Jiee's POV
Sa ayaw niyang sabihin edi uuwi na lang ako. Inasthma ako kakasuyo sa'yo tapos ngayon gaganyanin mo pa ako. Hindi ko nga rin alam kug bakit kita sinusuyo dahil kung namimiss mo ako dapat ikaw rin gumagawa ng paraan para hindi mo ako mamiss. 'Di ba? Ikaw ba, iaasa mo na lang sa puro I MISS YOU ang lahat? Paulit-ulit na I MISS YOU lang ang matatanggap mo kung hindi ka gagawa ng aksyon para punan 'yang I MISS YOU mo.
"Jiee! Gusto ko lang malaman, sino ba 'yung lalaking kasama mo nung isang araw? Parang bago kasi siya."
Agad akong napahinto sa paglalakad kasi pasigaw na siyang nagsalita at medyo nakalayo na rin kasi ako. Kinakabahan akong lumingon at bumalik sa kanya. Kapag 'yan nagtanong nang ganyan, it's either may nakita siyang ginawa ko sa iba na hindi ko ginagawa sa kanya kaya maiinggit siya at magtatampo or kaya niya tinatanong kasi feeling niya ipagpapalit ko nanaman siya at 'yun na ang magiging best friend ko.
Ah! Naman eh! Hindi sa kailangan kong magrason pero 'yun at 'yun din naman gagawin ko. Hindi sa natatakot lang akong ipakilala si Allan pero naalala ko nanaman kasi bigla 'yung I-I-lo... ah basta yun! >.<
Sa sobrang lalim ng ma iniisip ko hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya at akmang matutumba na sana ako kasi nagulat ako sa kanya kaso nasalo niya ako. Wew! Muntik nanaman ako run ah.
NANAMAN?
Yah! Pang-asar naman talaga oh. Badtrip! Agad ko naman siyang naitulak kaya medyo nagtataka na ang itsura niya sa ngayon. Pansin na pansin ko ang paglukot ng mukha niya.
"Jiee okay ka lang? Sorry hindi mo ako agad napansin. Parang ang lalim yata nang iniisip mo?" Tulala pa rin ako dahil hindi talaga mawala sa isip ko ang mga nangyayari sa amin lately ni Allan. Araw-araw na nakakasama ko siya bilang si Allan ay araw-araw rin akong nahihirapan sa pag-aadjust pero kailangan kong kayanin iyon para sa kanya dahil kaibigan ko siya at ayaw kong maramdaman niyang iniiwan nanaman siya. Teka, Jiee wake up! Si Neil ang nasa harap mo ngayon.
"Ha? Hindi ah. Wala ito." Umupo nanaman ako sa bench na inuupuan namin kanina. Ano ba 'yan, hindi ako mapakali.
"Iyan nanaman tayo sa wala lang eh. Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin komportableng mag-open up sa akin?" Umupo rin siya sa tabi ko at medyo nakakaramdam na ako nang lungkot sa pananalita niya. Ito nanaman talaga kami. Hindi nanaman ako makaimik.
"Okay lang naiintindihan kita. Sige ihahatid na kita." Tumayo na siya at iniaya ang kamay niya sa akin bilang senyas na aalis na nga kami.
"Hindi Neil. Uhmm mag-usap muna tayo." At nagsimula na ang mahaba-habang kwentuhan naming dalawa. Isa sa dapat kong gawin ay ang matutunang magsabi ng mga bagay-bagay kay Neil para mabuong muli 'yung panahong buong buo pa ang pagtitiwala namin sa isa't isa. Ngayon college, kung kelan bihira na nga kaming magsama, kailangan panatilihin kong strong ang foundation ng friendship namin kung ayaw ko siyang mawala sa akin bilang kaibigan. Nakakahiya mang sabihin pero sinabi ko na sa kanya. Sinabi ko na ang lahat sa kanya para naman makahinga na rin ako nang maluwag at mailabas na lahat ng ito. Nahihirapan na rin kasi akong tanging ako at si Jieneil lang ang nakakaalam. Mababaliw na ako sa dami nang gumugulo sa isip ko.
Alam naman naming pareho ni Neil na hindi pa rin kami ganoon ka-OKAY! Sabihin na nating minsan eh mas okay pa kami sa okay pero may mga times lang talaga na nagkakahiyaan o ilangan pa rin kami. May mga bagay lang talaga na kapag iniwan mo sa past nang biglaan eh biglaan ka na lang din nitong babalikan. Wala ka na lang magawa kundi magulat at matulala.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Novela JuvenilIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
