Chapter 4: Say What?

113 7 0
                                    


Jiee's POV

Yipee! Saturday na rin sa wakas! I'm so loving this day kasi papasyal daw kami ni best friend after class. Saan naman kaya? Kahit saan basta may pagkain ayos na ayos na ako. Pagpasok sa room, ganon pa rin ang atmosphere as usual. Kelan ba mababago di ba? Tiisin mo nanaman ang isang buong araw Jiee.

Uupo na sana ako sa tabi ni Allan kaso may papabol siyang kausap. Adik talaga yung baklang yun. Malakas ang kanyang charm, infairness naman daw ah. Ilang araw na niya akong kinukulit kay Neil pero ilang araw na din ang lumipas kaso hindi ko pa siya maipakilala personally kay Neil kasi hindi nagtutugma ang mga schedule namin. Thank God at ganon nga. Hindi ko na kailangan pang magpalusot nang kung ano ano ay Allyssa. Pasensya na kung minsan Allan tapos Allyssa tawag ko sa kanya ha.

Naghanap ako ng mauupan at yun, nakita kong may vacant seat sa third column ng second row. OHA! Ganyan ka-specific! Tatabihan ko rin sana si Ray kaso may mga nakaupo na rin sa tabi niya. Late rin kasi akong nagising kanina kaya medyo late ding nakapasok. Buti na lang wala pa kaming prof.

Mukhang genius ata itong katabi ko ngayon. Tahimik rin, parang may malalim na iniisip. Kulitin ko nga! Hahaha! Anong meron at parang hinahayper ako ngayong araw?

At sabi ko nga di ba? Mangungulit ako pero ang tipid niyang sumagot at ang tahimik talaga niya. May kauri nanaman kami ni Ray kaso hindi ako mapakali sa katahimikan niya. Parang gusto ko ng maingay ngayong araw. Kung kelan naman kasi gusto ko, saka busy itong si Allyssa sa mga boylets niya. Pero atleast alam ko na ang pangalan niya within just a few seconds.

Oh teka teka teka! Mali yang iniisip niyo, hindi po ako nanlalalaki katulad nang ginagawa ni charming Allyssa dun. Gurl po itong kinukulit ko. Nahahawa na talaga ako sa pagurl-gurl ni Allyssa. Uso rin sa kanya yung bhe kaso ayokong masanay dun at baka pati si Neil matawag ko nun, kung ano pang isipin niya. Ay siya nga pala, Mhikayla pala ang pangalan netong kaupo ko ngayong araw. Sa tingin ko makakasundo ko siya. Mabait, mahinhin,tahimik at pala-aral! Kanina pa kasi niya binabasa yung notebook niya na para bang may quiz kami mamaya pero wala naman.

ACHU! Anong sinabi ko? PALA-ARAL? Naniniwala ba kayo na si Jiee ay pala-aral? Joke lang naman. Oo pala-aral ako, hindi lang ganoon kahalata.

Lumipas ang oras at ito ako ngayon sa theology subject namin.

Napipikit-pikit...

Lulubog-lubog...

Kikindat-kindat...ang mga mata.

Ang init naman kasi dito sa pwesto ko tapos ang hangin pa. Tapos si Ma'am naman ang hina ng boses, hayan tuloy. Sinisiko na nga ako nung katabi ko kasi daw baka mahuli ako ni Ma'am na nakahalumbaba sa desk ko. Mapagalitan nanaman daw ako. Hmpf! Oo, alam niyang ako yung napagalitan noon nung P.E. class namin dahil nakaheadset ako at hindi ko namalayang dumating na pala ang instructor namin noon. Itong mahirap sa pag-aaral eh, yung magpigil ng falling for you at rolling in the deep na mga heavy eyes. Lalo na kung yung subject pa eh pure discussions tapos ang tahimik at tanging mahinang boses lang ng instructor mo na parang recorded tape ang napapakinggan mo.

Maya-maya biglang nagvibrate ang phone ko kaya agad kong inilagay ang bag ko sa desk ko at dahan-dahang sinilip ang cellphone ko. YIEE! Si Neil ang nagtext. Baka nasa labas na siya ng room ko. Nauna siguro silang nadissmiss.

Habang binabasa ko yung text niya, unti unti kong nararamdamang parang umiinit ang gilid ng mga mata ko.Gusto ko nang umuwi! Gusto ko nang umuwi,gusto ko nang umuwi talaga! Naiiyak na ako. Gusto nang umagos ng mga luha ko pero pinipigilan ko. Bakit ganon? Mas pinili pa niya sila over me. Matapos na sana ang subject na ito. Naiiyak na talaga ako pero ayokong dito umiyak. Mapapahiya lang nanaman ako.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon