chapter 55: T/issue

44 2 1
                                    

Jiee's pov

Bababa-babanana ! Bababa-babanana banana aaahhhhhh! Potato naaaaaa!!!!!!!! Bananaaaaaa!

Uggh! Stop you freaking alarm clock. Sabay hagis ko ng unan sa kanya kaya huminto na siya sa pagkanta. Lumalabas nanaman ang pagiging war freak side ko.

sarey!

Before I forgot. Kailangan ko na nga pala talagang magising. Susunduin ko pa si Allan ngayon. Tsaka baka dumating na si Manong Bernard.

Ahy hindi ko pala personal driver si Manong Bernard. PD siya ni Allan. Susunduin niya ako dito sa bahay kasi mas malapit kami sa tinitirahan nila tapos pupuntahan namin si Allan. Meron kasing isa pang kotse si Allan na pwedeng iuwi ni Manong Bernard. Parang sa kanya na nga eh. Kung emergency eh saka lang namin siya tinatawag para ihatid o sunduin kahit sino sa amin.

Ang bongga noh! Parang amo na din niya ako. Kyaaaah! Kahit ano pang pilit kong mabuhay ng simple  meron at meron pa din talagang nakakakilala sa totoong identity ko. Hindi nga ito alam ni Angel eh. Hay nako! Taob yun pag nalaman niya. Pero wala naman akong balak pataubin yung kompanya nila. Baka isumpa niya ako forever.

Matapos maligo,magbihis,kumain,mag-ayos at kung ano ano pa eh may narinig na akong busina sa labas kaya nagpaalam na ako kay Lola Vien.

Bye bye na bahay ko! Haaay maghapong school nanaman ang buhay namin ngayong week. Bitin talaga ang weekend. Pero bawing-bawi naman ito ng "friendly date" namin ni Allan na na-extend pa sa caregiving segment. Hahaha!

Hindi ko naman alam na mahina din pala resistensya ni Allan sa lamig. Hohoho!

Don't worry hindi ko po ipagpapalit si Neil kahit na may new found best friend na ako. Ang saya nga kasi kahit na masyado ng intense yung moment nun eh pwedeng pwede ko lang itong ibuhos lahat kay Allan ng hindi nahihiya sa kanya.

Enough na sa drama! Sunduin na natin si Allan!!!!!!

aaaaah aaahhh HACHUUU!!!

Pisinsya na *sniff* sinisipon pa din kasi ako. :)

Ah ma'am Jiee, andito na po tayo. Mukhang masaya tayo ngayon ah. Inlove na po ba kay Sir?

Hahahaha! Kayo talaga Manong Bernard. Sige po pahintay na lang kami ni Allan. Salamat po :)

Tumakbo na ako papasok para sunduin na si Allan. Hahaha! Ang saya saya naman nito. First time kong magsusundo ng tao. Well hindi naman ako nagsusundo ng hayop.  Ganito pala feeling. Uhmmm, masaya!

Tok tok tok! I will come in na!

Sabay bukas ko na ng pinto.

You're 5 minutes late!

Grabe ah! Oh siya halika na garod aking alaga at baka malate pa tayo.

Agad naman siyang tumayo at inakbayan ako ng napakabigat niyang braso. Oo na! Ikaw na may muscles! Mabigat! Mabigat!

Hachuuuu! *sniff*

Hahahaha! Ano ba yan. Sabay pa tayo pati sa pag-haching.

Hahaha! Alam na. Sinisipon din itong si Allan.

Manong Bernard ang ngiti masyadong malapad. Baka mapunit labi niyo.

Hahaha! Kayo talaga Ma'am Jiee. Masaya lang din po.

Hey! Ano yang pinag-uusapan niyo. Hindi ako makarelate.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon