chapter 22.1: First part of plan

66 4 2
                                    

Jiee's pov

Excited akong pumasok ngayon kasi excited akong malaman ang results ng exams.

Lahat naman kami excited eh. Lalo na si Mhikayla.

Wala na kaming ibang pinag-usapan kundi yung magiging results.

First part pa lang yun ah kaso nakakapressure na talaga. Paano pa kaya kapag sa susunod pang mga parts.

Aaminin ko medyo nadalian ako kasi nakapagreview naman kami ng maayos ni Allan. Buti na lang nga at nakita niya ako dun. :)

Maya-maya dumating na din yung prof namin sa fin man at agad dinistribute yung papers.

Waaaahhhhhh! Ang saya!

Hindi kami nagkopyahan ah pero ako,si Mhikayla, Ray, Marvin, Haley, Ria at Allan eh magkakasunod na highest ! Yieeeee ! Amazing:)

Sumunod naman yung accounting at ganoon din ang naging results.

Pagkalabas ng room, hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinanap ko agad si Allan. Gusto ko talagang mag thank you sa kanya.

Ang saya kasi malaking tulong yung nagawa niya para sa akin. Kahit na medyo prinoblema ko si Neil eh nakaya ko pa din yung exams.

Mga ilang saglit lang nakita ko na si Allan kaya agad ko siyang dinamba at niyakap ng sobrang higpit.

Allan ! Thank you ! Thank you talaga :))))))))))

Ahhh Jiee naiipit ako!

Yieeee! Pasalamat ka niyayakap kita. thank you talaga!

Ayieeeeee hoy Allan at Jiee PDA kayo ah.

Sumbat ni Marvin

Oo nga eh! Kaw baby Jiee ha!

Singit naman ni Mhikayla

Namumula na siya oh!

Pahabol pa ni Ray

Grabe talaga itong mga to! Kala mo naman hindi sila nangyayakap eh.

Magantihan nga! hahahaha . Agad ko silang hinabol at dinamba din sa yakap hanggang hindi sila makahinga.

Buti nga sa kanila. Panira ng moment eh. Gusto ko lang naman mag thank you kay Allan.

Kumakain kami ngayon sa isang kainan sa labas ng school at grabe parang fiesta sa table namin ngayon. Ang daming pagkain. Hahaha ! Nagcecelebrate kami sa unang successful na examination namin.

Ang saya talaga.

Uhmmm.. Guys ! Saturday ngayon di ba ?

out of nowhere na sinabi ni Allan.

Ah oo, bakit?

sagot ni Marvin

Gusto ko lang ipaalam si Jiee. May pupuntahan kami mamaya eh kaya hindi kami makakasabay. Sorry!

sagot ulit Allan

Ano......

Rarason sana ako kaso bigla niyang sinipa yung paa ko sa baba nung table kaya napa-OO na lang ako.

Wala naman kasi siyang sinasabi sa akin tsaka biglaan. Saan naman kaya niya ako ipupunta mamaya.

Hindi ako pwedeng gabihin unless kinausap na niya si lola at ipinaalam ako.

Teka teka! Close na ba sila ni lola ?

Ayieeeeee! Kayo ah! Bakit hindi kami kasama diyan?

Biglang sumbat ni Marvin

Saka na kayo! Importante lang kasi to.

Si Allan yang nagsasalita.

Ang seryoso ng mukha niya.May nangyari kayang masama?

Kinakabahan naman ako sa mga kinikilos niya.

At saan mo naman balak i-date si Jiee?

Pahabol ni Ray

*cough*

Bigla naman akong nabilaukan sa sinabi ni Ray kaya lahat sila nagulat at nagbigay ng tubig sa akin.

Ano ba namang biro yan!

Jiee ? Okay ka lang ba?

Aysus ah! Mukhang affected yata?

*cough* *cough* *cough* May ba-balak ba kayong patayin ako?

Hahahahahaha! Ang cute mo talaga kapag nagagalit baby Jiee namin!

Pasipsip na hirit ni Marvin

Grabe talaga kung magbiro itong mga ito eh.

Date daw? Bakit naman ako ida-date ni Allan eh friends lang kami niyan.

Oo may tinatawag na friendly date pero para saan eh hindi naman niya ako nililigawan.

Mga kaibigan ko talaga ngayon, exagged na kung exxaged kung mag-isip.

Grabe kayo ha! Hindi naman gagawin sa akin ni Allan yun. Di ba Allan?

Haaaay nako Jiee, nagsusuggest lang naman sila eh. Gusto mo gawin talaga natin. Remember sinabi ko sa'yo na ga......*mwa**moo**ahhsjsjxhhhdgd*

Yaaah! Shut up Allan.

Tinatakpan ko na yung bibig niya kasi naman kung ano ano sinasabi. Oo nakakatuwa minsan mga biro o hirit niya pero kapag iba na yung nakarinig eh madami na silang pwedeng isiping iba sa mga sinasabi niya.

Grabe! Favorite word of the day GRABE! Ang hirap pa namang takasan ng mga hirit niya.

Bwisit itong baklang to.

Ahy lalaki na pala siya.

At yun pa ang isang issue, lalaki na siya kaya kung humirit siya ng mga ganyan eh ibang iba na talaga.

Ahhhyyy! Allan naman. Wag mo akong pahirapan ng ganito.

Kapag ako nabigla, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kaya ang laging iniisip ng ibang tao eh guilty ako. Kahit hindi naman!

Eish Allan. Badterp ako ngayon sa'yo. Tandaan mo yan. Hindi kita iimikin mamaya. Kahit saan mo man ako dalhin.

Nakakainis! Ang saya ko na nga eh. Panira ka ng araw Allan. Binabawi ko na yung hug ko sa'yo kanina.

Hmmmppff!

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon