chapter 81: Them guys

19 1 0
                                    

Mhikayla's Pov

Nakakapraning naman ito oh! Hindi kami mapakali. Kakaisip sa kung ano na kayang nangyari sa love triangle na yun. Baka naman naging square na! Mikko kasi eh! Pasimuno! Kapag si Jiee, nakita kong umiiyak hanggang bukas, baka hindi ka na umabot sa araw ng kasal mo. Haixt! Nakakatense!

Hindi ako makatulog! Bwenas! Makapagonline nga sa skype.

Hmmmm, weird! Online silang lahat. This is why skype is made!

Hey -_-

Medyo matamalay kong bati. Inaantok na ako, ubos na energy ko but still hindi ko magawang makatulog. Litsi! Ang weird ko ngayon.

Are you thinking what I'm thinking? Matamlay ding sabi ni Ria.

Lahat naman kami sabay-sabay na sumagot ng oo. Para kaming mga zombies na nag-uusap dito. Lahat pala kami pare-pareha ng kalagayan. Haaay naku ka talaga Mikko! Ewan ko kung may patutunguhan itong pag-uusap namin basta ang alam ko nagtititigan lang kami ng mga mukha. Nagaabang ng status kung sakaling magkaroon man. At baka sakaling may tumawag din kaso napakaimpossible naman.

*KRIIIIIIIINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ahy sibuyas! Patatas! Balbas! Katas! Gasgas!

Aray naman! Nahulog lang naman ako sa kama. Teka? Anong oras na ba? Agad akong tumalon pabalik ng kama at nakitang nakaopen pa din ang skype ko. 11am na! We need to get to Allan's condo na!

Lahat sila nakamumok pa din!

GOODMORNING!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ahy hudas! -Ria

Ahy kabayo ka!-Haley

Ahy walanyang linta!- Mikko

Ahy hinayupak kang bata ka!-Marvin

Ahy impakta!- Ray

Wow ha! Goodmorning talaga. Sarcastic kong sabi. Bwisit! Ang saya kong gumising para gisingin kayo tapos ganyan pambati niyo. Kaibigan ko talaga kayo. Kaloka!

Sorry Mhikayla, ano bang meron bakit ang saya mo?-Mikko

Duh? Umaga na po. At natatandaan ko may susugurin tayong condo ngayong araw.

Ahy! Anong nangyari? Bigla na lang silang nawala sa screen ng laptop ko. Wow talaga ha! Uso ang salitang babye guys! Waaaaaaaaaahhhhhhhhh! Anong akala nila, sila lang ang excited? Ako rin kaya noh!

Agad akong dumiretso sa banyo at naligo na. Jiee wait for us! And for you Mr. Allan Ramirez, I'm counting on you!

Matapos maligo, kumuha lang ako ng isang slice ng bread tapos nagtatakbo na ako palabas ng boarding house ko. Makikikain na lang ako kina Allan. Sigurado namang may pagkain doon eh.

Agad naman akong may naparang cab kaya mabilis akong nakarating. I guess?

Sa wakas nandito ka na. -Marvin

Sorry naman daw oh. Uso kasi talaga ang salitang ba BYE!

Eh uso din kasi yung mga salitang bilisan sa banyo.-Marvin

Tse! Tignan mo itong Marvin na to, kung hindi si Jiee eh ako ang pinagtritripan. Pumasok na kami at habang nasa elevator kinakabahan kaming lahat. Sinong kakatok? Naku! Ayokong ako. Baka kung ano pang mangyari. Ganito talaga ang mga kaibigan, dapat laging updated kaso sa sobrang kakaupdate namin eh nakakabaliw ng sugod ng sugod.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon