chapter 60: So that's it?

42 3 0
                                    

Jiee's pov

2 weeks! Mula nung nalaman ni Mhikayla na nandito na si Mikko eh hindi na niya kami pinansin pa. Lubusan na siyang lumayo sa barkada. Nirespeto na lang muna namin ang desisyon niya kahit na sobrang hirap neto para sa amin. Hinayaan na muna namin siyang magkaroon ng time para sa sarili niya. Para makapag-isip isip muna.

Isa pang masakit para sa akin eh ang hindi din pagpansin sa akin ni Neil. Seenzone na lang ako lagi sa kanya pati sa school seenzone din ang inaabot ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong rason niya pero ito lang ang masasabi ko, sa loob ng 3 weeks na hindi niya pagpaparamdam sa akin eh parang nasanay na ako na wala ang presence ng best friend ko. Parang nasa isang bangungot ako ngayon kung saan lahat ng nangyayari ay hindi totoo at iniisip kong may pag-asa pa akong magising at bumalik sa dati kong buhay kung saan nasa normal ang lahat.

Sa ngayon mas napalapit pa ako kay Mikko pero bilang kaibigan. Si Allan din laging nasa tabi ko lang at hindi ako iniiwan sa mga araw na sinusumpong ako at umiiyak dahil namimiss ko sina Neil at Mhikayla. Tsaka talagang hindi ako iniiwan ng lahat dahil sa napagkasunduan nilang pagbabantay sa akin.

Sina Ria,Ray, Marvin at Haley eh naging sobrang busy sa pag-aayos ng booth at carnival. Ako, si Mikko at Allan naman ang siyang naging tagabili ng mga designs at kailangan sa pa para sa booth namin. Hindi sumama si Mikko sa booth ng block nila kasi akala niya nandito sa booth namin si Mhikayla kaso wala eh umiiwas pa din talaga si Mhikayla.

Nasa harap naman namin booth ang booth nila Neil na isang marriage booth. Alam ko at alam din nyang nakikita namin ang isa't-isa pero talagang hindi kami nagpapansinan. Hindi ko na talaga alam kung bakit ganito.

Pilit ko na lang sinasabi sa sarili ko na act as if you don't care at all Jiee! Act as if nothing is wrong even if I know that everything has gone wrong. Sinabi ko naman na ito sa sarili ko dati eh, na one of these days maaaring mawala si Neil sa tabi ko. Napaghandaan ko naman na ito kahit papano. Siguro masaya na siya kay Angel kaya hindi na niya ako naaalala. Yun naman talaga ang gusto niya di ba? Ang magkaayos sila. Well, nakuha na niya ito.

Busy na din naman kami these past few days dahil sa kanya-kanyang booth namin pero syempre hindi mawawala ang bonding moments namin na minsan eh salitan kaming pumupunta sa carnival para ienjoy ang christmas fair. Mas masaya kasi dun. Madaming rides.

Ang lagi kong kasama eh si Allan at Mikko. Nag-eenjoy naman akong kasama sila at pansamantalang nakakalimutan lahat ng gulo na meron sa amin ngayon na hindi ko alam kung kelan matatapos.

Lunch ngayon at nagyaya si Allan na kumain sa isang cafe like dun sa may oval. Mas gusto daw niya doon kesa sa lobby. Mas mahangin daw kasi.

Naglalakad kami ng biglang mahagip ng mata ko si Neil na kasama si Angel sa mismong kakainan namin ni Allan.

Kaya ko kaya ito? Kaya ko bang pagmasdan nanaman sila? Parang hindi ata.

Best! Nandito ako oh! Hindi mo ba ako namimiss? Grabe ka naman best! T___T

Jiee, take out na lang tapos dun tayo kumain sa may mini park gusto mo?

Sure Allan!

Nakita din kaya niya kaya take out na lang? Hindi pa din ako binibigo ni Allan. All this time nasa tabi ko lang siya. Hindi ko makita sa kanya ang any sign of pagkasawa. Parang araw-araw mas ginugusto niyang makasama ako. Minsan nga nagiging selfish na siya na gusto niya talagang maghapon ako lang ang kasama niya pero ok lang naman ito kina Ria kasi alam na. Iniisip pa din talaga nilang may gusto sa akin si Allan.

Hindi din naman ako nagsasawang kasama siya at tulad niya parang ayokong mahiwalay sa kanya.

Napakabait niyang tao. Consistent!

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon