Author's Note: Masyado na ba kayong nagtataka sa kinikilos ng ating dyosabels? Hahaha! Dahil mahal ko kayo. . .sige, patagalin pa natin ng konti ito.
Allan's pov
Wew! *flip hair* Sige na author,tatanggapin ko na muna ngayon si "Allan". Grabe! Muntik na ako dun kay Jiee ah. Buti na lang may pagka-slow yung babaeng yun.
Wondering why I'm acting weird lately? Hahaha! Keep on wondering!
Nakaka-good vibes talaga itong si Jiee. Pinagmamasdan ko lang siya ngayon habang natutulog nanaman. Bilib din ako sa galing nitong matulog eh. Hindi man lang mahuli ng professor namin.
Ang cute niya! Yung cheeks niyang kahit hindi pumupula,I mean hindi kasi siya ganoon kaputi, hindi din naman ganoon kaitim kaya katamtaman lang eh parang ang gandang kurutin. Medyo chubby kasi at kahit payatot yan eh may double chin siya. Yun yung lalong nagpa-cute sa kanya. Pero sobrang kinamumuhian niya yung double chin niyang yun. Hindi pumupula kasi daw mahirap siyang pakiligin eh maitim lang kasi talaga siya kaya hindi ganon kahalata kung nagba'blush. Ahy hindi pala ganoon kaitim. Gusto lang namin siyang asar-asarin ni Marvin. Ang hilig lang din niyang laitin yung sarili niya. Ewan ko ba diyan sa babaeng yan. Kulang na kulang sa selpkonpidins.Kung pwede lang mag-share di sa kanya ko na binigay itong mga sobra ko.
Lumipas pa ang mga araw at naging mas close pa kami kay Papa Marvin the Martian. Hahaha! Joke lang. Mukha kasing alien ang isang yun kapag tumatawa. Kasi nga di ba, may pagkabad boy ang itsura kaya nagmumukhang alien kung biglang humahagalpak sa pagtawa. Makulit din pala siya o tulad ko nahawaan lang din ni Jiee. May kung anong agimat ata kasi itong babaeng ito at lahat ng nalalapit sa kanya, nagiiba ng personality. Yung dark aura noon sa paligi ni Marvin, putting puti na sa ngayon.
Well sa unang tingin, pang karaniwang babae lang naman itong si Jiee. Tama lang ang height, mahaba ang buhok, kayumanggi yung kulay niya, mahinhin in some ways pero minsan war freak, she's kinda cute, I guess? As in napaka-ordinary na babae pero kapag nakilala mo na parang nadaragdagan lalo yung mga nakikita mong kagandahan niya.
At isang nakaka-adik sa kanya eh yung mga ngiti niya. Ewan ko pero ang saya sa pakiramdam na makita mong ngumiti at tumawa ang isang Jiee De Verra pero sobrang sakit naman sa puso na makita mo siyang umiyak tulad kung paano niya iyakan si Neil.
She's fragile too at many times besides the fact that she's iyakin and childish but that's her and you can't blame that person for being like that coz you didn't know how hurtful her experiences was kung ano man yung mga yon. Minsan kasi yung layo ng tingin niya parang napakadaming bagay na napupuntahan. Wala pa naman talaga akong alam sa kanya kasi nga hindi naman kami nagkwekwentuhan ng mala-MMK na mga stories about sa kanya kanyang mga buhay namin.
At...
"Mr. Allan! Mr. Allan!" Biglang rinig kong sigaw ni Prof. Herbert. Ilang beses na kaya niya akong tinatawag.
"Ha? Yes Sir?" Sabay yuko ko sa kanya. Shems! Nahuli ata ako ni prof na nakatulale kay Jiee.
"Daydreaming about a girl ey? Dahan-dahan at baka matunaw siya. Nagbibinata na ba ulit ang dalaga namin?" Asar niya sabay ngiti sa akin nang nakakaloko. Patay! Naririnig ko na ang mga bulungan nila. Shems! Sir naman kasi, bakit kailangan iparinig mo pa di ba?
"Sino kaya yung babaeng yun?"
"Baka ako!"
"Yes! Malalapitan na ulit natin siya."
"Geez! I'm hoping. Si Jiee at Mhikayla lang nga nakakalapit sa kanya eh. So unfair!"
"Quiet class! Let's focus! And Mr. Allan you can continue that later." Asar naman oh! Kapag ba tumitig ako sa babae, back to normal na ulit? Napaka bid deal naman sa kanila kung meron akong nalalapitang babae o tinititigang babae. Puro sila tsismis. Nakakaasar! Mga pakialamera sa buhay.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Roman pour AdolescentsIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
