chapter 80: Time Check

25 1 0
                                    

author's malanobela note: hello nanaman!(kulit mo utor!) medyo mapapadalas syempre ang author's note ko kasi mamimiss ko kayo. ang hirap pala sa feeling na mag-end ng story.(perstaym eh). yung feeling na parang na-attached na ako masyado sa story na ngayong nalalapit na ang ending eh parang pati ako malapit ng mag-end(chos!).

sorry po talaga sa napakabagal kong pag-uupdate. pero sana readers ko pa rin kayo 'till the end. ngayon pa lang super thanks na sa inyong lahat kasi kahit na katopakan ang story na eto dahil first time kong gagawa eh andyan kayo to support me! ITAYO ANG BANDERA NG MGA KALOG! hahaha! oh yan na! maghanda ng tissue baka mabrain bleed kayo sa kahuluhan ng chapter na to! :D Goodluck! hahaha! ^___________^ namiss ko kayo PWAMIS! :*




Allan's POV



Hahahaha! Sino ba kasing niloko ko di ba?

Time Check: 1am in the morning and still no sign of Jiee. So what now lover boy? I guess, you'll be with your new condo in the states for this coming semester.


Thank you pa din Lord, atleast masaya na ngayon si Jiee with the one she truelly loves. Sana lang kayanin kong wala ang presence niya dahil kung hindi ko kinaya baka, baka kidnappin ko siya at mabubulok ako sa bilangguan.


Kinuha ko na ang susi ng kotse ko at I went straight to the parking lot. Siguro sa bar na muna ako magpapalipas ng oras. Panandaliang amnesia ang kailangan ko. Teka lang, kelan ng aba ako last na pumuntang bar? Or should I say kelan ba ako nagstop pumunta ng bar?


Kelan? Hahaha! Simula nung hatakin ako ni Jiee sa ramyunan para matunghayan ang kadaramahan. Simula nun, lagi ko na siyang nakasama. Nawala lahat ng bigat sa loob ko ng dahan-dahan hanggang sa yun nga, nagging allergic na ako bigla sa mga bars. Narealize kong hindi naman pala mga bars ang makakatulong sa akin kasi double jeopardy ang dinaranas ko. Heart broken na nga, may headache pa. Si Jiee yung nagging antidote ko sa heartache samantalang yang alak nay an na akala ko antidote eh poison pala. Naalala ko yung story na Rappaccini's Daughter. Ang saya na eh, andun na yung lovestory kaso biglang namatay yung babae dahil dun sa lalaking mahal niya na para sa akin hindi nag-isip. Sa sobrang pagdududa yan tuloy, imbes na magamot eh nalason at napatay niya yung babaeng mahal niya.

Nubanamanyan! Ito pang isang dulot ni Jiee sa akin eh. Nahawa na ata ako sa kabaliwan ng babaeng yon. Paano ko pa siya makakalimutan kung nahawa na ako ng kabaliwan niya? Kung ibabase dun sa story, yung lalaki nahawaan ng poison,same here, nahawaan ako ng kabaliwan ng babaeng mahal ko. Siguro ganon lang talaga kapag lagi mong kasama ang isang tao, nahahawa o nagagaya ka na sa kanya pati nga itsura nakakahawa eh. Kaya lagi nilang sinasabi na yung magkamukha eh nagkakatuluyan. Pero para sa akin, nasasanay lang silang lagi kayong magkasama. Kaya nga Jiee, paano na lang kapag iniwan na kita? Sino ng magiging kamukha ko? Ayoko ng magkaroon ng kamukha. Gusto ko ikaw lang, para ikaw lang ang makatuluyan ko. Hindi na lang ako lalapit sa kung sinong mga babae dun sa states para hindi ko sila maging kamukha. Pero di ba? Magmomove-on na dapat ako? Kaya nga ako pupunta doon di ba? Pero on the other hand, may karapatan ba akong mag move-on, hindi naman nagging tayo eh.

Wala nga bang karapatang mag move on ang isang best friend na lihim na umiibig? Peste talaga. Ito yung sinasabi ng saying na, "sa boy and girl friendship, isa dun ang lihim na umiibig." At ako yun! Inaamin kong ako yun. Binulgar ko na nga para maiba naman yung saying kaso nyemas! Walang epek! Lihim na lang ata akong iibig forever kay Jiee. Oo forever dahil ayokong magmove-on. Kasi nga Allan, hindi ka naman dapat magmove-on. Hindi nga nagging kayo! AARRRGGGH! Ang sakit talaga mabrokenheart. Gusto kong umiyak! Magwala! Manapak! Pero hindi ko magawa kasi hindi nagging harsh si Jiee sa akin. Well, ako namang may gusto nito eh. Panindigan mo yan Allan!

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon