chapter 51: Is it real?

48 5 1
                                    

a/n: Broken hearted ako ngayon kaya pasensya sa kadramahan T____T Mashakit piman!

Jiee's pov

Alam mo bang bawal ang batang sobrang cute dito? Kaya dapat umalis na tayo dito. :)

Napakasweet na tono ng pananalita ni Allan ang biglang bumasag sa katahimikan ko habang hawak ng mainit niyang mga kamay ang nanlalamig kong mukha.

Agad niyang hinawakan ang mga kamay ko at pumunta sa labas ng bar. Pagkalabas namin eh umuulan na. Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Allan sa kamay ko at ako namang humawak sa kamay niya sabay hila sa kanya sa gitna ng kalsada para maglaro sa ulan. Maglaro nga ba talaga?

Nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan niyang sabayan na lang ako sa kung anuman ang gagawin ko. Nakatalikod ako sa kanya habang hawak pa din ng isang kamay ko ang isang kamay niya. Nakatingala ako sa langit at hinahayaang pumatak ang ulan sa mukha ko. Buhos lang ulan! Bumuhos ka! Wag ng tumigil pa!!!!!!!

Ulan! Salamat at dinamayan mo ako ngayon. Sadya bang ngayon ang bagsak mo? Oh ginagawa mo lang ito para pagtakpan ang kahinaan ko?

Jiee.....

Sobrang cold na tawag sa akin ni Allan kasi kanina pa ako nakatalikod sa kanya at ayoko siyang lingunin. Ayokong makita niyang ganito ang kalagayan ko ngayon. Ayoko! Nahihiya ako. T____T

Jiee, hindi mo na kailangang magpanggap pa sa akin. Kahit saglit pa lang kitang nakakasama, kabisado na kita.

Iniharap niya ako sa kanya at pinunasan ang mga tubig na umaagos sa mga pisngi ko gamit ang mga kamay niya. Pangalawang beses na sa araw na ito na hinawakan niya ang mukha ko. Ganoon na ba kahalata? Nalaman niyang ang mga tubig na dumadaloy sa mga pisngi ko ay luha hindi ulan. Kahit nga ba anong gawin kong pagpapanggap sa harap niya eh hindi effective kasi si Allan ang laging nakakakita sa totoong ako? Allan heto nanaman ako at nagtataka sa'yo pero sobrang thankful ako kasi nandiyan ka sa tabi ko.

Hindi ko alam pero bigla ko na lang hinawakan ang mga kamay niya at bigla siyang niyakap. Hindi ko na kaya. Ayoko ng magpanggap. Ayoko na!!!!!!

*sniff* Allan *sniff* huhuhu! *sniff* huhuhu! :'''''''(

Oo na! Umiiyak ako. Nasasaktan ako. Kanina habang tinititigan ko sila Neil at Angel na sumasayaw eh nakakaramdam ako ng paulit-ulit na taga sa puso ko. Pero hindi ko maialis ang tingin ko sa kanila kahit na alam kong nasasaktan na ako at konting-konti na lang eh babagsak na ang mga luha ko. Yung dapat na masayang araw namin ni Neil eh napuno ng pagpapanggap. Pagpapanggap na ok lang ako. Na kaya kong makita ulit silang magkasama. Magkahawak kamay. Magkayakap at malala ngayon kasi maghahalikan na. Pero bigla akong kinausap ni Allan kaya bigla na lang akong natauhan.

-flashback-

Jiee! Ready ka na ba?

Ah Kelly, oo naman kahit na labag talaga sa loob kong umatend ng prom.

Hanggang ngayon labag pa din sa loob mo?

Naman! Alam mo namang at war pa kami ni Angel ngayon at natatakot akong may makita na pwedeng maging rason ng pagsuko ko sa nararamdaman ko para sa best friend ko.

Ano ka ba! Think positive! May nakita akong hawak niyang rose kanina. Dalawa yun!

At nagstart na ang prom. Sabi ni Neil siya ang susundo sa akin kaya nag-antay ako kaso 30 minutes ago ng nagstart ang prom, wala pa din siya kaya sinundo na ako ni Mario, yung kaibigan kong bakla.

Medyo nadisappoint ako pero kailangan kong panindigan to. First time na makikita nila akong nakadress at naka-make up. Maayos ang buhok at physical appearance. Hindi ako yung tipo ng babaeng mahilig mag-ayos. Tulad ng karamihan ngayon, t-shirt-rubbershoe- type of girl ako. Palda lang ng school ang isinusuot ko.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon