chapter 8: Kinda Weird MR. Becky?

105 6 0
                                        

Jiee's POV

Yi-ho-hi! Papasok nanaman akong mag-isa. Hmmm...Tingin dito, tingin doon. Huh? Wala namang tao pero parang feeling ko may sumusunod sa akin.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Bakit ba kasi ang aga kong pumasok ngayon tapos yung jeep pa na nasakyan ko akala mo nakikipag-racing kaya hayan ang konti pa lang tuloy ng tao ngayon dito. Ang tahimik sa hallway tapos ang lamig lamig pa. Bilisan mo na lang maglakad Jiee at nang makarating ka na sa room mo.

Bakit ba ganito? Feeling ko talaga may sumusunod sa akin eh. Binilisan ko lalo ang paglalakad pero parang binibilisan niya din. Naririnig ko na ang mga yabag ng paa niya. Hala! Anong gagawin ko?

May nakita akong likuan kaya agad akong lumiko pero dead end pala yun! Ang tanga mo Jiee! Ang laki laki mong tanga! Nakita ko yung anino niya pero hindi ko pa din siya nililingon. Nasa isang madilim na sulok kami ng school at hindi ko alam kung ano ba itong lugar na napuntahan ko. LORD! Ayoko pa pong mamatay! Hindi pa po ito ang tamang oras!

"Waaaah! Lumayo ka sa akin! Wag mo akong papatayin! Isa! Dalawa!..." Dahan-dahan ko na siyang hinarap dahil wala na din naman akong magagawa. Pero nakapikit ko siyang haharapin sabay takbo. Wala akong pakialam kung mabunggo ko siya basta tatakbo ako makatakas lang dito! Pero multo siya, hindi naman nabubunggo ng tao ang multo kasi tumatagos tayo sa kanila di ba? Kasi naman, hindi naman nila sinabi sa akin na may mga gumagalang multo dito.

"Tatlo! Booooo!"-unknown

"Waaah! MAMAAAAA!!!" Kumaripas na ako nang takbo pero nabunggo ko siya kaya napaupo ako sa sahig. Ha? Hindi siya multo? Hindi ako tumagos sa kanya? Pero aray ko naman, yung puwet ko! Bwisit! Sino ba ito? Dahan-dahan kong hinawi yung buhok kong tumakip sa mukha ko at nakita ko si Allyssa na halos hindi na makahinga sa kakatawa. ABAY! ALLYSSA!!!

"Bwahahaha! Hahahaha! Winner mukha mo Bhe! Hahaha!" Kinuha ko na yung mga gamit kong nahulog at inayos ang sarili ko. Ano bang trip neto at ang aga aga nananakot? Malayo pa naman ang November ah! Lintik to! Kapag ako inatake sa puso, lagot talaga ang isang ito!

"Butiki ka talaga! Bakit ka ba nananakot ha? Papatayin mo ako sa ginagawa mo eh." Tumayo na ako at nilapitan siya sabay inihampas ko sa kanya yung notebook na dala ko. Bwisit! Ang aga aga, lutang pa ako tapos pagtritripan mo akong bakla ka! Hindi ka nanaman nakainom ng gamot mo. Tumira ka nanaman ng usok ng sasakyan!

" Aray! Bhe tama na. Yung feslak ko baka masira! Ano ba? Namimiss ko lang iyang pagmumukha mo." Nahawakan na niya ang mga kamay ko at ang higpit ng pagkakahawak niya kaya hindi ko na siya mapalo. Agad ko naman iyong hinatak at nagsimula nang maglakad palayo. Agad naman siyang sumunod. Pasalamat ka talaga mabait ako.

"Huh? Namiss? Eh parang mas dapat mo pa atang mamiss yung mukha nung best friend ko eh. Yieee! Niyakap ka niya kahapon di ba? Aminin, kinilig ka! Nakita daw kayo ni Mhikayla! Madami dami kang atraso sa akin bakla ka!" Pagkasabi ko nun,bigla ba naman akong hinila papuntang room tapos hindi na nagsalita. Ganon ba siya kiligin? SPEECHLESS? Kaladkadin daw ba ako. Napaka ewan talaga ng isang ito. Baka naman nakataas ang berdeng bandila niya ngayon kaya ang lakas maka-mood swings. Ano nanaman bang problema ng isang 'to? Haggard ko na ngang papasok, ganito pa yung entrada ko. Hinihila-hila ng malaking nilalang na ito. Pagpasok sa room, iniupo niya ako agad sa upuan at since maaga pa, kami pa lang yung tao sa room.

"Paano kung sabihin kong hindi ako kinilig?" Nakaharang siya ngayon sa harapan ko at napakaseryoso ng mukha. *gulp* May nasabi ba akong mali kanina at bakit parang nabeast mode ang mother earth niyo? Takte! Nahahawa nanaman ako sa pananalita niya.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon