Allan's pov
Guess what? Hahaha! Alam niyo na din naman eh. Nasa pinas na kami. Papunta na kami ngayon ni Jiee sa condo ko. Dun na muna kami magsstay at kailangan din naming magpahinga ng mabuti kasi bukas na bukas na din ang big day. As in super big day kaya naman binilin talaga sa akin nila tito na wag palabasin itong si Jiee at baka late makauwi.
Mamaya pa ang dating nila tito kasi may inaayos pa silang mga papers. Sa isang hotel sila matutulog. Alam na, ayaw malayo sa akin nitong best friend ko kaya kasama ko siya ngayon.
Teka? Hindi pa pala kayo informed noh, I mean invited.
Bukas na ang birthday ni Jiee at syempre magiging ganap na dalaga na siya. Pero parang impossible kasi all this time may pagka-isip bata pa din siya. Bukas din kasabay ng birthday niya eh ang grand launching at official opening ng DE VERRA FASHION INDUSTRY dito sa Pilipinas. Bale ito na ang pang 10 branch nila dito sa asia. Ngayon alam niyo na kung gaano kayaman si Jiee. Pero tignan niyo naman, simple pa din siya kung mamuhay. Kaya nga hindi siya nabuko nila Mhikayla.
Hanggang ngayon wala pa din silang alam. Paano ko nalaman? Simple lang, nawala man kami ni Jiee eh hindi naman nawala ang mga mata namin ni Jiee sa kanila. May private spies kami na laging sumusubaybay sa kanila at binibigyan kami ng updates. Pero hindi din naman ganon ka-specific ang mga updates kasi utos lang namin eh alamin kung nasaan sila at kung magkakasama pa din sila para madali naming maibigay ang mga invitation sa kanila.
Plano ito ni Jiee. Nung january niya lang naisipan. Gusto daw niya ng engrandeng pagbabalik para masurprise silang lahat. Gusto niyang gawing mysterious at magical ang 18th birthday niya at gusto din niyang sila ang masurprise. Bunaliktad ata utak niya nung tuluyan na siyang makarecover. Pumayag naman sina tito sa gusto niya at isinabay na ang opening ng bagong branch ng company nila dito.
Kinakabahan man pero I got to make and keep myself calm as possible. Nasa plane palang kami marami ng tumatakbo sa utak ko. Kasabay ng pagbalik namin dito eh ang pakikipag-ayos ni Jiee sa lahat ng iniwan niya. At hindi mawala sa isip ko na matakot kasi alam kong malaki ang chance na hindi na talaga ako mabigyan pa ng chance para patunayang mahal ko siya. Pero pinaghahandaan ko pa din ang lahat.
To cut it short, alam ko namang mahal pa din niya si Neil eh. Ewan ko lang kay Neil kung natauhan na din ba. Nabago man ang puso ni Jiee dahil sa operasyon, hindi naman nabago sa isip at damdamin niya lahat ng naiwan niya. Maliban na lang na sa ngayon eh mas malakas na siya sa lahat at mas masayahin pa. Medyo lumala din ang pagkawild niya.
Pero natatakot pa din akong pakawalan siya. Muntik ko na ngang hindi kayanin nung muntikan na siyang mawala eh. Ngayon pa kaya? Ngayon pa kung kelan desidido na akong umamin. Bahala na kung masaktan man ulit ako. Handa na ako at ayoko ng sayangin pa amg natitirang pag-asa ko. Ewan ko na lang kung anong mangyayari sa akin ngayon.
-flashback-
Jiee lumaban ka. Alam ko kaya mo yan. You can't leave me. Remember our promises, that necklace right?
Alam ko hindi ako masasagot ni Jiee ngayon pero umaasa akong isang araw eh maririnig ulit namin ang boses niya, makita ang mga ngiti niya at makausap siya.
6 months to be exact ng under coma si Jiee. Pagkatapos ng operasyon niya nacoma siya. Sabi ng doctor malaki ang chance na magigising siya pero wag pa din daw naming aalisin ang possibility na baka hindi niya kayanin kasi mahina siya. Pero hindi, hindi kami mawawalan ng pag-asa. Magigising si Jiee. Hindi niya kami iiwan, hindi ko kaya kapag nawala siya. Please wag muna ngayon. Kasi baka hanggang doon eh sundan ko siya.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Novela JuvenilIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...