Marvin's pov
Sinasabi ko na nga ba eh. Tama ang hinala namin ni Ria na may iba dito kay Jiee. Kung wala siyang masamang ugali eh baka talaga ngang may sakit siya kaya siya nawawala ng bigla. At tama din ang nakita naming gamot niya na nahulog sa bulsa ni Allan.
Boom huli kayo ngayon! Pero bakit hindi nila sinabi agad sa amin? Kung ano ano pa tuloy naisip namin.
-flasback-
Oh ano Ria? Convinced ka na ba na may kung anong tinatago yang si Jiee?
Oo na Marvin!
Eh kayo, ano namang masasabi niyo?
Agree din! Lately madalas mawala si Jiee at nung last na pagkawala niya, di man pansin pero may sugat siyang maliit sa kamay niya.
Baka naman! Oh-my-gee! Kasali si Jiee sa isang fraternity?
Baliw! Kasing bait ng anghel si Jiee noh! Hindi niya magagawa yan.
Baka naman may malala siyang sakit at konti na lang ang nalalabi niyang mga oras! This is so not happening!
Lahat kami nagbibigay ng mga opinyon habang si Ray eh nanunuod pa din ng anime sa tab niya. Tignan mo yun, seryosong usapan may sarili nanamang mundo.
Hindi kami tumitigil sa pagbibigay ng opinions ng bigla na lang magsalita itong si Ray.
Hindi porke nawawala eh palagi ng masama, minsan sadyang may pinagdadaanan lang talaga.
Ha? Anong sabi mo Ray?
Ah wala. Nadala lang ako sa pinapanood ko.
Kahit kelan talaga may sariling mundo ang taong ito.
-end of flashback-
Pasensya na po! Medyo may pagka-wild imagination namin.
Matapos ang ilang minuto ng pag-aantay tinawag na din kami ni Allan. Bago makarating sa kwarto ni Jiee nagsimulang magsalita si Allan.
Ah guys! Sorry kasi hindi namin sinabi sa inyo agad. Si Jiee kasi eh ayaw kayong pag-alalahanin.
So tama ang hinala namin na may taning na ang buhay ni Jiee. Oh my! This can't be happening talaga.
Biglang sabat ni Ria.
Huh? Ano ba guys! Pinapatay niyo na si Jiee. It's not that serious. May mild asthma at heart muscle imbalance lang si Jiee kaya minsan bigla na lang siyang nahihimatay kapag masyadong intense ang mga happenings.
Aaaaaahhhh! Peace!
Sabay sabay kami niyan habang naka-peace sign. Nakokonsesya na kami salahat ng sinabi namin dati.
Last one guys, sana pagkagising ni Jiee wag nating ipakita sa kanya na galit tayo, nagtatampo o natatakot para sa kalagayan niya. Ipakita nating relax lang ang atmosphere kasi si Lola Vien sobrang nag-aalala pa din kahit na sinabi na ng doktor na ok na si Jiee.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Teen FictionIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
