Chapter 14: ILY

77 3 0
                                    

Jiee's pov

Kakaiba ang naging maghapon ko nung nakilala ko na nga ang tunay na pagkatao ni Allan Ramirez aka Allyssa. Matapos akong paiyakin ni Allyssa...ay Allan na pala, sa takot nung nakaraang araw eh hanggang ngayon hindi pa din talaga siya tinitigilan ng mga bulungan dito. Pangatlong araw nang nakakasama namin si Allyssa as Allan at pangatlong araw na rin ang mga usap-usapan tungkol sa kanya. Hindi ko inakalang ang tahimik na Allyssa noon ay ganito pala kaingay ang buhay kapag Allan Ramirez na siya.

Yung mga tao ang tatalim ng mga tingin sa amin. Nakakasaugat na nga eh. Kung wala siguro si Allan sa tabi ko eh malamang kanina pa ako nakabitin nang patiwarik at pinagpyepyestahang pahirapan ng mga ito dahil ako ang kadalasang kasama ng lalaking pinapantasya ng halos lahat ng mga babae dito sa university na ito. Ang bilis talaga ng mga pangyayari. Isang ihip lamang ng hangin, medyo nagbago na rin ang araw-araw naming magkakaibigan dito sa campus. Kaso hindi naman namin pwedeng iwanan na lamang si Allan. Okay lang na mapatay kami ng mga tingin nila. Mas kailangan ngayon ni Allan ng kaibigan kaya hindi kami aalis sa tabi niya. OPLAN BAKUDAN SI ALLAN RAMIREZ nga kami nila Marvin, Ray, at Mhikayla ngayon.

Ngayon damang-dama ko na talaga ang "King Allan fever" daw dito sa school namin. 'Yung titigan siya nang bawat tao sa daan tapos siya wala lang pakialam. Todo chin up pa siya. Ginagaya ko kaso nakakangawit sa leeg kaya yumuko na lang ako. Masyado nga siyang sikat dito at ako naman itong tanga kasi hindi ko man lang napansin lahat ng ito noon. Kaya pala marami na ang nakakakilala kay Allyssa noon pa man.

Kung hindi pa niya kwinento lahat sa akin, siguro buong buhay ko dito eh clueless ako sa lahat. Pati nga si Mhikayla alam na daw niya 'yung mga bulong-bulungan dito. Pati 'yung revelations ni Allan sa akin, kahit hindi pa namin nasasabi sa buong barkada, eh alam na nila dahil daw sa mga chismakers na mga nilalang dito. Buti pa sila marunong maginvestigate samantalang ako, nganga to the max! At eto pa ha, 7:30am pa lang daw eh naka-abang na dito sa school 'yung mga babaeng students para lang daw masulyapan ang pagdating ni Allan sa school kahit minsan eh 10:30 na ang pasok niyan. Geeeez! How lame! Tulog na tulog pa ako nang ganong oras tapos sila willing magsacrifice ng tulog para lang makasulyap kay Allan kahit wala namang paki si Allan sa kanila.

Dahil sa hindi matatapos tapos na issue ngayon kay Allan, nagakasundo kaming magsimula ngayon daw eh siya munang magiging tagahatid-sundo ko kasi baka nga maibitin ako nang patiwarik nang wala sa oras dito. Kahit ilang beses ko mang tanggihan ay mapilit siya. Nang dahil na rin sa mga pananakot niya na baka hindi lang daw ako maibitin patiwarik, machopchop, makulam at kung ano ano pa ay pumayag na rin ako. Nakakaasar naman kasi siya, makapantakot wagas! Iniisip ko na lang din ang safety ko na makapasok araw-araw sa school campus nang ligtas kahit hindi naman talaga ako ligtas sa mga talim ng mga dila at mata nila. Ako kasing pinakaclose ngayon kay Allan kaya kailangan ko ring mag-ingat. Tsaka pwede pa din naman daw akong makisabay kay Neil basta siguraduhin ko daw na 'wag akong nag-iisa habang mainit pa ang balita sa pagbabalik niya. Magsasawa din daw mga 'yan.

Sa ngayon din ay kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na tawagin siyang Allan though I kinda miss Allyssa sometimes. 'Yung kung paano kami magshare sa pulbo, kung paano siya magsalita na minsan kahit hindi ko maintindihan ay natatawa nalang ako dahil sa kabaliwan niya, at 'yung pagcling ko sa arms niya dahil wala lang. Ngayon kasi medyo minsan kailangan ko na ring ilimit ang sarili ko when it comes to Allan kasi lalaki na nga siya. Ito ang masasabi ko tungkol diyan-kahit na gaano kayo kaclose ng isang lalaki, kung kaibigan mo siya, at kahit na kaibigan mo pa siya, minsan may mga bagay talagang hindi mo maaaring gawing normal na lamang sa inyong dalawa dahil maraming pwedeng maging resultang iba. Pero hindi ko rin naman pwedeng ipakita na sobrang naiilang ako sa pagbabago niya kasi baka masaktan ko siya kaya ang iniisip ko, siya pa rin naman si Allyssa na super close ko noon eh, may slight changes nga lang.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon