Chapter 2: So Ordinary Day

131 6 0
                                    

Jiee's POV

The next day na pumasok ako, medyo naninibago pa rin talaga. Ang tanging nasa isip ko eh ang bumalik sa high school kasowala na akong magawa. May P.E. class pa ako 2:30-4:30pm mamaya kaya talagang hindi ko makikita si Neil ngayon kasi 3:30 pm naman ang uwian niya. Alangan naman magpa-antay nanaman ako di ba?

Second day na kaso wala pa rin akong nakakasamang permanent dito sa room. Paiba-ibang tao ang nakakasalamuha ko. Tahimik pa rin ako sa lungga ko kasi naman wala pa naman kaming permanent seat kaya feel free kung saan mo gustong umupo. Kaso, nataon pang mas tahimik sa akin yung katabi ko ngayon. Haixt! Ito ang disadvantage ng taong lumaking mahiyain. Nahihirapan akong iapproach yung mga taong nalalapit sa akin. Mamatay kami sa katahimikan dito. Nagmumukha tuloy akong emo dito sa gilid.

Nung sumapit ang lunch break, hindi ko alam kung kanino ako sasabay. Palabas na ako sa pinto ng room nang biglang nakita ko si Ray, yung nag-iisang schoolmate ko nung high school pero hindi kami close. Kahapon kasi syempre introduce yourself nanaman tapos sabi niya taga St. Therese High din siya kaya woohoo! May ka-school mate na ako kaso boohoo! Nasa malayong building siya kasi nasa special program for the arts siya noon kaya technically speaking, hindi talaga namin kilala ang isa't isa dahil napakalayo ng building nila sa building namin na star section. Wala naman sigurong masama kung lalapitan ko siya di ba? Hindi ko na talaga kayang mag-isa. Nahohomesick ako na ewan. Naiinggit din siguro ako kasi karamihan sa mga katabi ko may kanya-kanyang kasama na. Hindi ko kasi sila feel kasama kaya sabi ko may pupuntahan akong tao ngayong lunch pero sa totoo lang, wala talaga. Ang hopeless kong tao! Kaasar!

Kaya eto na nga at nilapitan ko na siya at tinanong kung saan siya kakain, sabi niya kahit saan kasi nagbaon naman siya and buti na lang kasi nagbaon rin ako.

OH! Ano kontra kayo? Eh sa over pricing yung canteen dito eh. Tapos ang konti pa, hindi pa ako mabubusog kaya nagbabaon na lang ako. Mas masarap pa yung luto ni Lola Vien kesa sa mga pagkain diyan.

Naghanap kami ng spot around sa campus at dun kami napadpad at kumain sa mini park daw ng school kung saan maraming puno. Payapa, tahimik, konti ang tao, dadalawa nga lang kami ni Ray dito ngayon. Kahit mini park ito, maluwang pa rin naman. Konti na nga ang tao, layo layo pa. So peaceful talaga!

Ang saya naman dito! Nakahinga ako ng maluwag. Kung doon sa room hindi ako mapakale, dito sobrang narerelax talaga ako. Parang nagpipicnic lang kami.

"Uh? Jiee, Jiee di ba? Okay ka lang ba?" Bigla nanaman akong nagising sa kawalan nung nagsalita si Ray. Haixt! Ang hilig ko kasing kausapin sarili ko eh. Yan tuloy nakakalimutan kong may kasama ako. Nakakahiya ka Jiee!

"Oo. Okay lang ako. Kumain na tayo. Gutom na gutom na kasi ako." Nginitian niya ako at nilantakan na nga namin ang mga pagkain namin. Haaay! Sa wakas, food! Food never failed to make me happy and relieved. Buti na lang naimbento ang pagkain.

Days passed by at si Ray ang lagi kong kasamang kumakain ng lunch. Naging close na rin naman ako sa kanya kahit na lalaki siya. At pareha kasi kaming tahimik. Pagkatapos kumain, naguusap naman kami pero madalas na may kanya kanya kaming mundo. Ako nagbabasa ng libro, siya nanunuod ng anime sa tab niya. Saka na lang kami magiimikan kung babalik na kami sa room. Nakakasurvive naman kami kahit na ganyan kami kapag magkasama. Hahaha! Malay ko. Silent people would understand how we feel.

At yan- lalaki nanaman. Eh hindi ata kasi ako lapitin ng mga babae. Tsaka, may kanya-kanya ng group mga girls sa amin. Yung group na...

Puro naka-eyeliner ang mga mata. Ang eyeliner ng isa ay para sa lahat.

Yung kung makapag-ingay sakop yung buong room. Minsan napapasobra na kaso wala naman kaming magawa. Kahit ilang beses na silang mapahiya, hala sige pa rin.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon