chapter 48: Saturdate

49 3 0
                                        

Allan's pov

Saturday na ngayon. Ang bilis ng araw. Hindi man ako sang-ayon sa double date na ito eh pumayag na lang ako kasi ayoko namang iwan si Jiee. Kahit andun si Neil, pwedeng may mangyari pa din kay Jiee. Ayoko namang mapahamak nanaman siya.

Sinundo ko siya sa bahay at pumunta na kami sa mall para makipagkita kina Neil.

Bakla man ako sa inyong paningin, ako'y nakaka-akit pa din. bwahahaha! Joke lang. Panay ang titig ng mga tao sa akin, as usual kelan ba nabago yan pero ako isa lang ang nasa paningin ko.

Ang gusto ko lang sabihin eh, lalaki na ako ngayon kaya sana naman umayos-ayos itong si Jiee mamaya. Sana mafeel kong ako talaga ay ka-date niya. Sayang naman kasi ang moment na ito kung palalampasin ko pa. 

Jiee? Sigurado ka ba dito?

Oo naman! Ngayon ko lang ulit makakasama yung best friend kong mamasyal noh! Kahit na meron si Angel sa tabi niya.

Napaka-positive niya. Be good Allan. Wag mong sirain ang araw ni Jiee.

Pagkababa ng kotse, agad nagtatakbo itong si Jiee. Hindi man lang talaga ako inantay.

Pagka-lock ko ng sasakyan agad akong tumakbo para hanapin siya. Saan nanaman kaya nagpunta yun?

Natae or something? Kinabahan o ano?

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng biglang may kumalabit sa akin mula sa likod. Baka yung mga babae nanaman itong gustong magpapicture.

Gusto mo?

Pagkaharap ko, si Jiee may hawak na limang maliliit na ice cream. As in yung super liit. Siguro kasing laki lang ng thumb ko.

Hahaha! Ang cute niya. Para siyang batang ewan. Basta ang cute. Ang saya lang niyang pagmasdan.

Lamon agad? May dungis ka na sa mukha. Kain kasi ng kain eh.

Kung ayaw mo di wag!

Agad naman akong kumuha ng panyo at pinunasan ko yung sa may tabi ng labi niya. Grabe ha! Ang liit na nga nung ice cream eh madungis pa din siyang kumain.

Thank you!

Sumbat niya at biglang isinubo niya sa bibig ko yung isang ice cream na hawak niya saka siya ngumiti at naglakad na papunta sa sinehan.

Haaaaay! Ang cute niya talaga! Help me, Baka matunaw ako...... o siya ang matunaw dahil sa kakatitig ko T_T

Sinundan ko lang siya at yun nakita na namin si Neil. Todo kaway pa si Jiee. Ito namang Neil ang laki ng ngiti samantalang si Angel ang fake ng ngiti.

Tumakbo ako para maabutan si Jiee. Nagkamustahan lang hanggang sa namili na kami ng movie na panonoodin.

Actually, nahirapan kaming mamili kasi sa bawat suggestion ni Jiee eh kontra itong si Angel. At sa huli ang panonoodin namin ay yung horror movie na APARTMENT 143.

If I know, gusto lang yan ni Angel para makayakap kay Neil. Oo kay Angel ang napili kasi talo si Jiee sa jak-en-poy.

Bumili muna kami ng food. Kanya-kanya kasi nga double date ito. Libre ko si Jiee, ililibre naman ni Neil si Angel pero dahil sa araw din ito ni Jiee at Neil eh ginagastusan pa din ni Neil si Jiee. Kaya ayun, ang daming buhat na pagkain ni Jiee. Grabe talaga itong walking stick na to.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon