chapter 34: 3 months moving on

65 4 0
                                    

a/n: WOOOOHHHH! LET'S CELEBRATE! HAPPY 1K READS SA STORY KO! PARTY WITH ME MGA READERS! hahahaha

minsan kailangan nyo lang talagang pagpasensyahan ang mga segway moments ng mga author!

Jiee's pov

Lumipas ang three months na puno ng pagbabago. Sa loob ng araw-araw eh sasabihin kong siguro nga unti-unti na akong nakaka-adjust sa buhay ng isang college student.

Ang mga prof na nung simula eh akala mo kamag-anak ni kamatayan at unti-unti kang sinasaksak ng mga kasungitan, paper works at group works eh habang tumatagal nakakasanayan mo na ano man ang ibigay nila. Nagagawa na din namin silang kausapin ng walang kaba. Ang school na nung una gustong-gusto ko ay parang pinagsasawaan ko na din. Ang major subject naming accounting at mga maka-major major namang 2 units lang namang mga subject eh nakakahabol na din naman kami sa bawat pagtakbo ng mga chapters na aming pinag-aaralan.

Nakakaya ko na ring pumasok mag-isa sa mga araw na hindi ako naihahatid ni Allan kasi syempre may mga oras na busy din naman siya at tulog pa eh ayoko pong malate at kung wala akong balak sabayan ni Neil. At pinaka sa lahat ay hindi na ako ganoon kaparanoid kung hindi man ako naitetext, nakakasabay, at napagbibigyan sa mga bagay-bagay ng aking best friend nanaman na si Neil.

Malaki na ang pinagbago ng friendship namin sa loob lamang ng 3 months. Kung dati eh kasabay ko siyang pumasok at umuwi kapag pareha kami ng sched, naging madalang hanggang sa wala na talaga. Yung dating kaya niyang mag-antay ng kahit isang oras para lang makasabay ako, ngayon ni kalahating oras naiinip na siya. Yung dating pagtatampo ko sa sobrang liit na mga bagay, ngayon hindi ko na napapansin. Hindi ko namamalayang wala na lang pala ito sa akin. Parang nasanay na. At yung dati na iniisip kong siya lang ang magiging mundo ko, ngayon mas lumawak na at nakahanap na ako ng ibang mundo kung saan mararamdaman kong hindi ako nag-iisa kung sakali mang iwan niya ako.

Masaya ako sa lahat ng mga pagbabagong ito ngayon. Hindi man ganap na naibibigay ni Neil ang kanyang oras na dapat naman talaga ay sa akin ngunit ngayon ay nahahati na sa pagitan ng school works at kay Angel eh hindi ko na lang pinapansin. Parang minsan naiisip ko, normal ng wala ang best friend ko sa tabi ko. Nasanay na siguro akong ang laging sagot na makukuha ko eh "busy ako best sorry!" .

Ganon na lang ba talaga yun sa kanya? Sa sobrang pagtitiwala kong maaalagaan niya ang friendship namin, tuluyan na siyang naging malaya na makisama sa iba.

Siguro nakakasawa din naman talaga ako, kaya normal lang na ngayon ang lahat na ng attention niya ay nakay Angel.

Sinabi ko naman dati di ba? Wala akong balak makipag kompetensya kaya kung anong gusto nilang gawin eh gawin lang nila, wag lang nilang gagawing miserable ang normal kong buhay sa college kasi ayokong bumagsak. Galawin na nila lahat, wag lang yung mga pinaghirapan kong mga grades.

Sa loob lang din ng 3 months napatunayan kong sila Ray, Ria, Haley, Allan, Marvin at Mhikayla na nga talaga ang mga kaibigan kong tunay.

Nagdaan ang mga hang-outs, road trips kung half day gamit ang sasakyan ni Allan, mga birthdays kung saan inangkin na namin ang buong "JAMIN'GOOD"(isa po itong maliit pero ang cool na kainan sa labas lang ng school namin kung saan dito kami laging kumakain ng lunch) para lang sa pagcelebrate ng birthday ng bawat isa sa amin. Kaso si Ria at Haley pa lang naman ang nag b-day. Meron ding mga overnights kapag may mga group project kami. Lagi kasi kapag choose your own group eh kami na agad. Wala ng pagdadalawang isip pa.

Meron na din kaming friendsary which is every 14th day of the month. Yun kasi yung day kung saan nagsama-sama kaming lahat at nagsimulang kumain sa JAMMIN'GOOD. Ang saya nga eh. Kasi laging foodtrip sa araw na yun. Maraming mga bagay na ginagawa ng magkakaibigang naranasan ko sa kanila at ni minsan hindi ko naranasang ginawa namin ni Neil tulad ng friendsary. Simple occassion yet full of appreciation between your best of friends. Dito nagkakaroon kayo ng time kung saan relax at chill lang.

Almost 1 and a half month ng puro text na lang ang communication namin ni Neil. Maliban sa sobrang magkaiba ng sched eh un nga busy daw siya. Alam ko namang kasama lang niya si Angel eh. Nakikita ko. Hindi ako bulag na naglalakad sa iisang school na pinapasukan namin.

Pero iniintindi ko na lang. Siguro nga gusto lang ni Neil ng panahon para sa kanilang dalawa. Para naman maka-cope up sila sa isang  taong hindi sila nagkasama ni Angel.

At hindi ako magsasawang intindihin sila kasi kapag ako nagsawa, World War III,IV,V  ang mangyayari!

hahaha! Joke lang. :)

Masaya naman ako kahit wala si Neil sa tabi ko eh. Nakakatext naman niya ako at hindi ko na kailangan pang magmaka-awa sa kanya.

For what di ba? Sabi naman senyo eh! Nakaka-adjust na to mga bro! Hahahaha :)

Siguro nga ganito ang college life!

Tulad ng sabi sa psychology dati na hindi ko talaga matanggap tanggap.

COLLEGE IS THE BEST TIME TO START NEW AND FRESH MEMORIES AND EXPERIENCES.

Grabe nung una hindi ko talaga maintindihan yan at matanggap pero habang tumatagal masasabi kong kahit ano ngang pilit mong itago at dalhin lahat ang nakalagay sa bag mo, habang lumilipas ang araw na nagkakalaman ito, gustuhin mo mang dalhin nga ito lahat, meron at meron ka pa din talagang iiwan para malagyan ito ng bagong mga laman.

(basta ganon! maintindihan niyo naman daw ako ah! ang haba kaya niyan-segway ng author!)

At tulad din ng sabi ko sa kanila,

Ang oras, kusang ibinibigay yan ng taong gusto kang makasama. Hindi naman talaga hadlang ang pagkakaiba ng oras. Ang hadlang dito ay mga excuses na kesho walang time, di tugma, busy ako..... bla bla bla!

Hindi mo dapat ipilit ang oras kasi di ba? There is a time for everything. Kaya ngayon, masaya na ako sa kung ano mang oras ang naibibigay ng tao sa akin. Kaya masaya ako kahit na sabihin niyang walang time, kulang ang oras at busy siya kasi merong mga taong handa pa ding magbigay ng libreng oras nila para sa akin.

Nasa library lang ako ngayon. Mag-isa. Lahat sila nasa may oval. Remedial class. Nalate kasi sila nun sa psychology namin. Sa lahat naman ng subject dun pa sila nalate.Eh grabeng terror ng prof namin dun. Ewan ko kung bakit. Ayaw naman nilang sabihin. Sikretong matinik daw.

Ano yun? Kapag nalaman ko matitinikan ako? Hahahaha! Kung ano man yun, bahala na. Bhelat! Remedial kayo ngayon. hahahaha!

Sabi ko dito ko na lang sila aantayin. Gusto ko dito kasi tahimik eh! :) Tsaka medyo ligtas sa kapahamakan.

Nagbabasa ako ng libro ng may biglang airplane na gawa sa papel ang naglanding sa harap ko.

Hmmm? Pang-asar naman ito. Ganda ng moment ko eh. Ginagawa akong basurahan dito. Hoy! Excuse me, mas maganda pa ako sa aso nyo! Echos kayo.

Itatapon ko na sana ng may mapansin ako. Parang may nakasulat sa papel.

Binuksan ko ito at .....

Bigla na lang akong nanlambot sa mga nabasa ko.

If you want to know something. Pumunta ka na ngayon sa likod ng audio visual room. See you there!

-Love Angel-

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon