Extra chapter: THE TIME

69 3 0
                                    

a/n: Extra chapter lang po ito ..

Wolo long :))) Gusto lang maglabas ng hinanakit .. Hahaha !! :)

Advice advice na din

Libre lait :))

Tara !! Usap tayo guys <3

*****

Sa simula, naging magbestfriend tayo kasi nakapagbibigay tayo ng oras at panahon natin sa isa't-isa.

Oras para pakinggan ang walang katapusang fairy tale ng buhay, oras para samahan ako saan man ako magtungo, at oras para alagaan ako at ipakitang kahit mapag-iwanan ako ng panahon ay laging andiyan ka lang sa tabi ko.

Dahil dun nakilala natin ang isa't-isa hanggang sa nagkaroon ng mga pangako at pangarap.

Pangakong walang magbabago sa pagkakaibigan natin kahit na marami tayong makilalang bago at pangarap na maging magkaibigan hanggang sa tayo ay tumanda.

Ngunit bakit habang tumatagal, nadarama kong tinatakbuhan na ata tayo ng oras? O tayo ang tumatakas sa oras na dapat ay nakalaan para sa ating dalawa?

Sa bawat pagkakataon na hinihingi kong magkita tayo at mamasyal kahit saglit lang kasi alam naman nating busy na ang bawat isa lalo na ngayong college, pinagbibigyan mo naman ako ngunit laging pambungad mo sa akin ay ang mga katagang "hanggang sa ganitong oras lang ako ah"

Sa bawat araw na katext kita, may limitasyon ang iyong oras na hanggang 10pm lang kasi kailangan mo ng matulog kahit na kailangan ko pa ng konting minuto mo eh tinutulugan mo na ako.

Tanong ko lang sa'yo. Kung yung pinagmamalaki mo ba sa aking crush mo ang nagyaya na mamasyal kayo, sasabihin mo din ba sa kanyang may limitasyon ang oras mo o lulubusin mo ang isang buong araw niyo?

Kung siya ba ang katext mo kahit wala ng kwenta ang usapan niyo eh matutulog ka ba agad kung ang oras ng pagtulog niya eh alas dose na ng gabi?

Hanggang kelan mo kayang lustayin ang pera mo para lang humaba yung oras mo sa computer shop para makapag-laro ng dota o lol?

Samantalang yung libreng oras ko eh hindi mo man lang mapansin-pansin .. Grabe lang ah, isa ka na sa mga taong nakilala kong tumatanggi sa libre.

Hanggang kelan mo dapat ipamukha sa akin na alam mo na ang salitang "nagsasawa". Kaya kung ibang tao ang nagyaya sa iyo eh nawawalan ng limitasyon ang lahat sa'yo?

Oo, best friend mo lang ako!

Yan ang mga katagang lagi nating naririnig sa mga taong ang role sa buhay ay isang best friend na nasasaktan.

Isang best friend na gustong umangal kaso isang hamak na best friend mo nga lang siya kaya hindi niya masabi sa'yo ito agad.

Pero sana bigyan mo naman ako ng konting karapatang magtampo.

Hindi sa nagrereklamo pero nagtataka lang ako, nasaan na kaya yung best friend kong nagsabi sa akin na andito lang ako lagi sa tabi mo.

Tumakbo ka na din ba kasama ng oras na dapat ay nakalaan para sa akin?

Minsan hindi natin namamalayan na yung mga pinakasimpleng bagay na nagagawa mo noon ay yung mga bagay na sobrang hinahanap-hanap natin sa ngayon.

Best friend? Hanggang kelan ka tatakbo kasama ng oras ko?

Hindi ba pwedeng isama mo naman ako sa pagtakbo mo?

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon