Neil's Pov
Nagbati na nga kami ni Jiee, mas napadalas naman ang hindi namin pag-uusap dahil sa mas tuloy tuloy na pagdagsa ng mga school works namin. Minsan kailangan niyang mas agahan ang pagpasok kaya hindi ko na rin siya nakakasabay sa dapat na araw na magkasabay kami. Madalas naman din siyang nalalate sa paggising kaya hindi ko na rin siya naaantay at nauuna na ako.
Namimiss ko nanaman siya. Ako kaya? Namimiss din kaya ako ng best friend ko? Malamang sa malamang, miss na miss na ako nun kaso 'yun nga lang, kailangan naming tiisin itong ganitong sitwasyon kasi hindi na nga kami magkaklase.
Haaay! Ewan ko rin pero minsan kapag nakikita ko siyang may kausap na ibang lalaki eh hindi ko mapigilang matakot. Maging malapit na siya sa kahit sinong babae, huwag lang sa kahit sinong lalaki diyan.Yung parang any moment naiisip ko kasi na pwede siyang mawala by just a blink of an eye. Though she's not mine and she would never be mine, hindi ko pa rin mapigilang maparanoid paminsan minsan.
Oh! Baka iba nanaman ang nasa isip niyo? Hindi sa binabalak kong gawing girlfriend yung best friend ko. Ayoko lang talaga siyang mawala sa akin at kahit para sa kanya eh sapat na yung pagbawi ko sa mga nagawa ko sa kanya noon eh hindi pa rin ako titigil para maprove ulit sa kanya na I'm worthy for her trust again.
Again? Yeah again! And again and again. Hindi ko din tinutukoy 'yung latest na pag-aaway namin kundi 'yung super past na. Dahil I'm a stupid jerk na matagal ng pinagtitiisan ni Jiee. Hindi ako perpektong kaibigan sa kanya, and sa ilang taon na naming magkaibigan, kailanman hindi ako naging matinong best friend sa kanya kahit na iyon ang tingin niya sa akin.
Matagal tagal na ding nangyari ang mga bagay na 'yun kaso simula nang magkaroon ng napakadaming issues ang pagkakaibigan namin, naging mahina ako kaya hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang lamat sa pagkakaibigan namin. Hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang sarili ko. Alangan namang siya ang sisihin ko eh siya 'yung talagang nasasaktan dito. Siya 'yung nagsakripisyo para sa kaligayahan ko. Habang ako nagpapakasaya, hindi ko namamalayang namamatay na pala sa sakit ang bes tfriend ko.
Hindi ko naman sinasadya. Siguro talagang nabulag lang ako ng pag-ibig. At dumating sa point na nakalimutan ko na dapat mas pinahalagahan ko 'yung friendship namin bago 'yang love na yan. Siguro ang masasabi ko, masyado kong minadali ang pagiging inlove noon kaya madami akong nasaktan at isa na siya doon. Pero nasaktan din naman ako eh. Madilim rin naman ang pinagdaanan ko.
Kaya hayan tuloy, naging iyakin, possessive at paranoid ang best friend ko. Sisihin niyo na din ako kung bakit madali 'yang matakot at hindi ganoon kabilis magtiwala. Minsan din napakadaling magtampo niyan. Yung pinakasimpleng bagay eh iniiyakan na niya. Matalo lang sa jak-en-poy 'yan, minsan nagmamaktol na. Napakadami niyang trust issues pero buti na lang, nalalabanan pa rin niya. Para daw sa friendship namin pero nararamdaman kong malaking parte doon ay para sa akin.
Alam niyo 'yung feeling na nagtiwala ka, 'yung ang dami mong pinanghahawakang pangako galing sa kanya, 'yung minsan pasisinungalingan mo na 'yung sarili mo para lang hindi ka masaktan. Lahat yata ng mga 'yan, naranasan na niya nang dahil sa akin.
Kung meron nga lang talagang time machine eh. Tsk! Ito ang pinakamahirap sa totoong buhay, parang chess sabi nga nila, touch move. One wrong move, you'll be in pain or the other would be in deep sorrow.
Kaya lahat talaga nang pag-intindi eh ginagawa ko at gagawin kong lahat bumalik lang 'yung tiwalang meron siya sa akin noon hanggat kaya ko.
Early morning ang drama ko nanaman. Ito bang epekto kapag may namimiss kang tao? Napapaemo ka bigla? Maglalakad na sana ako papuntang room ko nang parang may nahagip 'yung mga mata ko at may familiar na boses akong naririnig. Hindi ako pwedeng magkamali kung sino siya. Pero sino kaya 'yung kasama niya?
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Ficção AdolescenteIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
