Neil's pov
*tweeet* *tweet* *tweeeet*
Haaaa!! Umaga na naman pala. Nakatulog nanaman ako sa kwarto ni Jiee. Sana naman walang makaalam na binubulabog ko itong bahay nila. Trespassing ginagawa ko dito eh.
Madalas dito na ako tumatambay sa bahay nila kahit wala namang tao. Hindi ako mawawalan ng pag-asa na isang araw babalik din siya. Makakausap ko siya at makakapagpaliwanag sa kanya.
2 months na lang, christmas nanaman. Naipon na sa bahay yung mga regalo ko para kay Jiee. Every month, simula nung nalaman kong nawala siya eh binibilhan ko siya ng regalo. Iba't-ibang teddy bear. Kasi gusto kong mapasaya siya pagbalik niya.
Teka, nagulo ko ata ang kwarto niya. Umuwi ako saglit para kunin ang 10 teddy bear na nabili ko. Nag-ayos na din ako ng sarili. Bumalik ako sa kwarto ni Jiee at inayos ko ito.
Tama! Kailangan pagbalik niya maging maayos to. Nilabhan ko na din si Jiee yung teddy bear niya. Kawawa na kasi eh, napapagod na din to.
Maghapon, kausap ko lang eh yung mga teddy bear na nabili ko. Lagi akong naghahanap ng mga teddy bear na malalaki. Gustong-gusto to ni Jiee. Pagbalik niya, makikita niya ang mga ito kasama ako. Sasalubungin namin siya ng napakalaking mga ngiti. Hindi na ako makapag-antay.
Ang bigat sa loob na araw-araw wala akong magawa kundi antayin lang na bumalik siya kasi ni isang balita talagang wala kaming makuha sa kanya.
Araw-araw pagsisisihan ko ang ginawa ko sa kanya. At sa pagbalik niya, gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanya.
Lumipas pa ang mga araw, minsan sinusubukan kong lapitan sina Mikko pero agad silang iiwas. Hindi ko sila makausap at matanong baka may balita na kay Jiee.
Araw-araw pa din akong nag-aantay sa tapat ng gate. Mas bumilis pa ang mga araw.
11 months to be exact. Wala pa din si Jiee. Pauwi ako ngayon sa bahay nila dala-dala ang isang bagong bili kong teddy bear. Color blue siya napakalambot niya. Dumayo pa ako sa mall ng kabilang bayan para bilhin to.
Ngayon may sarili na akong kotse kaya madali na lang sa akin na makapunta-punta sa bahay nila Jiee. Madalas dun pa din ako natutulog. At madalas siya ang laman ng mga panaginip ko. Minsan nagigising akong umiiyak, isinisigaw ang pangalan niya. Kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko ang magsisi sa lahat ng kasalanang nagawa ko.
Palamig na ng palamig ang simoy ng hangin. 12 months o 1 year to be exact. Christmas eve na. Pauwi nanaman ako sa bahay nila Jiee dala ang pinakamalaking teddy bear na nabili ko.
As usual, color blue siya. Dito ako nagcelebrate ng christmas sa loob ng kwarto ni Jiee kasama ang 12 na teddy bear na binili ko para kay Jiee. Hanggang sa sumapit ang new year, bale 13 teddy bears na.
Minsan naisip ko na baka wala ng pag-asa. Baka talagang ayaw na sa akin ng best friend ko. Pero hindi, hindi ako pwedeng sumuko.
Gabi-gabi ganoon pa din ang nangyayari. Laman pa din ng mga panaginip ko si Jiee. Hanggang sa sumapit ang unang araw ng february.
Grabe ang lamig na masyado. Kasama ko ngayon ang panibagong teddy bear na nabili ko. Ang laki niya, at ang bigat. Pero para ito sa birthday ni Jiee.
Valentine's day ang birthday ni Jiee. 2 weeks from now. Naghahanda na ako kasi syempre sa kwartong ito ulit namin icecelebrate ang birthday niya.
Excited ka na ba Jiee?
Kasama ko ngayon si Jiee, yung teddy bear ha. Iniisip ko siya na nga talaga si Jiee para naman kahit papano mabawasan ang pangungulila ko sa best friend ko.

BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Roman pour AdolescentsIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...