Neil's pov
Sabay kaming pumasok ni Angel ngayon. Pagkababa namin ng taxi eh nakita ko sina Jiee na kabababa lang din sa sasakyan ni Allan.
Talagang alagang-alaga nila ang best friend ko ah. Hindi ko na muna siya nilapitan kasi nahihiya pa ako. Naaalala ko yung mga nangyari kahapon. Hindi ko maintindihan kung nakakaramdam din ba siya ng konting ilang pero nung binanggit niya yung tungkol sa crush eh parang wala lang sa kanya.
Yun ba ang ibig sabihin nung mga sinabi niyang anuman ang maging desisyon ko eh tatanggapin niya? Na alam na niyang gusto kong maibalik ang dating meron sa amin ni Angel kahit maging kapalit nito ang oras kong dapat na ay sa kanya?
Ganon nga ba talaga ako kamahal ni Jiee? Bilang isang kaibigan nga lang ba? O higit na?
Nakakapagtaka!
Pagkarating ko sa room ko, kakwentuhan na niya ang mga kaklase ko. Nakakamiss din pala ito. Matagal siyang hindi dumalaw dito ah simula nung dunating si Angel.
Dati, nung wala pa si Angel, nakay Jiee lahat ng atensyon ko pero ngayon eh hating hati na talaga. Pero nagagawa pa din niyang maging ok na para bang nasa normal pa din ang lahat.
Kahit na feeling ko na lang lagi eh para bang may mali.
Nagdala siya ng mga cookies na para sa buong klase ko. Ang cute niya talaga. Para siyang batang nagpapasalamat. Niyaya niya akong lumabas sa sabado. Wala daw kasing pasok at ok lang na isama ko si Angel. Sabi ko ok lang naman kahit kaming dalawa lang. Agad din naman siyang umalis kasi malapit ng mag-time. Na sakto namang pagkadating ni Angel na niyaya din akong lumabas. Hindi naman ako makatanggi sa kanya kaya sinabi kong sumama na lang siya sa amin ni Jiee.
Magkakaroon kami ngayon ng bagong classmate. Naririnig ko ng sinalubong siya ng mga kaklase namin. Maya-maya pumunta siya mismo sa akin at may ibinigay na isang notebook.
Notebook ni Jiee, napulot daw niya. Pero bakit kilala niya si Jiee?
Niyaya niya akong lumabas saglit para makipag-usap. At nabanggit niya na hinahanap niya si Mhikayla. Kaya naman pala kilala niya si Jiee.
Pero mas nagtaka ako sa mga sumunod niyang sinabi na ingatan ko daw si Jiee, bantayan ko daw.
Alam din niyang na-ospital si Jiee dahil siya daw ang nagdala kay Jiee sa clinic bago siya isugod sa ospital.
Nabanggit din niyang umiiyak si Jiee? Pero bakit? Wala naman siyang nabanggit sa aking problema ah!
Ito nanaman kami sa ganito. Sobrang nagtataka na ako na ngayong andito nanaman si Angel eh nagbabago nanaman si Jiee. Hindi ko alam kung anong itinatago niya. Ewan ko kung kaya ba siya nagkakaganyan ay dahil kay Angel pero hindi naman sila nagkikita ni Angel.
Hindi nga ba talaga? Ano ba talagang meron sa kanilang dalawa? Hindi ko alam kung sino ang dapat kong panigan.
Nahahati ang puso't isip ko sa pagitan ng mahal ko at ng best friend ko. Ayaw kong sayangin ang pagkakataong ibinigay ni tadhana sa amin ni Angel pero sa pagkakataong ito eh feeling ko nawawala naman sa akin ang best friend ko.
Ganito ba talaga kahirap magkaroon ng best friend na babae? Hindi ba maiiwasang hindi mo siya maintindihan minsan? At kahit ba gaano mo piliting maging normal ang lahat sa inyong dalawa eh meron at meron pa ding mga bagay na hindi niya komportableng sabihin sa'yo?
Mahirap man pero kailangan ko muna itong ipagpaliban. Papasyal kami sa saturday at pagkatapos nun eh magiging busy na kami sa exams namin. Masyado na akong maraming iniisip. Tama na muna Neil. Naguguluhan ka lang siguro at nabibigla sa pagdating ni Angel.
Pumasok na kami ni Mikko at nagkaroon na ng magdamagang discussions.
Lumipas ang Theology, Literature, ang major naming Accounting, ang walang sawang Speech, at magdamagang discussion tungkol sa Management at Entrepreneurship.
Nakikinig naman ako sa discussion kaso parang tinatamad ako kaya napag-isipan kong gumuhit sa notebook ni Jiee.
Pagkabuklat ko ng last page ng notebook niya eh napangiti ako sa mga nabasa ko.
NEIL- NO.1 INSPIRATION ♥♥
NEIL AND JIEE- BEST FRIENDS FOREVER ♥♥
JIEE AND NEIL EQUALS JIEENEIL♥♥
At marami pang mga puso at smiley na nakaguhit sa pagitan ng mga sulat niyang iyon.
Bakit ang cute mo best? Ang simpleng mga bagay lang ng mga ginagawa mo pero you never failed to make me smile.
Sometimes I just want to hug you tight but I can't. Sometimes I just want to hold your hands so tight but I can't. And sometimes I just want you to be mine but I just can't do that.
Haixt! Neil, pangalawang araw mo na itong pinagpapantasyahan ang best friend mo. Ano ba! Ano bang meron sau! Anong nangyayari sa akin? Past is past di ba? Bumalik si Angel, bumalik din ang feelings ko kay Jiee? This can't be happening.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Teen FictionIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...