A/N: Aysus! Pagpasensyahan na talaga si author na paasa. Chapter 53 dapat eh napuntang 60+ ! Wala na! Nabunyag ng de oras ang chapter na pinaghandaan ko pa naman para mang gulat sa inyo ! Peace readers!
Sa aking silent reader na minsan may pagka-loud- para sa'yo talaga ang chapter na to! Alam ko matagal mo ng inaantay to! :D Damhin! Lovlots!
Allan's pov
Akala niyo ba sa putikan na nagtatapos ang date namin ni Jiee? Nagkakamali kayo kasi ang isang nakakakilig na date ay hindi matatapos ng walang kiss!
Joke lang! Isipin mo Allan! Best friend mo si Jiee. I mean best friend mo na siya, best friend ko na siya! Yeah she's my best friend now kaya touch her and I'll make sure na hindi na kayo muling makikita pa sa earth!
Joke! Possessive lang ang peg? Ayoko pong masakal sa akin si Jiee. I just want to make her feel na she is protected at the same time free. Well besides the fact that she is not mine yet.
Duwag ba ako? Siguro naduwag ako nung nakita kong umiiyak siya kanina. At ang bawat patak ng luhang iyon ay dahil kay Neil. Kasi mahal pa niya si Neil. Nakakalungkot mang isiping mahal nga talaga niya si Neil pero masaya pa din akong isa na ako sa taong mahalaga kay Jiee.
Sinabi ko dati hindi na ako yung masasaktan. Hindi na ako yung magpaparaya pero hindi ko naman kayang ipilit ang hindi naman talaga dapat. Ayoko ding saktan ang babaeng pinakamamahal ko tulad ng ibang mga lalake na mas iisipin na lang ang kasiyahan ng mahal nila kesa ang sariling kasiyahan nila.
But enough with that drama. Basta isipin na lang nating hindi pa ito ang panahon para sabihin kay Jiee na mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan. Wag tayong maging atat guys Let us chill for a while.
Pagkatapos ng eksena namin sa putikan eh pumunta na muna kami ni Jiee sa condo ko. Ayokong ideretso siya sa bahay nila dahil baka mapagalitan siya ni Lola Vien pati na din ako kasi naman mukhang gusgusin na siya at OO na inaamin ko na po...
Gusto ko pa siyang makasama. Mukha nga lang kaming taong grasa kaya pagpasok sa elevator eh pinagtitinginan kami ng mga tao. Nilalayuan pa nga eh. Tignan mo itong mga to, samantalang kapag matinong Allan ako eh kung makadikit yang mga yan, dinaig pa mga linta. Putik lang naman itong nakalagay sa amin. Hindi din siguro nila ako mamukhaan. How plastic bitches are.
Nang makarating sa unit ko eh agad dumiretso si Jiee sa cr ng kwarto ko. Ginamit ko na lang yung cr malapit sa living room. Sinabi ko bahala na siyang humalungkat dun ng damit ko kung wala siyang pamalit.
After 1 hour ng todo kuskus,shampoo,sabon eh nagmukha na kaming tao. Lumabas si Jiee sa room ko at grabe nagagandahan nanaman ako sa kanya. Lintik na mga mata ito. Feel na feel ko pang suot niya yung favorite t-shirt ko. Hahaha! Hindi ko na yun lalabhan.
Buti na lang iyon ang napili niya.
Ano to? DIE HARD FAN? wtf!
You look fat!
Oh great! Eh lahat ng t-shirt mo ang lalaki eh. Macho mo kasi. Diet na friend!
Nagsalita ang buto't balat naglalakad.
Mean!
Sabay hagis niya sa akin ng unan. Pero seriously, she looks cute. Her long wet hair na parang ang hot ng dating, her very long flawless legs na morena, nasa may medyo above the knee niya kasi yung shirt ko nung isinuot niya. Oh Gawd help me here Ayoko siyang pagnasaan ng ganito. Makasalanan ka Allan! Makasalanan yan! Irespeto mo siya. Her eyes na very tantalizing eh palapit ng palapit sa akin habang slow mo nanaman ang paligid.... Napapadalas na ata ang pagbagal ng mundo ko ah. This is not good.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Novela JuvenilIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
