Jiee's pov
Pagkagising ko, mahimbing pa ang tulog ni Neil. Yung isang kamay niya nasa mga buhok ko pa din. Nakakatuwa naman siya. Para ko tuloy siyang tatay.
Minamasdan ko lang siya habang natutulog. Ang amo ng mga mukha niya, as always. Hindi ko pa nga nakikita yung mukha niyang galit na galit. Hinaplos ko saglit ang mga pisngi niya. Ang kinis. At kahit magdamag siyang nandito eh mabango pa din siya.
Haixt! Jiee wag mo namang pagnasaan ang best friend mong payapang natutulog! Naman eh. Tsss.
Ang tangos pala talaga ng ilong niya. At ang ganda ng features ng mukha niya. Ang gwapo niya!
KYah! Ano ba Jiee! Umayos ka. Wooo! Manners!
Alam mo best, ang gwapo mo pala talaga. Hahaha! Mabait pa. Perfect Bf na siguro. Alam mo may hinahanap ako, kaso iba ang nakahanap sa kanya eh. Sayang lang talaga pero wala na akong magawa. Siguro tititigan ko na lang siya ng parang ganito. Kasing gwapo mo siya, kasing kinis ng mukha mo, at kasing lambing mo din. Hahahaha! Parehas nga talaga kayo.Dati naisip ko, maari kayang ikaw siya?
Wala lang. Gusto ko lang magkwento habang tulog siya. Hindi ko kasi masabi sa kanya ito kapag gising siya kasi hindi pwede at hindi ko din kaya.
Alam mo din best, miss na miss na kita. Ganito pala kapag college noh! Bihira na talaga tayong magkita. Sana matapos na ang college. Ayoko ng ganito. Mahirap pala.
Oo, sobrang hirap na alam ko namang nasa iisang school lang tayo pero mahirap pa din sa atin ang magkita at magkasama.
Pero best! Ok naman na yun di ba? Kesa nasa magkaibang school tayo?
Dapat matuto akong makontento.
Best! Hindi ko man masabi sa'yo ito pero sorry ha! Aaminin ko minsan nagseselos ako kapag nakikita ko kayong magkasama ni Angel. Feeling ko kasi kapag siya ang kasama mo, nawawala ako bigla sa mundo mo. Pero sana naman hindi. I trust you Neil coz' you're my best friend. Kaya ano man ang maging desisyon mo kakayanin ko itong unawain. Wag mo lang akong iwan.
Pagkatapos kong sinabi yan, hinahaplos ko lang din ulit yung buhok niya pero bigla siyang gumalaw kaya agad akong humiga at nagkunwaring nakatulog.
Hala hala! Narining niya kaya ang mga sinabi ko. Bahala na. Basta tulog ako. Kunwari nalang nananaginip siya. Please! Sana hindi niya narinig. Sana Sana!
Haaaaay! Ah eh, Jiee? Gising ka na ba?
Inalog alog niya ako pero hindi ako gumalaw. Nahihiya ako. Baka narinig niya yung mga sinabi ko.
Ahy tulog pa. Uhmm, Maliligo na muna ako Jiee ha. Tapos kain na tayo pagkagising mo.
Oo, bilis maligo ka na. Dali dali!
>.<
Neil's pov
Magigising na sana ako ng biglang hinaplos ni Jiee ang ulo ko. Tapos bigla niyang hinawakan din ang mga pisngi ko. Ang lamig ng mga kamay niya pero ang ganda sa feeling na hinahaplos niya ang pisngi ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko kaya hindi na muna ako nagising agad. Bakit ganito?
Alam mo best, ang gwapo mo pala talaga. Hahaha! Mabait pa. Perfect Bf na siguro. Alam mo may hinahanap ako, kaso iba ang nakahanap sa kanya eh. Sayang lang talaga pero wala na akong magawa. Siguro tititigan ko na lang siya ng parang ganito. Kasing gwapo mo siya, kasing kinis ng mukha mo, at kasing lambing mo din. Hahahaha! Parehas nga talaga kayo. Minsan naisip ko, maari kayang ikaw siya?
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Novela JuvenilIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
