Chapter 43: Cookies

51 1 0
                                        

Angel's pov

Fudge! Nakakainis lang ha. Hindi ako sinundo ni Neil kahapon tapos un-attended pa phone niya. Tapos hindi daw siya pumasok ngayon because of that Painosente Best friend of him.

Buti nga sa Jiee na yan. May plan worked pero OA naman ha. Naospital agad? Weak talaga yang babaeng yan. Pero tignan mo naman, nakuha agad niya si Neil. Bwiset talaga.

Ngayong araw papasok na daw si Neil at susunduin niya ako. Dapat lang noh!

Agad kaming dumiretso sa school para hindi malate. And as usual, siya ang taga-hawak ng mga gamit ko. Pagkababa ng taxi sa gate eh saktong pagbaba din ni Jiee kasama nung mga kaibigan niya sa kotse ni Allan.

Huh! Show-off! Bakit kasi hindi pa marunong mag-drive itong si Neil.

Nakita ni Neil sila Jiee pero hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad. I don't know kung napansin ba ni Jiee si Neil pero sa tingin ko eh hindi.

Ano yun? May away sila?

hmmmm! Mukhang maganda to ah.

Pagkahatid sa akin ni Neil, eh hindi niya namalayang sinundan ko siya papunta sa room niya then a few minutes later eh lumabas si Jiee sa room niya. Inihatid siya sa pinto nung mga classmates ni Neil at agad namang nagtatatakbo si Jiee papunta sa room niya.

So? Close din si Jiee sa mga classmates ni Neil? Grabe! Napakalandi din talaga ng babaeng iyon ah.

Ayoko ng balakin pang makipagkaibigan sa mga classmates ni Neil kasi wala naman akong makukuha sa kanila at hindi ko na kailangan ng madaming kaibigan kasi I can handle myself.

Bumalik ako sa room ko at bigla kong nakasalubong si Allan. Eish naman eh! Nahulo nanaman ako nito.

Spying again dare devil?

Pasimula niya. Bwisit talaga!

Who are you to care!

Pagtataray ko naman.

Tanga ka talaga noh! Ako nga si Allan.

What did he just say? I'm not tanga! He is!

Hmmm. I'm thinking of something.

Wait Allan, I want to have a double date between you and Jiee, me and Neil!

Wala lang. I just want to observe and show off. Habang mahina si Jiee eh lulubusin ko na.

Ayoko nga! Date? Just a waste of time.

Bwisit lang! Hindi man lang siya pumayag sa plano ko! Then fine, si Neil na lang ang kakausapin ko at siguradong hindi ito makakatanggi.

Agad akong tumakbo pabalik sa room ni Neil at kinausap siya na mamasyal kami sa Sat. Sinabi niyang niyaya din siya ni Jiee na lumabas sa Sat. Kung gusto ko daw eh sumama na lang sa kanila. Ok na din daw yun para makapag-bonding kami nila Jiee. Pumayag naman ako.

And.....

Yuck! Bonding? Eeewww!

But look Allan, sabi naman sa'yo eh. Hindi mo maiiwasan ang mga plano ko kaya you better watch out.

Jiee's pov

Wednesday Morning!

Susunduin daw ako nila Allan ngayon kasama ang buong barkada namin :)

Agad akong naghanda pagkagising. Malakas naman na ako kaya papasok na ako. Ayoko ng mag-absent. Madami na din akong na-miss na tao at syempre activities.

Pagkadating sa school agad akong nagpaalam muna sa kanila na pupunta muna ako sa room ni Neil kasi may ibibigay lang ako sa kanya.

Napa-aga ata ako kaya mga classmates niya ang nadatnan ko.

Oh Jiee! Morning! Wala pa si Neil eh.

Ayos lang! Morning din. Pwede bang mag-antay muna ako diyan sa loob?

Sure! Mukhang masarap ata yang mga dala mo ah.

Yup! I baked some cookies for all of you last night. Hingi na lang kayo kay Neil pagdating niya. :)

Bait mo talaga. How are you na pala? Are you still fine after all those issues about you and that famous guy in this school?

Yup! Lame issues lang naman iyon at that guy is very mabait naman. In fact, friend ko na nga siya eh, not boy friend ha!

Hahahaha! Lame issues talaga. And that's good, but be careful okay? Kasi baka gerahin ka ng mga babae diyan sa labas. I heard madami daw kasing nagkakagusto sa kanya.

Yup ! I will. Thank you so much for your concern!

Syempre naman noh! Isa ka sa mga baby ng block namin. Oh andiyan na pala si Neil. Talk to him na. Thanks for the cookies!

Ang cute ng mga classmates ni Neil noh. Hindi lang friendly kundi mababait pa. Mapang-asar nga lang minsan. Madami silang kausap ko kanina kaya hindi ko na inisa-isa kung sino man yung nagsasalita.

Agad kong sinalubong si Neil at binigay yung mga cookies. Sinabi ko na bigyan niya din mga classmates niya. Gusto ko lang siyang yayain na lumabas sa saturday kasi wala daw kaming pasok. Namimiss ko lang talagang pumasyal kasama siya.

Sinabi ko na din na kung gusto man niyang isama si Angel eh ok lang. Isasama ko na lang si Allan para apat kami. Mas masaya. Sabi niya ok lang naman daw kahit kaming dalawa lang. Pero ang mahalaga makapasyal kami.

Oo, sabihin niyo ng tanga ako kasi alam ko namang masamang higad si Angel eh tinitiis ko pang makasama siya. Eh sa wala din naman akong magagawa. Malalaman din ni Angel na niyaya ko si Neil at magpupumilit din siyang sumama kaya inunahan ko na siya. Para hindi na awkward kapag nagkita man kami sa saturday at para makapaghanda na din ako.

Pagkatapos nun, agad din akong umalis na kasi baka malate pa ako. Hinatid naman ako ng mga classmates niya sa door. Ang bait talaga nila.

Hindi pa ako nakakalayo eh may nabunggo nanaman akong isang lalaki at nahulog sa kamay ko yung mga libro at notebook na dala ko. Biglang tumunog ang bell kaya nagmadali akong pulitin ang mga ito. Malas naman eh!

Sorry! Pero nagmamadali ako. Sorry talaga.

Hindi ko na nakita kung sino man siya kasi nagmamadali talaga ako at baka malate na talaga ako at sakto namang pagkapasok ko eh pagkapasok lang ng prof namin.

Nagsimula ang discussion. Active na active ang lahat ngayon at syempre masaya din ako na nakita at nakausap ko ulit ang best friend ko.

See you saturdate! ♥

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon