chapter 75: Awkwardness Overload

21 1 0
                                        

Chapter 75

Jiee's pov

*grooog* Oink! *grooog* Oink!

Huh? Ano ba yan? Ang aga aga naman may nag-iingay na. Sino naman kayang baboy ang kinakatay diyan sa labas? Kawawa naman. Pero mas kawawa ako! Gusto ko pang matulog! Inaantok pa ako! Tsaka kelan pa nagkaroon ng slaughter house dito?

*grroooog* Oink! *grrrooooggg* Oink!

Ahhhh! Naman eh. Ayaw tumigil! Makabangon na nga. Agad kong tinanggal ang unan na nakatabon sa mukha ko at tumingin sa tabi ko. Haaaay! Kung walang kinakatay na baboy eh itong si Allan naman pala ang gumagawa ng ingay dito. Maduga na ito eh, nasasanay ng lagi akong binabantayan pag natutulog. Hindi sa naiinis ako pero nahihiya na ako sa kanya. All this time, wala na siyang ginawa kundi bantayan ako, alagaan kahit alam niyang magaling na ako. Sino siya? Edward Cullen na binabantayan si Bella Swan sa pagtulog? Kaso kabaligtaran eh, imbes na hindi nya gisingin si Bella eh nagigising ito dahil sa lakas ng hilik niya. Ganyan talaga kapag pagod yan. Malakas humilik. Sinabi na kasing wag magpuyat o magpagod eh hindi sumusunod sa advice ng kanyang napakagandang best friend.

Pero teka? Si Jacob ang best friend ni Bella ah? So ibig bang sabihin neto eh uhmmmm erase erase erase! Ito nanaman ako sa pag-iilusyon kaaga-aga eh. Ako rin nasasanay na sa kakaday-dream. Sa dinami-dami naman ng maiimagine ko eh maging kalove team pa itong Allan na to. Pero yun nga, sa kakabantay niya sa akin eh napabayaan na ata niya ang lovelife niya. Nung nasa amerika kami, tinatanong ko si Lola Vien kung may nakilala na ba si Allan nung sleeping beauty ako para naman sana may bago akong makilala kaso wala daw eh. 24/7 ako ang binabantayan, kinakausap at pinag-aaksayahan niya ng oras. Gusto kong hambalusin siya non kasi ilang months ang sinayang niya para lang sa akin pero sabi niya mas ok na daw akong kausap kesa yung mga babae doon. Ewan ko kung bitter ba siya oh ano.

But to be honest, minsan nakakaramdam ako ng weird feelings dito kay Allan eh. Dati normal pa sa akin yung mga hirit niya, yung pagiging sweet niya and other stuffs like paghawak ng kamay ko, pagsandal sa akin, or minsan yung pagyakap niya sa akin. Pero minsan pag ginawa niya yan parang biglang pasok ni AWKWARD tapos matatauhan na lang kami pareho at mag-iiwasan. Tapos biglang papasok sa isip ko si Neil then mawawala bigla yung weird feelings na nafefeel ko kay Allan. Minsan naman eh umiiwas na lang ako at hindi pinapahalatang naiilang ako sa kanya. May time pang naisip ko baka inlove na ako sa lalaking ito kaso impossible naman yon kasi hinahanap-hanap ko pa rin si Neil. Minsan, binabalewala ko na lang kahit na naguguluhan ako kasi ayokong sabihin kay Allan. Nahihiya ako. Tsaka aasarin lang niya ako, pwede ding pagtawanan. Hindi pa naman ako sure kaya ayokong madaliing sabihin sa kanya. I know, minsan siguro hindi ko nga maiiwasang maramdaman yon dahil sa pangungulila ko kay Neil pero hindi tamang kay Allan ko iasa yon kasi baka iba ang kahintulutan ng lahat, baka hindi ko mapanindigan kung may nararamdaman na nga ako sa kanya na pwedeng maglead sa pagkasira ng friendship namin. After all, isa na din naman si Allan sa most important na tao sa buhay ko, I mean without him, siguro wala na din ako dito ngayon. Thanks to him kasi kahit sinukuan na ako ni Neil noon eh andyan si Allan sa tabi ko na lagging nagpapaalala na kung may mahal ka, lahat gagawin mo para sa kanya kahit na tinalikuran ka na niya.

Minsan pumasok na din sa isip kong talagang sabihin na sa kanya kaso feeling ko Imbes na makatulong eh baka palalain pa niya noh! Hihiritan nanaman niya ako tapos speechless nanaman ang kalalabasan ko. Kaya daw napaghahalataan. Pero hindi talaga eh. Alam ko, alam din niya na love ko pa si Neil at kaya lang niya ako hinihiritan ng ganon eh para asarin. Utot ko naman, na si Allan magkakagusto sa akin? Eh oo, sweet siya sa akin pero impossible talaga eh. We're just best friends tsaka si Neil nga kasi eh. Ughgh! Masakit na sa ulo to ah.

Ahy teka! Bakit ko nanaman ba iniisip to? Sabihin ko kaya kina Mhikayla? Or kina Mikko kasi lalaki sila at baka mas mabigyan nila ako ng mas eksaktong advice. Pero pag sinabi ko, baka asarin lang din nila ako kasi di ba matagal na nila akong nililink kay Allan. Malamang, kakampi sila kay Allan.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon