chapter 77: Which is Which?

31 2 3
                                    

Allan's pov

Maaga akong nagising para hindi na ako maabutan ni Jiee. Aalis na ako para mas makapaghanda siya para sa lakad nila ni Neil mamaya at syempre para makapaghanda na din ako sa mga pasabog ko sa park. Ibang park to ha. May bago kasing park malapit lang din dito sa condo ko at I admit maganda ang pagkakagawa. Perfect and romantic as well. Tinawagan ko na din ang barkada para tulungan ako.

Medyo rude nga to kasi parang kinokonsensya ko nga si Jiee pero wala na eh, tulad ng sabi ko kahapon, itotodo ko na to.

Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng lakas ng loob para sa babaeng minamahal ko. Masisisi niyo ba ako? And besides, alam ko nasa isang roller coaster kami ngayon at kung hindi ko ililigtas si Jiee eh hindi siya makaka-alis sa roller coaster ride na yon. If you know what I mean.

*krrrugak! krrrugaakk!*
Nubayan! Pinalitan nanaman siguro ni Jiee yung ringtone ng phone ko. Loko talaga yon. Baka sina Mikko na itong tumatawag.

Hello.

Allan, kompleto na kami dito sa park. Saan ka na?

I'm on my way bro!

Wala na ba talagang bawian to? Handa ka na bang masaktan muli sa ngalan ng pag-ibig? Hahaha!

Abay loko neto ah. Ang baduy mang-asar. Sinabayan pa nila siya sa pagtawa.Humanda kayo sa akin mamaya.

What a word bro! Nakakadagdag talaga kayo ng self confidence.
Ganyan talaga sila ka-supportive.

Just kidding. Pero seryoso ka na ba talaga?

Yup bro! Tska kundiman ngang ako ang piliin niya, my passport is ready for a short vacation.

Psssh! Lagot ka kay Jiee.

*end call*

Oo na! Alam ko namang baka isumpa ako ni Jiee kapag umalis ako pero saglit lang yon at tatawag din ako kaagad sa kanya kapag nakasakay na ako sa airplane. Dun na lang ako magpapaliwanag at alam ko namang maiintindihan niya ako.
Sana maintindihan niya ako.

Basta yun na ang plano. Kahit papano may tiwala pa din naman ako kay Neil. Na habang wala ako eh aalagaan niya si Jiee. Dahil kung nalaman kong may pumatak ulit na luha sa mga mata ni Jiee ng dahil sa kanya ay hindi na talaga ako magdadalawang isip na kunin ang matagal ng dapat sa akin. Inuulit ko lang po, lagot sa akin ang mananakit sa best friend ko kahit na close pa tayo. Alalahanin niyo yan.

Jiee's pov

Ano nanaman bang ingay yon? Ang aga aga may tumutunog ng cp. Kaaga namang phone call yan. Kay Allan nanaman siguro.

Hmm, may maagang appointment siya ngayon ah. Aixt! makatulog na nga.

*after few minutes*

Allan wag mo akong iwan please! Allan! Allan! Wag kang umalis! Humarap ka sa akin Allan Ramirez! Wag mo akong talikudan!

Bakit hindi niya ako pinapansin. Patuloy lang siya sa paglalakad. Palayo na siya ng palayo sa akin pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Paano kami napunta sa ganitong situation?

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon