Jiee's pov
Nagwawala na kami ni Allan ngayon sa kanta.
Woooh! Yeah! Ang saya lang talaga. Parang nailabas ko lahat ng sama ng loob ko dun sa kanta habang isinisigaw ko ang pagkanta.
Talon sa kama sabay higa nung napagod na kami. Pero nagtataka lang ako, bakit hindi ako inaatake ng asthma ko? Magaling na kaya ako? Out of nowhere bigla na lang akong nagtanong kay Allan kahit alam kong wala naman siyang maisasagot.
Pero Allan bakit...... bakit hindi ako inatake ng asthma ko eh napagod naman ako?
At sa hindi ko inaasahang pagkakataon bigla siyang sumagot.
Kasi Jiee masaya ka. Di ba may imbalance yung muscles mo sa heart? Aatakihin ka lang ng asthma if you feel so much pain and yun at the same time napapagod ka at nagagalit. Hindi kinakaya ng puso mo yung sobrang kalungkutan kaya minsan hinihimatay ka na lang.
Paano mo nala.....
Nalaman? Simple lang. Kinausap ko yung doctor mo para malaman ko. Tapos kinausap ko na din si lola Vien kaya nalaman ko din na may mga traumatic experience ka nung bata ka kasi nag-aaway parents mo lagi kaya naging ganyan kahina puso mo.
Hindi ako nakaimik ng ilang seconds. Grabe, ganon na ba talaga ka-caring si Allan para sa akin? Dati ang pagkakakilala ko sa kanya eh isang baklang obsessed sa mga babae, ngayon siya na yung pinka-lalaking taong nakilala ko.
Allan, bakit ganyan ka sa akin? Sobrang inaalala mo ako, sobrang inaalagaan mo yung mga nararamdaman ko kahit na kakakilala pa lang natin?
As promised Jiee, I will protect you and I will never let you fall again. But for me to do that eh syempre I must know your weaknesses. Para mahawakan kita ng mahigpit at di ka na mahulog.
I'm speechless. Isinandal ko na lang ung ulo ko sa shoulders niya habang nakahiga pa din kami sa bed ko.
Grabe, I never thought of having a friend like him. I am so blessed, I feel so much loved by a friend.
Si Neil, ni minsan hindi nagawang kausapin si lola Vien o ni isa sa mga personal doctor ko. All he know is may asthma ako at hindi niya alam ang gagawin kapag inaatake ako ng asthma kasi natataranta siya. Ni minsan hindi siya nagkusang alamin yung mga bagay bagay para malaman kung anong mga dapat gawin.
I admit, caring din naman si Neil pero hindi ko inakalang may mas caring pa sa kanya.
Hindi ko tuloy maiwasang pagkumparahin sila.
Yah! Ang bad kong best friend :(
Mga ilang minutes ding nagkaroon ng silence at ng matauhan eh niyaya ko na si Allan na bumaba.
Allan, tara sa baba. Nagugutom na ako eh.
Pagkatayo namin, agad kaming nakarinig ng mga kalabog sa baba kaya nagtatakbo kami kasi baka napano na si lola Vien.
Lola Vien! Anong nangyayari diyan? May holdapers ba ? Pababa na kami!!!!!!!!!
Sigaw ako ng sigaw habang nasa hagdan. Pagbaba namin sa sala nakita na lang namin si lola na nasa harap ng tv at naglalaro nung guitar hero ba yun ?
Haixt! Si lola talaga.
Lola naman eh! Pinakaba mo kami.
Yakap yakap ko na siya niyan. Nag-alala talaga ako. Akala ko kung ano ng nangyari sa kanya.
Hahaha! Ikaw naman apo. Mahal na mahal mo ako. Naglalaro lang ako oh.
Gaya gaya si lola Vien eh. hahaha!
Biglang asar ni Allan sa kanya.
Eh kasi naririnig ko kayong nagwawala sa taas edi nakigaya na din ako. RAK NA TO!
Naka-rock sign pa si lola niyan.
Lola talaga! hahaha. Sali mo naman kami ni Allan oh.
Sige ba! :)
Nagkantahan lang kami magdamag sa bahay. Wala din namang mga assignments kaya bonding time na muna kami.
Grabe ang wild ni lola. Si Allan naman todo lang ang pagpapasikat.
Talon dito, talon doon! Hahahaha. Ang saya saya. Close na close na si lola at si Allan.
Ito namang si lola may bago nanamang favorite. Sabi niya mas gusto na daw niya si Allan kesa kay Neil kasi si Neil hindi daw nakikipaglaro ng ganyan kay lola. Nahihiya daw palagi. Ewan ko ba kung anong kinakahiya nun eh lagi namang nandito nung highschool kami.
Pagsapit ng dinner, si lola na ang nagluto para sa amin. Nagkwentuhan kami habang kumakain at ang daming bilin ni lola kay Allan.
Bantayan daw ako, bigyan ng pulbo kapag nagpapawis na, painumin ng tubig, binigyan na din niya si Allan ng supply ng mga gamot ko kung sakaling atakihin ako ng asthma ko. Nakakahiya na nga eh. Ito namang Allan na to, gustong-gusto at feel na feel na siya ang tagapag-alaga ko.
Aixt! Naman eh. Di mas pagdududahan nilang may relasyon kami neto. At mas lalong dapat lagi akong nasa tabi nitong si Allan. Asarin nanaman kami nila Marvin.
Makakatanggi pa ba ako? Eh sa sobrang heavy ng kadramahan ko nun, ewan ko kung ano na mga nasabi ko kay Allan.
Pagkatapos ng dinner, nagpahinga lang saglit si Allan at umuwi na din. Hinatid namin siya ni lola sa gate. Tuwang-tuwa si lola at nagrequest na bumalik pa ulit si Allan dito.
Ang close talaga nila grabe! Sasamahan pa daw niya si lola na mamalengke at magshopping. Sabay daw silang bibili ng mga supplies dito sa bahay tulad ng napkin ko.
Abay! Ang gandang batukan ng Allan na yun. Hahaha!
Oh lola, Magpahinga ka na ha.
Oo apo, salamat ha! Pero teka, inlababo ka na ba kay Allan?
Lola!!!!!
Hahahaha. Sabi ko nga inaantok na ako. Goodnight apo :)
Sabay takbo na ni lola.
Saan nanaman kaya nakuha ni lola ung word na inlababo. Yan kasi eh, sinabi ng bawas-bawasan na niya ang pakikipagtext. Siguro kay Allan niya nakuha yun. Grabe talaga!
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Roman pour AdolescentsIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
