chapter 57: Wrong idea

38 1 1
                                    

Jiee's pov

Mabilis lumipas ang mga araw katulad ng dati. Lahat ng mga students sa loob ng exam week na ito eh wala ng ibang hinawakan kundi ang mga libro at notes nila. Naging busy pa kami sa nagdaang mga araw at sa loob ng isang linggo hindi ko man lang nakausap si Neil. Parang bigla siyang nawala. Ilang ulit ko siyang tinext pero ni isa sa mga text ko eh hindi niya nireplyan.

Ganito na lang ba lagi, may araw na makakasama ko siya magdamag tapos kasunod nun eh biglaang pagakawala niya? Paano na lang kung hindi na siya bumalik? Paano na ako? Nasa iisang school na nga lang kami kaso parang 10 school ang pagitan namin. Nagsisimula nanaman akong maparanoid. T___T

Itigil mo na ito Jiee! Akala ko ba sanay ka na? Akala ko ba magmomove-on ka nanaman? Kaya hayaan mo na siya. OO, nagsisimula nanaman akong magmove-on para sa kanya kasi ayoko ng pairalin pa itong nalilito kong puso. Dahil baka masaktan nanaman ako. Ewan ko ba, bakit bigla nanaman kasi akong umasa.

Ngayon ang last day ng exam. Next week namin malalaman ang results pero ngayong araw ang dapat na plano namin ni Mikko para makuha si Mhikayla. Sana hindi ito pumalpak. Ano naman kayang magiging resulta nito? Kinakabahan na ako.

Nasa canteen kami ngayon. Hindi pa kami umuuwi kasi hinihintay namin si Marvin na nasa guidance office. May inaayos na mga papers para sa magiging pakulo ng room namin sa christmas week ng school kung saan ang 5th floor also known as the free floor ng school namin ay tatayuan ng napakadaming booth sa loob hanggang labas na hallway. Tapos sa mismong oval o field ng school eh magkakaroon ng carnival setting para sa main event ng program na ito. Lahat ng students ng school eh pupunta dun sa last day bago ang christmas break at magpaparty party. Open ang carnival na yun hanggang matapos ang program. Pagsapit ng midnight eh magkakaroon ng engrandeng fireworks display at hihinto ang ferris wheel ng 5 minutes. Ang paniniwala daw kasi nila, kung sino yung mga taong nasa ferris wheel kapag nahinto ito eh may possibility na magkatuluyan pero hindi unahan ang pagpasok dun kasi every year eh may mga napili ng tao para sumakay sa loob ng ferris wheel. Through votation daw. Kaya may voting area ngayon dun sa itaas. Tapos na kaming magvote.Kahit sinong kilala mo sa school pwede mong ivote. Lahat ng tao eh naka-mask pero alam na ng committee kung sino yung mga nanalo kasi sila ang magbibilang ng votes kaya 2 weeks before the event pa lang eh sinusubaybayan na nila ang mga ito para malaman kung paano sila kikidnappin sa araw ng program at maisasakay sa ferris wheel. Kaya wag ka ng magtataka kung may bigla daw hihila sa iyo at ipapasok ka dun. Tapos yun tatangalin mo ang mask niyo pag nagsimula na ang fireworks display. Dun mo na malalaman ang kapalaran mo. Ganito pala kasaya ang christmas party ng school na ito. As in buong school eh nagpaparty party ng sama-sama. Para bang advance christmas celebration. Eh isa si Marvin sa mga nag-aayos nung program kaya nandun siya ngayon. Nakaka-excite noh!

Umalis ako saglit at pumuntang comfort room. Pagkabalik ko si Mhikayla hawak ang phone ko at parang hindi maipinta ang mukha niya. Bumalik ako sa kinauupuan ko pero bigla na lang niya akong sinigawan.

Since when Jiee? Since when? I thought friend kita pero mang-aagaw ka Jiee!!!! Bakit hindi mo sinabing nandito si Mikko? Dahil ba inlove ka na sa kanya?!!!!! Akala ko mapagkakatiwalaan ka!

Hindi na ako nakaimik pa. Lahat kami nagulat. Para akong sinampal sa lahat ng sinabi niya. Hindi! Mali ang iniisip mo Mhikayla. Please makinig ka muna sa akin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang tumigil ang mundo ko ng ilang minuto.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon