Jiee's pov
Nakakainis naman eh. Nawawala yung notebook ko. Nasaan ba yun napunta? Hindi ko maalala kung sinong humiram. Madami kasing humihiram ng notebook ko eh.
Nakakahiya! Kasi ano eh.... Kasi.....
-flashback-
Jieeneil, namimiss ko na yung nagbigay sa'yo. Tignan mo itong gawa ko.
Sabay pakita ko sa kanya nung isinulat ko sa notebook ko.
NEIL-NO.1 INSPIRATION♥♥
NEIL AND JIEE- BEST FRIENDS FOREVER♥♥
JIEE AND NEIL EQUALS JIEENEIL♥♥
Madami pang mga heart at smiley yan. hahaha! Para damang-dama.
Haixt! Jieeneil? Nababaliw na ba ako? Masama na bang araw-araw kong namimiss ang best friend ko? Normal pa ba ito?
Feeling ko hindi na ata ito normal. Best friend? Best friend pa din ba tingin ko sa kanya? Napaninindigan ko pa bang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya?
Sa bawat araw na kasama ko siya eh hindi ko mapigilang kiligin ng patago kapag sweet siya. Minsan kahit na pilitin kong layuan siya eh hindi ko magawa kasi mas namimiss ko lang siya.
Ano bang nangyayari sa akin? Kaya ko pa ito di ba? Tandaan mo Jiee, andyan si Angel. Best friend ka lang Jiee! Best friend lang! Kaya tama na ang pagnanasa.
-end of flashback-
Haixt! Baka mabasa nila yun. Nakalimutan ko kasing punitin eh.
Jiee? Ok ka lang ba?
Allan, yung notebook ko nawawala. Hindi ko alam kung hiniram ba o nawala ko lang talaga.
Bigla na lang siyang tumayo sa harapan at biglang sumigaw.
Announcement everyone! Hiniram niyo ba notebook ni Jiee? Sino sa inyo? Umamin na dali!!!!
Lahat sila umiling lang. Haaaaay! So wala talaga dito sa room. Ibig sabihin nawala ko sa labas. Oh no! Lagot na to. Pariwarang notebook T_T
Allan! Kailangan kong mahanap yung notebook na yun.
Edi bumili ka na lang ng bago tapos hiramin mo notebook ko.
Tse! Nagsusulat ka ba?
Ahy hindi nga pala. Hehe! Peace!
Tsaka may importante kasing nakalagay dun sa notebook eh.
May pangalan naman yun kaya antayin mo na lang na ibalik nila.
Paano kung hindi binalik?
Edi, aakyatin ko yung speech room para mag-announce dun!
Edi ikaw ng malayang nakakapasok kung saan saan. Ayt! Pero basta kailangan kong mahanap yun.
Break time ngayon at maaga din naman kaming na-dismiss sa isang subject namin. Kaya tambay muna kami dito sa may mga malalaking bench sa likod ng building habang hinihintay namin yung bell na tumunog at makapasok na sa last subject namin. Mahangin dito at madaming puno. Tanaw na tanaw mo dito yung mga rooms, at minsan nakikita ko dito ang room nila Neil. Syempre kitang-kita ko din si Neil.
Sabi ko naman na sa'yo Jiee, itigil mo na ang pagnanasa. Ewan ba pero lately parang palala ata ng palala ang nararamdaman ko kay Neil habang paulit-ulit ko itong dinedeny.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Teen FictionIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...