chapter 10: Jiee De Verra

89 4 0
                                    

Author's Note: Pasensya na. Gusto ko talagang may introduce yourself para mafeel niyo lalo yung essence nang pagiging freshmen sa college. Kasi hindi katulad noon, mas matanong na ang mga instructors at professors at hindi na tulad noon na name, age at address lang ang alam niyong isagot. Di ba?

Jiee's pov

Nabalitaan ko, nagpapakwento raw si author ha! Magpapahuli ba naman ako? Ako kayang nauna or may mas nauna na sa akin? At sino naman kaya yung ibang nagiging Lola Basyang dito? Ang saya naman nito! College life it is!

Ako nga pala si Jiee De Verra! Oha! Ang gara ng name ko noh? Wag kayo, nawawalang prinsesa ang kausap niyo. Totoo po lahat ng sinasabi ko. Magiging medyo taliwas man ang ikinikilos sa mga matutuklasan niyo, iyon ay dahil madami akong dapat itago sa ibang tao para lamang sa katiwasayan ng buhay ko. Kaya please lang, secret lang natin ito ha?

Gora na! Eeeeh! Ano ba naman yan, nagiging Allyssa nanaman ako...

Ako ay anak ng hari at reyna sa states na laging nag-aaway at nakatira ako ngayon dito sa Pilipinas bilang isang ordinaryong nilalang. Nagtataka ba kayo kung meron bang hari at reyna sa states? Oo meron, yun nga ay ang mga magulang ko. Si Mom ang Mother Nature at si Dad naman ang Father Earth nang naglalakihang fashion businesses sa states at ako ang kanilang nagiisang prinsesa.

Pero sa kasamaang palad para sa kanila at kabutihang palad naman sa akin ay kailangan kong mamuhay dito sa Pilipinas kasama ang aking napakabait na granny na si Lola Vien. Kailangan kong iwanan ang buhay prinsesa at mamuhay bilang isang normal na bata dahil sa kagustuhan ko at kailangan ng puso ko. Never kong ikinalungkot na iwanan ang marangyang buhay ko dahil susuportahan naman ako nila Mom at Dad, mamumuhay prinsesa pa rin ako sa Pinas kasama si Lola pero ayokong maging prinsesa kaya kahit na umaapaw ang pera sa bangko ko ay namumuhay ordinaryong tao pa rin ako.

Enough with that boring part! Sabi ko nga, I have a guy best friend since second year high school ako and he's been my everything for the past years.

Kilala siya ni Lola Vien at nagkakasundo naman silang dalawa. Sa tagal ko ba namang kasama yung Neil na yun. Nung una akala ni lola eh boyfriend ko yan. Muntik pa akong isumbong kina Mom at Dad pero nang-aasar lang pala si Lola. Yes, I do have communication pa din naman with my parents kasi minomonitor pa rin nila ako lalo pa at malayo ako sa kanila.

And now you're witnessing how crazy I am and how silent my pretentious life is. Marami na akong pinagdaanang heartaches hindi dahil sa love kundi dahil sa situation ng parents ko at dahil sa mismong kalagayan ko.

And that's the main reason kung bakit ako nandito sa pinas. Actually my parents are not in good terms and this is getting into my system kaya ginusto ko talagang malayo sa kanilang dalawa and napilitan na rin si Lola na kunin ako dahil awang awa na siya sa kalagayan ko. Despite the fact na I'm a princess in other people's eyes, in my own eyes, I am definitely not one . A princess has a perfect life because she gets everything that she wants but I am that kind of a princess na isa lang naman ang gusto pero hindi ko pa makuha. Gusto ko ng isang perpektong pamilya but unfortunately, I don't and I think would never have one.

My parents are really two opposite worlds kaya naman madalas silang hindi magkasundo sa mga bagay bagay. They would even fight for just a simple matter and then several arguments will come ahead later. Ilang beses na nilang inattempt na maghiwalay pero inaalala pa din nila ang kalagayan ko or I can just say na siguro naaawa lang sila sa kalagayan ko.

Kaya nila ginustong ipunta ako dito kasi masyado nang naaapektuhan ang studies ko maging ang physical and emotional health ko. Isa na rin naman ito sa bagay na hiniling ni Lola sa kanila at ginusto ko.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon