Chapter 36: Jiee's condition

59 4 0
                                    

Ria's pov

Haaay grabeng remedial yun. Ang boring. Kung bakit pa kasi kami nagpakalate nun. Nagsisisi na ako. T_T

Kaya lang naman kami nalate kasi inintriga namin si Allan nung nakita namin siyang may nahulog na gamot sa bulsa ng jacket niya. Sabi niya para daw yun sa lola niya. Feeling ko hindi naman. Hindi namin nabasa agad kung anong gamot yun kasi agad niyang napulot.

Papunta na kaming library ngayon kasi nandun daw si Jiee. Habang pataas kami sa library may biglang tsismisan nanaman dun sa mga stairs. Grabe talagang hindi na natapos mga bulungan dito. 

Uy alam niyo na ba yung balita? May isang babae daw na natagpuan sa damuhan dun sa oval. Walang malay. Hindi alam kung anong nangyari.

Ano yun? Nagpakamatay?

Baliw! Wala lang malay pero hindi nagpakamatay! Kalokaret!

Hala sino naman kaya yun? Kawawa naman kung ano mang nangyari sa kanya.

Grabeh! Ang taas ng library. Puno naman kasi elevator kaya nag hagdan na lang kami.

Pagkatuntong sa library agad naming hinanap si Jiee pero wala siya dun. Kanina pa kami tumatawag sa phone niya pero hindi niya sinasagot.

Ano nanaman kayang nangyari sa kanya? Ewan ha, pero lately laging nawawala si Jiee. Kung hindi hamster(kahit saan at kahit anong posisyon nakakatulog) ang peg niya eh mushroom din naman (bigla biglang nawawala o sumusulpot)

Ano? Nahanap niyo na ba?

Lahat kami umiling lang kay Allan.

CLINIC NOW! DALI!

Agad naman kaming napatakbo sa sigaw ni Allan. Hindi na din namin pinansin yung librarian na nagagalit na sa amin. Nakakatakot ang aura ni Allan ngayon. Yung kaninang masaya niyang mukha eh naging super serious na. 

Bakit anong nangyayari? Anong meron?

Ang naiintindihan ko lang eh matapos naming akyatin itong pagkahaba-habang hagdan na ito kasi nasa 10th floor ang library eh bababain nanaman namin ito hanggang 5th floor kasi nandun ang clinic!

Haaaaaaayyyy! Ano ba yan? Pwede sana explain explain muna noh bago panic panic!

Pagkapasok sa clinic agad nagtanong si Allan kung may Jiee De Verra bang naisugod dun kanina. Sabi ng school nurse isinugod na daw siya sa ospital.

ANO? Paanong si Jiee?

Hindi sumagot si Allan pero lahat kami eh dumiretso sa may parking lot. Mamaya na daw kami magtanong basta ang mahalaga eh makapunta daw kami agad sa ospital.

Dumaan din kami sa bahay nila Jiee at sinundo ang lola niya.

This is terrifying! horrifying! Hindi namin alam ang nangyayari pero nagpapanic na kami kasi si Jiee nasa ospital sa hindi namin malamang dahilan. Hindi namin alam kung mamamatay na ba siya o ano? 

Parang kanina lang maayos pa siya tapos ospital agad? Anong sakit niya at bakit hindi namin alam?

Ano ba? Kung pwede lang isearch sa google kung anong nagyayari eh! Hindi na lang din kami makaimik kasi ang scary ng atmospere.

Pagkarating sa ospital pinahintay muna kami nila Allan sa baba. Pupuntahan lang daw muna nila yung personal doctor ni Jiee tapos tatawagin na lang nila kami. Wow personal doctor. Rich kid talaga si Jiee.

Guys ano bang meron?

Hindi na ako makatiis eh. Baka kasi ako lang ang hindi nakaka-alam.

Kaso walang umiimik. Lahat sila nakayuko lang at nakasimangot. Ginaya ko na lang din sila. Siguro nga hindi nila alam.

Wag kayong mag-alala. Sa tingin ko ok lang si Jiee.

Biglang sagot ni Ray na medyo late man eh nakakagulat kaya agad kaming napatingin sa kanya.

Tahimik siya at laging may ibang mundo pero ngayon bakit biglang parang may alam siya sa mga nangyayari. Parang nasa ibang mundo nanaman siya pero nasa tamang mundo siya ngayon.

Anong nalalaman mo Ray? Spit it out. Dali!

Hindi na siya sumagot pa at tinuro na lang yung hallway. Mga ilang seconds lang eh nakita na naming naglalakad si Allan at tinawag na kami. Nakatulog pa daw si Jiee pero baka magising na kaya dapat andun na kami.

Ang weird ni Ray. Parang may kung anong powers siya na hindi ko maintindihan. Baka malakas lang pandama niya.

Pero hindi pa din niya sinasagot yung mga tanong ko. 

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon