a/n: Grabe! Akala ko ang writer's block eh hindi makapag-updae ang author kasi may nagawang hindi maganda sa wattpad. Yun pala na-mental block lang.
Huehue! Currently experiencing writer's block :/
Mikko's pov
Marahil nagtataka kayo bakit biglang sumulpot ang bagong pangalan sa story na ito.
Kung natatandaan niyo yung special chapter tungkol kay Mhikayla eh ako yung pinag-uusapan nilang crush ni Mhikayla.
Paano ko nalaman?
Abay malay sa author neto! Tinopak topak nanaman. Kung ano ano pinagsasabi.
At sa wakas, nandito na ako sa University kung saan nag-aaral si Mhikayla. Transferee at medyo late na ang pagkakatransfer ko. Madami pa kasing inayos na mga papers eh.
Enough with that. So, maliban sa pag-aaral dito eh may gusto akong mangyari. Oh! Wag niyo akong unahan. Ako muna. Moment ko to :)
Well, gusto kong mag-sorry kay Mhikayla. Nalaman ko kasi na may sama ata siya ng loob sa akin and I want to clear things out. Hindi naging maganda ang pakikitungo ko kay Mhikayla dati.
Sa umpisa, mabait naman siya, pinapansin niya ako tapos nung farewell party pagkatapos ng graduation eh bigla na lang nagbago yung pakikitungo niya sa akin. Naging masungit, mataray, minsan binabasag niya ako sa chat. Ni hindi nga niya kinuha number ko eh. Ako lang ata ang hindi niya kinuhanan ng number. Nakakatampo man pero hinayaan ko na lang.
And to tell you frankly, ikakasal na kasi ako next next next next year and gusto kong imbitahin si Mhikayla.
Paano?
Arranged marriage ito pero mahal naman namin ang isa't isa ng fiance ko. At kahit hindi man ganoon kaganda ang friendship namin ni Mhikayla eh gusto ko nga siyang imbitahin dahil para sa akin she may not show that she's the best but I consider her as one of my best friend.
Ewan ko lang talaga kung bakit nag-iba ang pakikitungo niya sa akin. Ayoko namang hindi siya pumunta sa special na araw ko. Tsaka para maayos ko na din yung friendship namin. Para magkaintindihan na kami. Di ba? Agree or else.... Nothing :)
So, naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa room ko ng biglang nabunggo ako ng isang babae.
Sorry! Nagmamadali kasi talaga ako. Sorry talaga!
Halata ngang nagmamadali siya kasi hindi man lang niya ako tinignan. Nakatakbo na siya at hindi ko na alam kung saan siya nagtungo. Pagkaharap ko naiwan niya yung isang notebook niya sa sahig.
Pinulot ko na lang ito at dumiretso na sa room ko. Agad naman akong sinalubong ng mga kaklase ko. Ang warm ng welcome nila ha. Pero sorry taken na ako.
Ah hello new classmate! Teka, notebook ni Jiee yung hawak mo ah. Bakit nasa iyo yan?
Jiee? Siya ba yung friend ni Mhikayla na nakaka-chat ko?
Jiee De Verra ba? Nabunggo niya kasi ako kanina eh tapos nagmamadali siya kaya naiwan niya.
You know her? Ah sige! Ibigay mo na lang yan dun sa best friend niya. Ayun oh!
Sabay turo nila dun sa lalaking kumakain ng cookies sa likod. Nagkaroon din ng ilang mga bulungan tungkol kay Jiee.
Popular din pala si baby Jiee? Daming nakakakilala sa kanya noh! Pati bagong student kilala agad siya.
Maybe because of Allan.
Mabait kasi talaga.
Swerte ni Neil!
Hmmm...
Agad naman akong lumapit kay Neil at ibinigay yung notebook.
Lalaki ang best friend ni Jiee? Hindi kaya tomboy yun? Haixt! Hindi naman siguro. Maganda kaya siya. At tama sila mabait nga talaga.
Ah salamat new classmate!
Ah Neil right? Pwede ba kitang maka-usap sa labas?
Nagtataka kasi ako eh. Pumayag naman siyang makipag-usap.
Yung best friend mo ba na si Jiee eh kaibigan si Mhikayla?
Yup! Bakit mo natanong?
Hinahanap ko kasi si Mhikayla. Pwede bang makuha sa'yo ang number ni Jiee?
Nung una medyo nagtataka mga tingin niya pero binigay niya din naman ito.
Ah Neil, hindi sa nagmamayabang pero lagi mo sanang bantayan ang best friend mo. Kinakabahan lang ako. She's super mabait as they always say kaya protect her. You know you are very lucky to have her.
What do you mean?
Nung isang araw, na-ospital siya right?
How did you know?
Nakita ko siya nun na tumatakbo. Umiiyak pero ewan ko kung bakit. Hanggang sa bigla na lang siyang hinimatay kaya itinakbo ko siya sa clinic.....
-Flashback-
Hindi pa ito ang official na pagpasok ko kaya naglilibot muna ako sa school. Nakita ko ang oval at feeling ko maganda atang pumunta dun. Mahangin at konti ang tao. Parang wala nga ata eh. Puro puno at ang luwang. Mahangin pa.
Habang naglalakad ako, may isang babae na tumakbo sa gilid ko at rinig ko ang mga hikbi niya. Umiiyak siya na parang sobrang lungkot talaga niya kaya sinundan ko siya.
Pagkadating ko sa pinuntahan niya eh nakahiga na siya sa damuhan. Agad akong tumakbo para lapitan siya hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Kung hindi ako nagkakamali, siya si Jiee De Verra. Isa sa mga kaibigan ni Mhikayla. Minsan nakakachat ko siya at may pagka-pilya siya pero masaya naman siyang kausap.
Pero, hindi ito ang dapat kong isipin sa ngayon. Agad ko siyang binuhat at pinunta sa clinic. Agad naman siyang inasikaso ng mga nurse at sinugod na sa ospital.
So ngayon nakita ko na si Jiee. Kailangan ko na lang siyang makausap at makahingi ng tulong sa kanya para makausap ko si Mhikayla. Ayaw kasi talaga akong kausapin ng matino ni Mhikayla eh.
-end of flashback-
Salamat sa concern... uhmmm?
Mikko! Mikko Mallare.
Pumasok na din kami agad at nagsimula na ang discussion. Buti na lang late prof namin. Nagsimula na ang mga mahaba-habang discussions at masaya naman ang naging maghapon ko. Mababait ang mga kaklase ni Neil at sana makita at makausap ko na si Mhikayla.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
टीन फिक्शनIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
