ako ni Neil, I stayed positive na imbes na magselos at mainggit sa kung anong meron sila noon eh inisip kong inspiration na lang iyon para ipamukha sa sarili kong hindi magandang pag-aksayahan ng oras ang love.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon