Chapter 18: Ooops!

87 3 0
                                        

Allan's POV

"Love you too Bakla! Ingat!"

"Love you too Bakla! Ingat!"

"Love you too Bakla! Ingat!"

"Love you too Bakla! Ingat!"

Nabingi na ba ako at 'yan na lang ang tanging naririnig ko? Pagkatapos ko siyang ihatid, nasabi ko sa kanyang "Love you Jiee" pero hindi ko naman akalaing magrerespond siya. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko kaya agad akong tumakbo papasok ng kotse ko. Kung magiging ganito ang eksena namin ni Jiee araw-araw baka magkasakit na ako sa puso niyan.

Iniisip ko rin, kaya niya lang siguro nasabi 'yun kasi feeling niya ako pa rin si Allyssa. Ayokong biglain si Jiee at sabihing may gusto ako sa kanya kasi baka mailang siya lalo sa akin. Nararamdaman ko namang naiilang siya sa akin kaso ginagawa niya ang best niya para hindi ito ipahalata kahit na nahahalata ko naman minsan.

Mas okay nang isipin niyang kaibigan muna ako sa kanya. Pero hindi ko naman sinasabing kaya ko lang kakaibiganin si Jiee kasi may gusto ako sa kanya. Syempre gusto ko naman talaga siyang maging kaibigan. Kahit na nagsimula kami sa mga kasinungalingan, eh tinanggap niya kung sino at ano ako. Gusto kong maging komportable siya sa akin at pagkatiwalaan niya ako para mas makilala rin muna niya ako at makilala ko rin siya. Gusto kong malaman ang lahat sa kanya dahil gusto kong maintindihan ko siya. Gagawin ko ang lahat para intindihin ang isang babaeng kagaya niya at sana matuto na rin akong intindihin ang sarili ko.

Sakto lang din ang mga nangyayari. Magiging hatid-sundo ako ni Jiee araw-araw dahil na rin sa pagpupumilit ko. Gusto kong isecure ang kaligtasan niya habang mainit pa ang mga mata sa akin dahil ayokong paginitan rin nila si Jiee. May pagkaintrovert siya at naiintindihan ko ang kagustuhan niyang maging safe sa sariling mundo niya kaya ko ginagawa ang mga bagay na ito kahit na nagmumukhang OA ako minsan sa kanya. Hindi naman pa siya nagpapaalam na sasabay kay Neil. Busy yata lately 'yung bff niya.

Alam kong maraming babae sa school namin ang magtatangkang saktan si Jiee anytime at hindi ko hahayaang mangyari 'yun. Ayoko ring pagkaguluhan siya kasi gusto ko maging normal lang 'yung buhay niya sa college at huwag matulad sa buhay kong araw-araw laman ng mga balita. Ang hirap kayang maging sikat. Hindi mo makukuha ang loob ng lahat. Maaaring nakangiti sila sa pagharap mo pero once you turn your back at them, they would grab the chance to kill you. May sikat dahil gusto nang karamihan pero may sikat dahil sa kinagagalitan sila nang nakararami. Hindi ganoon kalakas si Jiee para ipagtanggol ang sarili niya kaya nandito ako. Kung pwede ngang hanggang cr eh samahan ko 'yan para lang mabantayan siya. May pagka-care bear talaga ako kaya pasensya na.

Nakatulog ako nang napakahimbing kagabi kaya maganda ang gising ko ngayong araw. Maaga rin akong nagising para sunduin na si Jiee. Malapit na ako sa bahay nila Jiee nang natanaw ko siyang pasimpleng lumalabas ng gate at naglalakad na palayo habang panay ang tingin sa likod niya.

Hmmm. . . .

"Ah miss? Sinong tinatakasan mo?" Bumaba ako ng kotse ko at sinundan siya habang dahan-dahan pa rin siyang naglalakad na para bang may tinatakasan talaga. Feeling ko ako ang tinatakasan niya.

"Ah 'yung tagahatid-sundo ko, 'yung may kotse, 'wag kang maingay diyan. Ganitong oras 'yun darating baka makita niya ako." Sinasabi ko na nga ba eh. Naiilang siya sa akin. Ayaw niya lang sabihin nang diretso kasi masyado niyang iniintindi ang mararamdaman ko. Bakit ka ba ganyan Jiee?

"Ah ganon ba? Sige. HOY PARE ANDITO 'YUNG HINAHANAP MO OH!" Sumigaw ako nang napakalakas na siya namang ikinagulat niya at paglingon niya andun na ako sa likod niya. Malamang ako 'yung sumusunod sa kanya. Sobrang nanlaki ang mga mata niya at dahan-dahang ngumiti sabay peace sign sa akin. Ano ba 'yan? Imbes na magalit ako sa kanya eh natatawa ako sa ginagawa niya.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon