Allan's pov
Ha??Paano mo nalamang......
Favorite mong kaining ang ice cream, fruit pie at eggpie, chocolates, at ramyun kapag nalulungkot ka at kung sobrang masaya ka? Ewan ko kung anong klaseng tiyan meron ka pero bon' apetite Jiee! ^___^
Allan..... Thank you!!!!!!!!
Bigla na lang nag- slo mo yung paligid ko ng bigla akong yakapin ni Jiee. Yung puso ko, pakidala na sa ospital please!
Jiee's pov
Allan.... Thank you!!!!!!!
Hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko at nayakap ko nanaman si Allan.
Sorry pero ang saya ko lang talaga kasi. Lately, hindi ko na nabibigyan ng time ang sarili ko.Medyo namimiss ko na ngang kainin ang mga ito.
hahaha! May pera kaso walang time para bumili. Kung hindi tulog eh nagbabasa kasi ako dahil sa sunod-sunod na mga quizzes at exams.
Ganito na pala ako ka-busy ngayong college. Buti na lang nandiyan si Allan para ipaalala kung ano man yung mga hindi ko dapat kinakalimutan.
Allan? Allan? hoy?
Hala! Natulala na. Nakakagulat ba yung pagyakap ko sa kanya?
Allan!
Ay sorry. Ah Jiee tara kain na tayo.
Weird nanaman siya. hahaha! pero yaaahhhh! Ramyun! Lahat ng favorite food ko nandito.
Allan, ang sarap. Saan mo naman nabili mga to?
Ah personal chef namin nagluto niyan. Medyo tumulong na din ako.
Magaling kang magluto? Masarap sila ah.
Hindi naman ganon kagaling pero marunong.
Yieee! Paturo. Nagsisismula pa lang din kasi ako eh.
Sure! Sige kain pa Jiee.
Naman!
Hahaha! Ang sayang kumain kasama ni Allan. Kahit na ang dungis kong kumain ng ice cream hindi ako nahihiya sa kanya.
Todo bigay lang siya ng tissue sa akin.
Matapos kumain, inayos na nung waiter yung lamesa at naglabas pa ng ice cream at chocolates.
hmmmm. ANTSALAP!
Bawing-bawi si Allan sa ginawa niyang pang-aasar sa akin ah.
Hindi ko alam, kung tama ba itong gagawin ko pero i'll take another risk.
Allan, alam ko super effort ka na dito at hindi naman sa namimihasa ako pero can I ask you a favor?
Sige. Ano yun Jiee?
Please, don't leave me. Stay on my side no matter how hard it is.
Jiee? Ano ba talagang problema? Saan ka natatakot?
Mahabang kwentuhan to. Mauungkat nanaman ang past pero sa tingin ko, tama lang na si Allan ang pagsabihan ko nito.
Elemantary ng una kong makilala si Angel. Naging close kami pero we didn't treat each other as best friends. we became enemies in a good way kasi naglalaban lang naman eh yung mga rank namin. tulad ko, isang mahinhin na babae si Angel. Maraming nagkakagusto sa kanya pero tulad ng laging sabi namin, wala kaming panahon para sa mga ganyang bagay kasi mas importante ang pag-aaral.
Nung graduation, alam ko ng iisang school din naman ang papasukan namin sa high school pero nagbigay pa din ako ng simpleng gift sa kanya para sabihing thankful ako na nakilala ko siya at naging isa sa mga dahilan kung bakit mas naging pursigido akong mag-aral.
First year high school,hindi na kami naging magkaklase. Pero hindi ko pa din inaalis sa isip ko ang mga katagang "aral muna bago crush".
Hanggang sa nabalitaan kong nagkaroon siya ng crush sa isa sa mga kaklase ko. at si Neil pala yun. hindi ako palaka-ibigan at wala akong pakialam sa mga kaklase ko nung first year kaya hindi ko alam na kaklase ko si Neil nun. hindi ko na lubos nakilala si Angel nun hanggang sa naging kaklase ko ulit siya nung second year kung saan nakilala ko din si Neil. naging katabi ko siya at nung first year pa pala niya ako kilala kasi daw ako yung top 2 ng room. sabi ni Neil, matagal na niya akong balak kausapin kaso nahihiya daw siyang mabasag lang kasi kung hindi pagkain ang hawak ko eh busy daw ako lagi sa mga librong binabasa ko. lagi lang din akong nasa likod at walang kinakausap ni isa sa mga kaklase ko kaya madaming nag-aakalang weird talaga ako lalo na sa kilos kong mukhang kamag-anak na ni Maria Clara. Dun daw ako simulang napansin ni Neil at naging crush niya ako.
pero sabi ko nga, aral muna bago crush kaya kahit alam kong may gusto sa akin si Neil nun eh hindi ko pinansin ang mga pagpaparamdam niya. Pero naging isa si Neil sa mga malapit kong kaibigan.
Hindi na kami close ni Angel nun kaya nakakausap ko lang siya sa mga groupworks.
Alam ko, ng mga time na yun ibang-iba na talaga si Angel kaya hindi ko na binalak mapalapit pa ulit sa kanya. instead, mas inisip ko na lang ang pag-aaral ko para makaiwas na isipin yung mga pang gulong bagay na yun.
Akala ko dun na natatapos lahat. masaya na kasi ok naman ako ng mga oras na yun. Si Neil kahit na patuloy pa din ang pagpaparamdam sa akin eh bigla ding nagbago at tinanggap na wala talaga akong panahon sa ganyan.
Pero kahit ganon,naging mas close pa kami ni Neil hanggang sa hindi ko namamalayan eh nagkakagusto na pala ako sa kanya.
Araw-araw nakakatext ko si Neil. at sa bawat araw na yun,mas nakilala ko pa siya ng lubusan to the point na inamin ko na sa kanyang may feelings na din ako para sa kanya.
Lumipas ang buwan at mas napalapit pa ang loob ko kay Neil. Masaya ako nun kasi kahit na alam namin na may gusto kami sa isa't-isa eh friend pa din ang turingan namin ni Neil. Naiintindihan naman naming bata pa kami para pumasok sa isang seryosong relasyon. dahil sa pag-unawa ni Neil ng ganoon eh mas minahal ko pa siya ng hindi niya alam. Sabihin na nating that crush thingy turned out to be love na.
Hindi ko ipinaalam kay Neil na mahal ko na siya hindi bilang isang simpleng crush pero mahal ko na talaga siya bilang siya.
Kahit ganoon, pinilit ko pa ding mag focus sa studies ko pero sa bawat araw na nakakasama ko si Neil eh mas nahihirapan akong itago na lang itong nararamdaman ko.
Hanggang sa dumating yung araw na kinatatakutan kong mangyari.....
I felt what they call "heart break"
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Teen FictionIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
