chapter 20: New Member

85 6 0
                                        

Jiee's pov

As I said, marami ng development between me and my friends.

Unti-unti na din akong nakaka-adjust at ganoon din si Neil na my circle of friends na din.

Kaya hindi man kami madalas magsama, sa text na lang kami bumabawi.

Medyo malayo din kasi bahay nila sa amin at mahirap ang biyahe kaya minsan lang ako makapunta dun.

Ng masurvive ko ang 1 week sa school na walang masyadong kasama, agad nagsulputan naman ang aking mga friends sa third week ko sa school.

Maliban sa nakilala ko ang nakakalokang buhay ni Allan, ang natatagong lublayp ni Mhikayla, ang ongoing lublayp ni Marvin at ang walang katapusang katorpehan ni Ray eh marami pang sumunod sa kanila.

Monday nun ng hindi ako nasundo agad ni Allan kasi may dinaanan muna siya kaya nagjeep ako papuntang school.

Dun ko nakasabay si Ria at Haley.

Nung una hindi sana ako iimik kaso bigla nila akong kinausap.

Ah hello miss, Ikaw si Jiee di ba? Gf ni Allan?

Ha? Hindi ako Gf ni Allan. Nagpapaniwala kayo sa mga tsismis nila.

Ahy sorry. Kami nga pala si Ria at Haley.

Ah. Nice meeting you both. Classmates ko kayo di ba? Pansin ko wala pa kayong masyadong nakakasama sa room, gusto niyong sumabay sa amin maglunch?

Hindi ba kayo nakakatakot?

Ano? Hahahahaha! Malala na talaga mga tsismis sa school natin.

Ganon ba. Sige Jiee! Salamat naman at may makakasama na kaming kumain.

And dun nadagdagan ang aming friendship.

So bale ito na kami ngayon.

Me, Allan, Mhikayla, Ray, Ria, Haley, Marvin.

At bawat isa sa kanila ay may mga pang karaniwang story tulad ko.

Hey guys! I want you to meet Ria and Haley! :)

Jiee ang friendly mo ha. May narecruit ka nanaman. Anong gayuma pinainom niya sa inyo?

Hoy grabe Marvin ah!

May halong mangkukulam kasi yang babaeng yan. Mag-ingat kayo.

Hala! Mean.

At sabay-sabay silang nagtawanan.

Kumain na kami at since 2 hours naman eh kwentuhan lang ang naganap sa 2 hours break na yun.

Nagsimula ang kwento sa lublayp ni Mhikayla.

Ganito kasi yun, yun nga, ung ganon.

Pasimula ni Mhikayla.

Aysus! Horror yan hindi love story.

Sumbat naman ni Marvin na nagsimula nanamang mang-asar. Moment nilang dalawa yan. Sila muna ang nagsusumbatan kaya quiet lang kami.

Teka! Hirap magsimula eh. So here it goes... Nagkacrush ako nung high school ako. Pero ngayon feeling ko ang tanga ko dahil sa ginawa ko. Nagpakabulag ako sa ngalan ng pag-ibig.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon