Mikko's pov
Hindi ako sinipot ni Jiee kahapon. Ano ba naman yan, akala ko makakausap ko na siya eh nakalimutan niya pala.
Nahihiya naman akong kulitin siya kasi baka mainis siya sa akin. Hinahanap ko siya sa school maghapon kaso laging naka-alis na ang sinasabi nila.
Ang laki naman kasi ng school na ito kaya kahit isang building lang siya eh ang hirap pa ding magkita.
Pauwi na ako ng nakita ko si Jiee na nakahiga sa park kasama ang madami pang mga kaklase niya. Nandun din si Mhikayla kaso hindi ko pa kayang makausap siya. Si Jiee na muna bago siya. Para makasigurado. Lumapit ako sa kanila ng dahan-dahan pero biglang nagising si Allan Ramirez? Woah! Kaibigan siya nila Jiee? So bakit naging ganito ang buhay ni Allan Ramirez? Bakit parang naging simple at I'm amaze, may mga kaibigan na siya after how many years of being alone because of that crazy bitch na ex niya. At ewan ko pero parang ang lalaking tao ang involve sa buhay ni Jiee. Alam na kaya nila? Na si Jiee ang anak ng De Verra Fashion Industry? OO, nalaman ko lang din yun lately kasi isa ang pamilya nila sa guests ng kasal ko. Grabe! Tapos kasama pa sa barkada nila ngayon si Allan Ramirez na isa din sa anak ng pinakamalakas na Business company dito sa Pilipinas. Well, group of rich kids but not that popular though.
Yeah! I know their family background stories. And Allan's story as well. Naging matalik kong kaibigan si Allan nung nasa states ako kasi inaayos ko yung papers ng company namin. Malaki na nga talaga ang pinagbago ng buhay niya and I'm glad na mukhang naka-move on na siya.
Mikko? Anong ginagawa mo dito? Kelan ka pa nandito?
Ah hello bro! Medyo hindi pa ganoon katagal. Kakatransfer ko lang kasi.
Transfer? Sang school?
Sa school niyo!
Really? Welcome bro! Long time no see.
Uhmm, pwede ko bang kunin si Jiee?
Pagkasabi ko nun bigla na lang nag-iba ang aura ni Allan. Huh?
Bro! Wag siya.
Sobrang cold niyang sagot.
Huh? Bro mali yang iniisip mo. Hahahah! Ikakasal na ako. Kailangan ko lang makausap si Jiee for some serious matters.
Fudge! Tinakot mo ako dun. Congrtas bro pero kilala mo si Jiee?
Long story bro. Pwede ko na ba siyang kunin. Nagmamadali kasi talaga ako. But please wag mong sabihin kahit kanino. SERIOUS MATTERS talaga to.
Basta bro ingatan mo yan. Pag yan nagalusan, lagot kasal mo.
So you like her?
Well, I guess.. uhmmm.. Yes!
Oh I see. Don't worry bro! Sige talk to you soon!
Binuhat ni Allan si Jiee papasok ng kotse ko. Hintayin ko na lang daw magising kasi minsan tulog mantika talaga siya.
You're a lucky girl Jiee. Akala ko si Neil na ang para sayo pero mukhang hahabol pa ata itong si Allan. Sana nga ikaw na ang matagal na hinahanap ni Allan. Grabe ang tagal na panahong nagmukmok yan. Ikaw lang pala magpapatibok sa puso niya, makapagpapangiti ulit sa kanya at makapagbibigay sa kanya ng mga kasama sa buhay. Sana mas advance ka pang dumating para hindi na niya ipinahiya pa ang sarili niya noon. Para hindi na nasira pa ang buhay niya pero I'm glad na may taong makakapagpabago pa din sa kanya.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
JugendliteraturIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
