Allan's pov
I'm on my way to school all groomed as the most handsome gentleman in that university. Magulat na ang dapat magulat, magtaka na ang dapat magtaka, basta ang gusto ko lang ay makita si Jiee at makita ako ni Jiee na isang ganap nang lalaki. Oo, magpapakalalaki na ako para sa kanya.
Dali-dali akong bumaba sa sasakyan ko nang mai-park ko na ito and syempre napukaw nanaman ng presensya ko ang atensyon ng mga tao. Sinasabi ko na nga bang magiging mahirap ang tatahakin kong landas dito pero bahala na, basta makapagsolo kami ni Jiee ngayon. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko na magpakita at magpakilala sa kanya.
Habang papasok ako ng campus ay agad ko namang nakita si Jiee na todo ang ngiting naglalakad sa hallway. Mukhang goodvibes yata ang babaeng ito. Mabuti naman! Agad ko rin naman siyang sinundan pero hindi ko alam kung paano ako makakatsempo kasi naman ang mga tao dito masyadong pahalata. Tili nang tili ang mga babae, mga lalaki naman hayun at nagsisitakbuhan.
Patuloy lang ako sa paglalakad nang biglang lumingon si Jiee sa likod kaya agad akong nagtago dun sa poste. Teka naman Jiee, hindi ko pa nacocompose 'yung mga dapat kong sabihin sa'yo. Pinagpapawisan na ako sa kaba dito eh. Magpapatuloy na sana si Jiee sa paglalakad nang biglang may nahimatay na babae sa harap niya kaya nagulat siya. Lilingon ulit siya sa likod kaya naman agad-agad akong tumakbo sa harap niya kaso hindi ko nakontrol ang pagtakbo ko, naexcite ang mga paa ko kaya muntik ko na siyang mahalikan nang bigla siyang humarap. Kakalabitin ko sana siya kaso hindi ko naman akalaing haharap siya bigla.
Agad siyang napaatras at akmang matutumba kaya naman sinalo ko siya. Panandaliang tumigil yata 'yung oras ko. 'Yun bang parang nag slow-mo 'yung paligid ko. 'Yung tibok ng puso ko bigla na lang bumilis na parang sasabog na kung magpapatuloy pa akong ganito kalapit sa kanya.
Gustuhin ko mang gumalaw na kaso parang dumikit na yata 'yung mga paa ko sa floor na ito. Hindi ako makagalaw tapos unti-unti na lang akong napapangiti sa harap niya habang patuloy na nakatitig sa kanya. Gusto ko nang magsalita kaso wala akong masabi. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. OH NO! Anong gagawin ko? Forever na lang ba kaming nakatigil dito?
Tulong naman oh! >.<
"Nananaginip ba ako?" Bigla siyang nagsalita kaya nagulat ako at natampal ko ang noo niya. Pasensya na talaga Jiee. Hindi ko pa rin talaga macompose 'yung mga dapat kong sabihin eh. Praktisado na ako kagabi kaso natatameme ako sa ngayon.
*PAK*
Natauhan siya sa pagtampal ko kaya agad siyang tumayo at naging armalite nanaman ang bunganga niya. Seriously? Hindi pa din ba niya ako nakikilala? Ano ba naman oh! Ang hirap pala nang ginagawa ko sa ngayon. Akala ko magiging madali lang ito dahil sa dami ng imagination ko kagabi sa kung paano matatapos ito kaso ni isa walang sumakto. Napaka-fail!
Hinila ko na lang siya hanggang makarating kami sa mini park ng school namin. Ang dami kasing taong nakatitig sa amin dun kanina. Hindi ako makaconcentrate kasi lahat ng tingin nasa aming dalawa. Hindi magandang lugar 'yun para makapag-moment kami ni Jiee.
Iniupo ko siya sa isang bench. Nakaupo lang din ako sa harap niya at hinihintay ko siyang magsalita pero nakayuko lang siya at hindi na kumikibo.
Ano kayang iniisip niya? Natatakot ba siya sa akin? Nakakatakot baa ko? Hirap na hirap pa man din akong nagpaalam kagabi sa mga make-up ko at pinalitan ng mga cosmetics na panlalaki ang laman ng cr ko para magmukha akong matino ngayong araw tapos matatakot lang siya sa akin? May phobia siya sa mga gwapo? Teka, meron bang ganong phobia? Ilang minuto pa ang lumipas ng makarinig ako ng mga hikbi galing sa kanya.
Hinihintay ko siyang magsalita kaso biglang nagbagsakan ang mga luha sa mga mata niya.
"Allan...*sniff* Allan...*sniff*Allan...*sniff*"
Halakata! Pinaiyak mo!
Ahy este pinaiyak ko!
Ahy pinaiyak ni Allan!
Ahy ako nga si Allan 'di ba?
Ano ba 'yan, umayos ka nga Allan Ramirez! Nakakatakkot ba talaga ako? Mukha naman akong tao ah. Mas mukhang nakakatakot pa nga 'yung mga lalaking makakasalubong niya kanina kesa sa akin pero bakit sa akin siya natatakot? Konti na lang maniniwala na akong may mga taong takot sa mga gwapo at isa na doon si Jiee. Wew! Moment of truth. Kailangan ko na siyang kausapin.
"Jiee, stop crying already. Natakot ka ba sa akin?" Sabay abot ko sa kanya ng panyo kaso hindi niya ito tinanggap. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Kasalanan ko ito eh. Masyado ko yata siyang nabigla.
"Allan. G-gusto ko si Allan. Ayoko sa'yo. Bad ka." *sniff* Panay ang pagpatak ng luha niya. Ano ba naman iyan, para siyang bata. Lettuce! Ang cute niya! Nangigigil ako sa kanya. Eeeh! Allan umayos ka nga!
"Jiee, ako si Allan. Ako to. Kaya 'wag ka nang matakot please! Sorry kung nabigla kita kanina. Gusto lang naman kitang sorpresahin eh. Hindi ko naman alam na sumobra yata pangungulit ko sa'yo." Sabay angat niya ng mukha niya kaya pinunasan ko na ang magkabilang pisngi niyang basang basa na ng mga luha niya. Ito na ang pangalawang beses na makikita ko siyang umiiyak. Takte! Ang cute talaga niya. Nakakaasar!
"Ha? I-ikaw si A-Allan? Allyssa? Allan?" Hindi maipinta ang mukha niya ngayon dahil kasabay nang pagkalito niya ay ang pagkalito rin ng mukha niya. Tinititigan niya akong mabuti at malalim na nag-iisip.
"Ako nga ito Jiee. Kaya huwag ka nang umiyak. Andito na si Allan mo, okay? Huwag mo na siyang hanapin kasi hindi naman talaga ako bad eh kasi nga ako si Allan." Ano ba 'yan. Para akong nageexplain sa isang bata. Kailangan ko kasi siyang pakalmahin eh. Baka natakot ko nga talaga siya or nabigla sa mga nangyayari. Mukhang hindi pa rin siya nacoconvince kaya naman pinakita ko 'yung lipgloss ko sa kanya at bigla na lang nanlaki pa lalo ang mga mata niya at 'yun naman sa wakas eh ngumiti na siya sabay niyakap niya ako nang napakahigpit na halos hindi na ako makahinga.
Inexplain ko lahat sa kanya ang mga nangyari. Naintindihan naman niya ako at tawang-tawa na lang siya sa sarili niya for being too iyakin at paranoid. Natakot lang daw talaga kasi biglang may humihila sa kanyang hindi naman niya kakilala. Nilinaw din niya na hindi naman talaga siya takot sa gwapo, ang mali ko raw ay bakit kasi hindi agad ako nagpakilala sa kanya at ang dami ko pang pakemeng nalalaman. Well, that's Allan Ramirez, I guess? Madaming pakeme at malakas pa ring makaeksena parang si Allyssa lang.
Hindi pa natapos ang kwentuhan namin at dumiretso pa kami sa canteen. I know this is not the kind of reaction that I expected when Jiee would first saw me as a guy kasi todo ang pag-iisip ko kagabi na mabibighani siya nang kagwapuhan ko kaso hindi kasi natakot ko siya but this was the kind of acceptance I expected from Jiee kasi sabi niya mapa-Allan or Allyssa man daw ako, isa pa rin ako sa mga kaibigan niya kaya huwag na raw akong mag-alala.
Akala ko kasi magagali siya. 'Yun bang may sampalan pang magaganap. Tapos luluhod ako sa harap niya at magmamakaawang tanggapin niya ako at patawarin kasi hindi ko agad nasabi sa kanya ang totooo na dati ay lalaki naman talaga ako. Tapos tatalikuran na niya ako at iiwang nakalupasay dahil isa akong taksil na kaibigan sa kanya.
Hahaha! Napaka-negative ko naman kasing mag-imagine.Ito talaga ang mahirap sa mga late night thoughts eh. Kung saang lupalop ako ng Mother Earth nakapunta kagabi sa dami nang naiisip kong mangyayari tapos ganito lang din pala. Atleast nairaos ko na rin naman.
Buti na lang talaga ganito kabait si Jiee. Akala ko maiilang na siya sa akin. Akalang akala ko talaga baka dahil lalaki na ako ay hindi na kami maging ganito kaclose kasi nung mga nakaraang araw, talagang mas nagiging close kami to the point na halos palagi kaming magkasama talaga. Eh matampuhin pa man din itong babaeng ito lalo na kapag nanglilihim ka sa kanya ng mga bagay-bagay. Pero sabi rin naman niya, naiintindihan niya ako dahil syempre ngayon pa lang naman kami nagkakilala at mahirap naman talaga na maikwento ko kaagad sa kanya ang mga ganitong bagay. Isang malaking thank you ang natanggap ko sa kanya kanina dahil na rin daw sa pagtitiwalang ibinigay ko sa kanya.
Oh hallway. . . Thank you!
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Teen FictionIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
