chapter 40: Pain go away

53 3 0
                                    

Neil's pov

Matapos akong tawagan ni Lola Vien  eh dumiretso na muna ako sa bahay nila Jiee para kunin ang gamit niya. Gusto ko ako ang mag-alaga sa kanya ngayon. Kailangan kong bumawi sa best friend ko. Baka kasi mas makasama pa sa loob niya kung balewalain ko siya. At gusto ko talagang makita na siya at magkaroon ng oras para magkasama kaming dalawa. Kailangan ako ng best friend ko.

Kinausap ko si Lola Vien at pumayag naman siya. Hindi na din naman niya kakayanin na bantayan pa si Jiee sa ospital kasi napagod din siya sa araw na ito.

Pagkarating sa ospital, agad akong dumiretso sa kwarto ni Jiee. Nasa harap pa lang ako ng pinto ng marinig ko ang mga tawanan nila. Ang saya nilang pakinggan. Tunay ngang mabilis napalapit ang loob nila kay Jiee at ganon din si Jiee sa kanila. Maalalahanin silang mga kaibigan. Pero medyo nahihiya ako sa sarili ko kasi ako yung best friend tapos ako pa ngayon itong late.

Kumatok ako sa pinto at agad naman itong binuksan ni Allan. Lalaki na nga talaga siya. Sa kilos at salita. Sinabi ko sa kanya na ako na muna ang bahala kay Jiee. Hindi naman na siya tumanggi at sinabing bantayan kong mabuti si Jiee.

Nagpaalam din sila agad kaya agad ko na munang inayos ang mga dala kong gamit ni Jiee.

Walang umiimik sa aming dalawa. Nakasimangot siya pero hindi ko alam kung ako ba ang dahilan o yung sakit niya.

Pero feeling ko nagtatampo siya sa akin.

Sana pala lagi akong nagkakasakit para lagi kitang nakikita. Hahaha!

Tumatawa siya pero halata sa mga tawa niyang may lungkot siyang nararamdaman.

Wag mo ngang sabihin yan best! Ayokong nagkakasakit ka. Ayokong napapahamak ka.

Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. May mga luhang bumabagsak sa mga mata niya. 

Bakit? Anong problema? Ang lungkot niya talaga.

Best? May nagawa nanaman ba akong mali? Bakit ka umiiyak?

Best kasi eh! *sniff* Tagal mo kayang hindi nagpakita. Nahihiya naman akong kulitin ka kasi sabi mo busy ka. *sniff* Ni hindi mo na nga ako niyayayang sumabay sa'yo para pumasok eh. Ayaw mo na ba akong maging best friend?

Awww! Para akong sinaksak at sinampal sa sinabi niya.

Best! Hindi sa ganon. Ano ka ba? Tahan na. Andito na ako. Akong mag-aalaga sa'yo. Sorry! Wag ka ng umiyak. May dala akong pie. Smile ka na. Sige ka, tatawagin ko yung mumu.

Best naman eh!

Agad naman siyang tumingin sa akin at ngumiti. Sana lagi siyang ganyan. Ang sayang tignan ng mga ngiti niya. Hindi sa pagiging selfish pero sana ako na lang lagi ang maging dahilan ng mga ngiti niya. Pero alam ko namang hindi pwede iyon. 

Pinakuha ko din sa kwarto niya yung teddy bear na binigay ko sa kanya nung 13th b-day niya. Hindi kasi yan makakatulog ng maayos lalo na kapag nasa ospital kami at wala yung teddy bear niyang yun.

Matapos kumain ng dinner, pinainom ko siya ng gamot at inayos na ang tulugan niya. Nilagay ko na din sa tabi niya yung teddy bear na agad naman niya niyakap.

Hinahaplos-haplos ko lang ang buhok niya na parang bata habang nakaupo sa tabi ng kama niya. Kinakantahan ko din siya ng mahina lang. Para talaga siyang bata. Maya-maya hindi na siya nagsasalita. Siguro nakatulog na siya.

Goodnight best! Hindi kita makakalaro ngayon kasi may sakit ka eh. Magkita na lang tayo sa dreamland. I love you best! Wag mo sanang kalimutan yan.

Hindi ko masabi sa'yo lahat ng mga nangyari sa akin ngayong araw para medyo mawala ang mga bigat sa loob ko pero ngayon masaya ako kasi nandito ka na sa tabi ko. Salamat Jiee kasi yung napaka-effortless mong presence eh sobrang laking bagay na para mafeel kong maging masaya at kalimutan lahat ng mga nagpapagulo sa akin. Medyo hindi man maayos ang mga nangyayari ngayon eh sana mabigyang linaw din lahat ng ito sa mga darating na araw. Yung akala kong makakakuha na ako ng sagot eh hindi pa pala. Mas lumala. Mas naging magulo.

Patuloy ko lang na hinahaplos ang buhok niya hanggang sa makatulog na din ako.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon