Jiee's pov
Good morning Philippines! Ang ganda talagang mamuhay dito. Hindi ko na nga naisip pang bumalik sa ibang bansa kasama nila Mom and Dad. Sana lang talaga hindi dumating 'yung time na bigla na lang nila akong kunin. Sa ngayon, sabi ni Lola mas nagkakaayos na sila. Kaya natatakot akong one day, sa sobrang kagustuhan nilang magkaayos ay kunin na nila ako. Hindi ko kayang iwanan ang naging buhay ko dito. Matagal ko na ngang hinihingi na magkaayos sila pero ngayon, may sarili na akong nagawang buhay. Okay lang na magkaayos sila, sana nga magtuloy tuloy na, huwag lang nilang hilinging bumalik ako sa palasyong iniwan ko noon dahil masaya na ako sa kung anong palasyo ko sa ngayon.
Kasi kahit naman masaklap 'yung naging high school life ko eh kahit naman papano may mga mas magagandang bagay pa rin namang nangyari. Tsaka kahit papano eh naging masaya ako na nakabilang ako sa mga iba't ibang org ng school na hindi ko naranasan noon kasi laging required ang parents. Mas naeenjoy ko nang pumasok dahil hindi na palaging dapat nandiyan ang mga parents mo sa tabi mo. Tapos ngayong college, kahit papano, mas kinakaya ko na dahil may mga nakakasama na ako sa araw-araw. Improving talaga ang buhay ko kahit medyo slow nga lang ito.Think positive! Always be positive! Punuin ang buhay ng positivity! Kaya mo yan Jiee! Huwag puro Neil ang nasa isip ha? Magtigil ka diyan sa ginagawa mong mga kalandian. Jusme!
Ano bang ginagawa ko ngayon?
Alam kong hindi niyo naman tinatanong pero gusto ko lang sabihing naglalakad ako sa hallway nang napakaganda naming school! Sobrang naaapreciate ko talaga ang structure ng building namin. Parang araw araw, nasa isang mamahaling hotel ako. At mas maliwanag na ngayon kasi maganda ang panahon, hindi katulad nung tinakot ako ni Allyssa na makulimlim kaya ang dilim nung hallway ng mga oras na 'yon at malamig pa. Modeling! Pak! Hahaha! Nakakahawa talaga si Allyssa. Kahit hindi ko siya physically na kasama, feel na feel ko pa din ang aura niya. Lakas kasi talagang makaeksena nun.
Mga ilang rooms na lang ang lalampasan ko nang biglang nagtilian 'yung mga tao sa paligid ko kaya napahinto ako. May hinimatay pa nga dun sa isang gilid eh. Tapos 'yung mga lalaking ang yabang na naglalakad kanina na makakasalubong ko sana eh biglang nagtakbuhan.
Anong kababalaghang nangyayari sa ngayon? Ang ganda pa naman nang pasok ko. Ito na ang pangalawang beses na may sumisira sa moment ko sa hallway na ito. Hindi na ako nakapaglakad ng payapa dito ah.
Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko. Feeling ko tuloy parang nasa isang horror movie ako kasi ang gloomy bigla ng paligid tapos puro nakakarinding tili mga naririnig ko. Pang horror mga tili nila. Nakakadugo ng tenga!
Lakad....
Lakad....
Lakad....
Waaah! Ano ba yan? Hindi ako mapakali ang ingay! Lumingon ako sa likod ko baka sakaling makita ko 'yung tinitilian nila at baka may artista pa lang naglalakad sa likod ko ngayon pero wala naman akong kasunod na naglalakad pagkalingon ko.
Lakad na ulit....
Matatapos din ito Jiee. Makakarating ka rin sa room mo ng buo pa naman ang pagkatao. Relax! Isipin mo kumakanta si Mariah Carey kaya may mga ganyang tilian moments.
"Ay palakang bullfrog!" Bigla ba naman kasing may nahimatay ulit na babae saktong pagharap ko. Bago pa ako tuluyang tumakbo ay minsan pa akong lumingon muli para tignan kung ano ba talagang kababalaghan ang nangyayari sa likod ko o baka naman kasi ako talaga 'yung may problema dito kaya lang pagkaharap ko...
"Waaaaah!" Isang lalaki ngayon ang nasa mismong harapan ko. Bigla na lang nanlambot ang mga tuhod ko at babagsak na sana ako. Alam niyo 'yung feeling na isang super as in super gwapong lalaki eh muntik ko nang mahalikan dahil sa sobrang lapit ng mukha niya saktong pagkalingon ko kaya napaatras ako at matutumba na sana dahil biglang nagkabuhol ang mga paa ko pero buti na lang nasalo niya ako. Ang awkward ng posisyon namin sa ngayon. Lintik!
Mga ilang minuto din kaming napahinto. Ewan ko rin pero parang natulala yata itong lalaking ito. Hindi ba dapat ako 'yung matulala sa kagwapuhan niya? Teka, tumigil ba ang mundo? Bakit parang feeling ko may pumindot ng freeze button? Baka nagulat din siya dahil muntik ko na siyang maha...
Ahhh! Ano ba 'yan. Huwag na huwag mong itutuloy Monique! Nakakahiya! Agaw-eksena pero hindi ko muna maisip 'yun ngayon kasi nagtataka ako kung bakit nakangiti nang sobra ngayon itong lalaking ito sa akin eh hindi ko naman siya kilala.
"Nananaginip ba ako?" Bigla ko na lang nasabi habang nagkakatitigan pa rin kaming dalawa at nasa awkward na posisyon na ito. Dahan-dahan niyang iniangat ang isang palad niya at itinapik sa noo ko.
*PAK!*
Aba! Aba! Feeling close itong lalaking ito ah! Kahit gwapo ka hindi ako magpapa-torture sa'yo. Tinanong ko nang maayos tapos bigla ba namang tinampal ang noo ko. Agad kong itinayo nang maayos ang sarili ko. Ayoko nang maka-agaw nang pansin dito. Labis na itong kahihiyan.
"Hoy! Ikaw mister nantatapik ng noo na feeling close at bastos, sa susunod na gagawa ka ng eksena dito sa daan, 'wag kang nandadamay. Nang dahil sa'yo basag na itong mga eardrums ko at..." Hindi ko na natapos 'yung sasabihin ko dahil agad na niya akong hinila palayo.
"Ang ingay mo talaga." Biglang saad niya habang kinakaladkad niya pa rin ako. Che! Wala kang pakialam kung maingay ako dahil hindi ko rin naman pinapakialaman 'yung pagiging agaw eksena mo. Para kang si Allyssa na ang lakas makaeksena sa daan. Haaay ano bang nangyayari ngayong araw? Sira na nga ang araw ko, inilayo pa niya ako sa pangarap ko. Late na nga ako, magiging absent pa. First subject, absent kaagad. Hinidi magandang gawain ito ng isang matinong estudyante alam mo ba 'yun Mr. Feeling Close? Malamang hindi dahil pati ako idinadawit mo sa pag-aabsent mo kung dito ka rin nag-aaral.
Allyssa save me please! Dapat si Allyssa na lang kasi 'yung kinakaladkad niya baka gustong gusto pa nung baklang iyon sa gwapo ng lalaking ito. Okay na eh! Gwapo na kaso bastos naman!
Wait a minute? Bakit hinahayaan ko rin naman ang sarili kong magpahila na lang sa lalaking ito? Hindi ba dapat lumalaban ako? Hindi ba dapat nagwawala ako para makatakas sa lalaking ito?
Natauhan ako nang bigla na lang niya akong pinaupo dun sa isang bench. Nandito kami sa mini park ng school namin ngayon at ngayon ko lang napansing dito pala niya ako dinala. Hala kakahuyan pa man din dito tapos bihira ang mga tao. Sa totoo lang, wala talagang tao dito ngayon.
*Gulp* Unti-unti na akong nakakaramdam ng takot at kaba sa nangyayari sa aming dalawa ng lalaking ito. Kanina pa niya ako tinititigan kaso hindi ko mabasa kung ano talaga 'yung mga gustong sabihin ng mga mata niya.
Nasaan na ba kasi si Allyssa? Bakit ngayon pa siya nawala? Lately nagiging caring sa akin ang baklang iyon at kung andito siya, hindi niya hahayaang kinakaladkad lang ako dahil magvovolunteer pa siyang magpakaladkad sa lalaking ito. Kaso wala nga si Allyssa dito ngayon. Hindi ko naman makuha ang phone ko dahil hindi ako makagalaw sa takot. Para akong nabato sa kinauupuan ko ngayon at napaparanoid na ako. Kanina ang tapang tapang ko pero ngayon para akong kinukulong sa isang madilim na kwarto. Paano na lang kung may masama pa lang balak ang isang ito sa akin dahil sa kakahuyan pa niya ako dinala 'di ba? Unti-unti ko nang nararamdamang nanlalamig na ang mga palad ko, umiinit na ang gilid ng mga mata ko hanggang sa hindi ko na talaga napigilan ang emosyon ko at unti-unti nang nagbagsakang ang mga luha ko.
"Allan...*sniff* Allan...*sniff*Allan...*sniff*"

BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Teen FictionIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...