Neil's pov
Matagal nanaman akong nawala sa story na to. Sana nga mawala na lang ako eh. Hanggang ngayon hindi ko maiwasang hindi malito kaya iniwasan ko na muna si Jiee. Kung kelan malapit na ang christmas saka ko siya iiwasan. Ako na talaga ang pinakamasamang best friend.
Bawat araw wala na akong nagawa kundi pagmasdan na lang si Jiee mula sa malayo.
Christmas week na. Kaharap lang ng booth namin yung booth nila Jiee kaya naman araw-araw ko siyang makikita kahit papano.
Grand opening. Bago pa man ito magsimula eh ang dami ng hiyawan nanaman sa labas. Lahat kami sa loob eh nagtataka hanggang sa dumating si Jiee at Allan na magkasama suot ang magkaparehong design ng sapatos at t-shirt.
Tanaw ko mula sa malayo ang mga ngiti ni Jiee na walang katumbas. Grabe! Masaya na nga talaga siya sa piling ni Allan. Mukhang hindi na niya ako naaalala.
Namimiss niya kaya ako? Kasi ako miss na miss ko na siya pero nagsimula na akong mailang sa kanya. Kahit gustuhin ko man siyang lapitan eh hindi ko magawa kasi nahihiya ako.
Bawat hakbang nila palapit sa akin eh nakararamdam ako ng kirot sa puso ko. Gusto kong hatakin si Jiee at itakbo sa malayo kung saan kami lang pero hindi pwede.
Masaya ang best friend ko kaya dapat maging masaya din ako para sa kanya. Isa pa, nandito na si Angel sa tabi ko. Nakuha na namin ang mga gusto naming makuha. Maging masaya na lang tayo.
Maghapon kahit na busy eh hindi ko kinaligtaang tignan si Jiee bawat oras. Kahit na pagod na siya, hindi pa din nawawala ang mga ngiti niya. Si Allan naman laging nakasubaybay sa kanya. Kung sabagay may relasyon na sila pero nagtataka pa din ako bakit BFF ang nakalagay sa shirt nila. So hindi nga talaga sila? Pero naghalikan na sila ah.
Sige! Maguluhan ka nanaman Neil. Maya-maya bigla siyang nagpaalam kina Allan. Siguro pupunta sa cr.
Makaraan ang isang oras eh hindi pa siya bumabalik kaya nagtataka na sila Allan.
Konti naman na ang mga tao kaya umalis sina Allan kasama yung dalawa pang babaeng barkada nila para hanapin si Jiee.
Allan's pov
Isang oras na ang nakalipas ng mawala si Jiee. Nasaan nanaman kaya siya? Malingap ka lang talaga konti sa kanya eh hindi mo na alam kung san siya napupunta.
Kinakabahan na kaming baka may nangyari ulit na masama sa kanya. Shems! Baka pinagtripan nanaman yun ni Angel. Pansin ko kasing wala si Angel sa booth nila kanina.
Naglalakad kami nila Haley at Ria. Binubuksan lahat ng rooms na malalampasan namin hanggang sa napadaan kami sa girls cr kung saan may mga patak ng parang dugong liquid sa sahig.
Hindi siya dugo kaso medyo ang dark pa lalo. Agad tumakbo sina Haley sa loob ng cr at nagsisigaw.
Allan get in here! Quick!
Pero babaeng cr yan hindi ako pwe.....
Just come in already please!
Bahala na. Sige papasok na ako.
Pagkabukas ko ng pinto eh tumambad sa akin si Jiee na nakahilata sa floor na punong-puno ng betadine. May pasa sa magkabilang pisngi niya. Shit! Sinong gumawa sa kanya neto!
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Ficção AdolescenteIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...