Chapter 74
Allan's Pov
Hindi nagtagal eh nakatulog din si Jiee sa sobrang pagod. Hindi na namin siya inistorbo pa at alam naman naming napagod talaga siya kanina. Nakasandal siya sa balikat ko at ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Sana tulad ng dati eh hindi siya magising kahit na alam kong masakit para sa akin na hindi pa din maamin sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Hindi bilang kaibigan pero higit pa doon. Kelan nga ba siya magigising sa pintig ng puso ko? Kelan ba niya ito maririnig? Kung lagi siyang nakakatulog kapag ang puso ko ay nagwawala at naglalabas ng mga emosyon? Tulog mantika pa man din siya.
Habang busy na nagkwekwentuhan ang iba, eh hindi matanggal ang pagkatitig ko kay Jiee. Nandito na tayo Jiee. Matagal mong hinintay na maging normal ang daloy ng mga pangyayari at unti-unti na nga itong bumabalik sa dati. Nakausap mo na ang barkada. Nalaman na nila ang lahat at walang pangamba nilang tinanggap ang lahat ng paliwanag mo.
One of these days, lalabas ka na kasama ni Neil para ayusin naman ang sa inyo. Kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang ako din ang mawalan? Alam ko Jiee hindi mo ako iiwan tulad ng sabi mo pero kapag nagka-ayos kayo ni Neil eh sign na yon na kailangan ako naman ang mang-iwan sa'yo. Kasi hindi ko kakayaning makita ka kasama ng taong nanakit sa'yo ng lubusan, kayong dalawa na masaya kasi masasaktan lang ako. Ayoko ng sirain ang inayos mo kaya mas pipiliin ko na lang na lumayo.
OO, masakit para sa aking isuko ko na lang itong nararamdaman ko para sa'yo pero ayoko ng bigyan ka pa ng ibang rason para maguluhan. Martir na kung martir pero tulad ng sabi ko dati, ayokong ipilit ka sa isang relasyong alam kong ako lang ang magiging masaya at ako lang ang makikinabang. Kaso wala naman akong dapat isuko kasi hindi ko pa naman nasasabi sa'yo di ba? Hindi mo pa naman alam... Kaso
That 1 year stay in America proved it all up. Kaibigan lang ang tingin sa akin ni Jiee at hindi na ito hihigit pa don. Kaya Jiee, sana mapatawad mo ako kung bigla na lang akong mawala sa tabi mo. Alam ko namang aalagaan ka ni Neil eh kaya kahit na masakit eh panatag ang loob kong iwan ka sa lalaking mahal mo. Kapag kasama mo siya, makakalimutan mo din ako at mabubuhay ka ng masaya. Yung hinahangad mong pagmamahal eh makukuha mo na.
"You didn't even tell her yet, do you?" – Natauhan na lang ako ng bigla akong hinawakan ni Mikko sa balikat at nakitang lahat na pala ng tingin eh nasa akin na. Umiling na lang ako sa tanong niya. At lahat sila parang dinaanan ng malaking truck sa mukha.
"Seriously Allan, is that you?"- Marvin
Ako pa nga ba ito? Hindi ko na din alam eh. Malaki na ang pinagbago ko simula nung makilala ko si Jiee. Natuto na akong tumanggap ng mga bagay-bagay ng ganon kabilis. Ayoko na lang siguro ng drama.
"You know Allan, may chance pa naman eh. Bakit kailangang sumuko ka na? Oh wait, did you even try already?"- Haley
Medyo weird na guys ha. Seryoso ba kayo sa mga sinasabi niyo? Ok na eh. Umaatras na ako pero hinihila niyo pa din ako. Anong meron? Pero tama si Haley, trinay ko na ba? Maybe, pero lagi akong umaatras agad kasi natatakot ako. Sinusubukan ko pero hindi ko tinatapos at dinadaan ko na lang lahat sa biro kasi nadududwag ako.
" Kelan pa natorpe ang isang Allan Ramirez?"- Mhikalya
Hmmm, ngayon ko lang napansin, oo nga! Bakit ako natortorpe?
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Novela JuvenilIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
