Chapter 10.1: Neil Salvador

91 3 0
                                    

Neil's Pov

So hello! Neil Salvador here speaking. Syempre best friend ni Jiee. Hmmm...Paano ko ba ito sisimulan? Sabay kamot sa ulo ko habang tinitignan ang kisame ng kwarto ko. Hahaha! Parang pagpapakilala lang kapag first day sa class ah. Si author kasi, sabi niya kwentuhan ko raw muna kayo. Mukhang busy ata siya sa totoong buhay niya sa ngayon. So here goes nothing.

Batang states ako pero laking pinas. Kasi naman sabi nila Paps at Mom mas okay daw kung dito ako lalaki sa pinas. Mas magiging okay daw ang buhay ko dito kesa doon. Tsaka kailangan kong dito muna kasi busy sila sa company namin dun na ililipat daw nila dito sa pinas kapag naayos na ang dapat ayusin. So basically, nauna lang talaga akong pumunta dito tapos susunod rin sila.Wag na daw akong makialam dun. Mind my own business daw. Sus! Sila lang may business, ako wala.

Madalas akong tambay sa school playground nung bata ako noong nasa states pa lang ako. Dahil sa busy palagi ang mga magulang ko, bata pa lang nag-iisa na talaga ako. Kung kanikanino ako nakikisama para lang mabawasan ang pagiisip ko sa mga wala sa buhay ko. At sa school playground ako palaging nakakahanap ng kalaro. Maliban sa isang batang lagi kong nakikitang nag-iisa na taliwas sa dami ng kasama ko.

At sa araw-araw kong pagtambay dun, araw-araw ko ring nakikita yung batang babae na yun na walang ginawa kundi ang umiyak. Parang pasan niya nga lahat ng problema sa mundo. Kung ako araw araw tumatawa, siya naman araw araw umiiyak. Hindi kaya siya nauubusan ng tubig sa katawan niya? Sabi sa akin ni Paps, hindi raw magadang lagi akong umiiyak dahil baka matuyo ako. Magiging kamukha ko raw yung dried leaves na nakikita ko palagi sa daan.

Ilang beses ko na siyang gustong lapitan pero nahihiya ako at natatakot. Kasi laging nakabantay sa kanya yung mga lalaking nakaputi at ang lalaki ng katawan. Akala ko nga nun anak siya ng Presidente sa states kaya may mga ganong bantay siya kasi iyon ang nakikita ko sa T.V. pero hindi naman pala. Nakikita ko din siyang mag-isang kumakain ng lunch. Ano yun? Wala man lang ba siyang kaibigan? Pati parents niya hindi ko man lang nakitang pumunta sa school na gaya ko. Puro yaya at body guards. Medyo cool pero ang pangit din. Hindi ko din siya nakikitang umattend ng family day. Curious ako masyado sa kanya pero wala naman akong magawa kundi titigan lang siya.

Hanggang sa isang gabi, lumabas ako ng bahay at gumala. Hahaha! Oo, batang gala talaga ako. Wala din namang pakialam sa akin parents ko dahil magdamag silang nasa office. Mismong sa bahay nga namin, office ang tawag nila sa kwarto nila.

Maya-maya may biglang tumakbong babae sa harapan ko at dumiretso sa park. Hinabol ko siya at rinig na rinig ko ang paghikbi niya. Gabing gabi na pero ang lakas ng loob niyang lumabas. Kasing laki ko lang siya at parang kilala ko ata siya. Parang nakita ko na siya dati.

Tumigil siya sa harap ng fountain saka naglupasay at mas lumakas ang pag-iyak niya. Nilapitan ko pa siya at sinasabi ko na nga ba, siya yung batang babaeng laging umiiyak sa school playground. Pati ba naman dito sa park, iiyakan niya?

Hindi ko alam pero palapit na pala ako nang palapit sa kanya hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya na agad naman niyang kinagulat pero hindi niya naman ako tinulak palayo. Iyak lang talaga siya ng iyak.

"Alam mo ang pangit mo pero crush kita." Ano ba naman ito. Kung ano anong lumalabas sa bibig ko.

"Ha? Pa-*sniff* Pangit ako? Huwaaah!" Oo,pangit ka talaga kapag umiiyak ka kaya sana naman ngumiti ka na oh. Hindi ko alam kung anong magpapangiti sa'yo ngayon pero sana naman kahit konting ngiti lang.

"Oo pangit ka. Pero kahit na. Crush pa rin kita." Oo, matagal ko na siyang crush. Akala ko noon natutuwa lang ako kapag nakikita ko siya pero kahit na ganito ako kabata, alam kong crush ko siya. Nararamdaman kong crush ko siya.

"Kung pangit ako, bakit crush mo pa din ako?" Humiwalay na siya sa pagkakayakap ko at pinampunas ang damit niya sa buong mukha niya. Basang basa na kasi talaga ng mga luha niya.

":Kasi maganda ka." Ooopss! What a lame answer Neil! Hahaha! Kulang na kulang sa sweet cells! Nagtaka siya nung una pero bigla na lang siyang ngumiti. Ang cute niya pala kapag nakangiti. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito. Ang saya palang makapag-pangiti ng tao.

Lumalalim na ang gabi kaya inihatid ko na siya. Baka mapano pa siya sa daan eh. Hindi ko kayang mapano itong crush ko. Kahit na bata pa ako, gagawin kong lahat para lang ipagtanggol siya. Ayoko nang makitang umiiyak ulit siya kahit na hindi ko naman talaga alam ang mga dahilan niya.

Superman ata toh! Dagdag mo pa si Spiderman, Batman at lahat ng man! MAPA-GENTLE MAN PA YAN! Sama-sama! Sanib pwersa!

Ay ano ba yan? Nasobrahan ko nanaman ang panonood ng cartoons. Nagpaalam na ako sa kanya at yun na din ang huling araw na makikita ko siya kasi pagkauwi ko sa bahay nadatnan ko si Mom sa living room na masama ang tingin sa akin sabay sabing, "You are going to the Philippines tomorrow so pack your things."

Wala na nga akong nagawa kundi umakyat ng kwarto ko at gawin ang inuutos ni Mom. Nakakaasar talaga. Kung ituring nila ako, para akong hindi bata. Laging sinasabi ni Paps sa akin na you are not a kid anymore, so be a man. Kaya nga pati cartoons minsan pinagbabawal pa nila sa akin at kung ano anong sandamakmak na libro ang pinapabasa nila.

Hindi ako nagenjoy nung childhood days ko pero ang magkaroon ng chance para makausap ang crush ko ang isa sa pinakamasayang alaala ko noong bata pa ako. Ni hindi ko man lang alam ang pangalan niya pero ok lang. Magkikita din kami niyan. Ako ata ang Superman, Spiderman, at batman niya. Sana lang bigyan pa ako ng chance para magkita kami ulit nung batang iyon.

That's my puppy love, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga siya makalimutan. Nagkita na kaya kami pero hindi ko lang alam? Nakausap ko na kaya siya ulit? Nahawakan ko na kaya ang kamay niya sa dami ng babaeng isinayaw ko noong prom? Sino kaya kasi talaga ang batang babaeng iyon...


Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon